Wala sa budget pero dahil baboy ay binili ko.
LED Super Capacity Rechargeable Reading Lamp na nabili ko sa tabi-tabi. Hinanap ko sa internet kung may katulad at swerte ko, nabili ko pala ng mura ang baboy lamp na ito.
Heto ang itsura:
Cute no? Online ay $4.99 siya sa totoong buhay ay $3.50 lang! Wala pang shipment na kelangang isipin. Cute no? Wish ko may makita pa akong ibang baboy.
Gusto ko sanang bilhin yung baboy water dispenser kaso di na siya maganda dahil medyo may gasgas na. Ang ganda pa naman.
Baboy lamp
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMy new collection: Die-cast Cars
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMatagal ko nang plano ito kaya lang sa kakulangan ng pera ay di ko maituloy ang collection na ito at kung may pera man ako, dapat ang una kong mabili ay pulang volks.
Ang father(+) ko kasi ay may red beetle na nabili noon. Nung namatay siya ay parang naging care taker na ang kapatid ko at pinaganda. Dun nagstart yung parang kahiligan namin (or niya) sa sasakyan lalo na sa volks. Pero di yung beetle namin ang topic kaya balik tayo sa bagong collection ko.
Nauso na dati ang matchbox (die-cast cars), nagkaroon na kami noon nito kaya lang nawala na yata ni kuya. So ayun, everytime na pumupunta ako ng mall, gustung-gusto ko nang mabili yung mga cute na toy cars pero syempre nga kailangan mag-start ako sa red beetle.
Kanina, natupad na ang pangarap ko (yehey!) di na ako nagdalawang isip pa dahil baka mawala nanaman sya.
Nasimulan ko na ang collection ko with 2 High Speed 1:87 VW Classical Beetle (isang red at cream.) Di pa ako ganun kagaling sa mga details at kung ok ba yung binili ko but ok na yun. Mahalaga I already have my red beetle.
Note: My new collection will not stop me from collecting chocolate wrappers, paper napkins/tissue paper, pig (figurine, stuffed toys etc.), old and new coins/banknotes, stamps, and others.
Adiktus Supremo's EB in Manila
Posted by: Klet Makulet, 4 commentsInabot na ako ng isang linggo pero di pa din nakakapagpost ng kwento ko nung nag-eyeball kami nung December 27, 2008.
Alam ko hinihintay-hintay ito ni Tengers (Hello Teng-Teng! wehehehe.)May pictures din dito ng mga gifts nila sa akin. (Excited na ako!)From Estong... tenchu! may maidadagdag ako sa collection ko ng mga chocolate covers. Lalo nanaman akong tataba nito!!! Salamat din sa libreng Jabi (Jollibee) nawala ang gutom ko weeeeee... kelan ulit? wehehehehe
From Baks (Ilyn)... tenchuness! Hoy! Di ko inaasahan to ha! I love it!
Nice meeting you! (puro excalamation point waheheheh) Salamat din sa pagdadala ng mga coins and stamps from kuya Daya. Haylabet!
From Uno... tenchu! Ang malaking baso (bow!) pandagdag ko sa mga collection ko ng baso yehey! Isa pa ulit ha? wehehehehe ... Ang cute pramis!
From Teng (part 1) .. tenchu tenchu! Ito ang exchange gift niya sakin dapat noong 2007 pa yata ito or 2006 waheheheheh buti na lang at walang namuong amag wakokokoko
Haylabit Teng! I hope you lab the family tartels na lashengero. wehehhehe
From Teng (part 2) ... tenchu ulit! sa kainggitan ko humingi din ako ng mga piglets na to sa kanya. Pang regalo nya sa kanyang mga opismeyts. Hangkukyut no? Pandagdag ko ulit sa babuyan ko huweeeeeeeeeeee!!!!!
From Teng (Part 3) ... tenchu! ubos na kaya walang pichur (yung parang brownies from KG's Kitchen (yan yung pinagbilihan nung pastry) sarap sarap!!!
Ang dami dami ever! nakakalowka! wehehehhe.
Samantala, heto ang mga nakaw na pichurs sa mga ka-ebs ko weheheheh (wala itong pahintulot kaya churi in advance wahehehe .. maaari po akong i-message pag ayaw maipost ang pichur)
Sa lahat... sa uulitin! EK naman tayo! Kelan ba? mga Summer? Yesssss!!!!