Matagal ko nang plano ito kaya lang sa kakulangan ng pera ay di ko maituloy ang collection na ito at kung may pera man ako, dapat ang una kong mabili ay pulang volks.
Ang father(+) ko kasi ay may red beetle na nabili noon. Nung namatay siya ay parang naging care taker na ang kapatid ko at pinaganda. Dun nagstart yung parang kahiligan namin (or niya) sa sasakyan lalo na sa volks. Pero di yung beetle namin ang topic kaya balik tayo sa bagong collection ko.
Nauso na dati ang matchbox (die-cast cars), nagkaroon na kami noon nito kaya lang nawala na yata ni kuya. So ayun, everytime na pumupunta ako ng mall, gustung-gusto ko nang mabili yung mga cute na toy cars pero syempre nga kailangan mag-start ako sa red beetle.
Kanina, natupad na ang pangarap ko (yehey!) di na ako nagdalawang isip pa dahil baka mawala nanaman sya.
Nasimulan ko na ang collection ko with 2 High Speed 1:87 VW Classical Beetle (isang red at cream.) Di pa ako ganun kagaling sa mga details at kung ok ba yung binili ko but ok na yun. Mahalaga I already have my red beetle.
Note: My new collection will not stop me from collecting chocolate wrappers, paper napkins/tissue paper, pig (figurine, stuffed toys etc.), old and new coins/banknotes, stamps, and others.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment