Ahem! Live sa Trinoma ang pamysterious effect na si Klet a.k.a secret!!!.
Bukas imemeet ko ulit ang mga adiktus. Dapat Enchanted Kingdom kaya lang medyo nagbago ang ihip ng hangin at di na natuloy. Isa pa, yung isa sa twin tower namin ay biglang di na pwede sa ewan na kadahilanan (ahyechu estong!)
Heniway, di ko pa alam kung ano talaga ang gagawin ko doon bukod syempre sa muli naming pagkikita. For sure kakain kami at magkakape. Kape! Kape! Kape! Sana libre!
Ang adiktus supremo ay isang grupo ng mga adik sa forum dati at naging isang kulto sa Army System.
Medyo nawala man sa limelight, tuloy pa din ang aming pagkikitikitexting at chatting galore. Mula sa Manila, nakaabot ang adiktus supremo sa Lucena at Tayabas kung saan makikita ang tanyag dito na Kamayan sa Palaisdaan.
Unang pagkikita ng mga adiktus sa Manila ay sa Gamol (Megamall) sa may supermarket area. May ilang napadagdag noon sa eyeball na ito. Sina ilyn at si d3vil. Masaya. Magulo.
Sana ngayon, di ako mawala. Kasi di pa ako sanay sa lakarang pangmalayuan. Pag di na ako nakapag-update ng ilang araw, ibig sabihin noon ay nawawala na po ang inyong lingkod. Wag naman sana.
Mabuhay ang Adiktus Supremo!!! Mabuhay!
*** Hahaha parang kulto pffft.
Adiktus bukas sa Trinoma
Posted by: Klet Makulet, 8 commentsAdiktus Supremo's EB in Manila
Posted by: Klet Makulet, 4 commentsInabot na ako ng isang linggo pero di pa din nakakapagpost ng kwento ko nung nag-eyeball kami nung December 27, 2008.
Alam ko hinihintay-hintay ito ni Tengers (Hello Teng-Teng! wehehehe.)May pictures din dito ng mga gifts nila sa akin. (Excited na ako!)From Estong... tenchu! may maidadagdag ako sa collection ko ng mga chocolate covers. Lalo nanaman akong tataba nito!!! Salamat din sa libreng Jabi (Jollibee) nawala ang gutom ko weeeeee... kelan ulit? wehehehehe
From Baks (Ilyn)... tenchuness! Hoy! Di ko inaasahan to ha! I love it!
Nice meeting you! (puro excalamation point waheheheh) Salamat din sa pagdadala ng mga coins and stamps from kuya Daya. Haylabet!
From Uno... tenchu! Ang malaking baso (bow!) pandagdag ko sa mga collection ko ng baso yehey! Isa pa ulit ha? wehehehehe ... Ang cute pramis!
From Teng (part 1) .. tenchu tenchu! Ito ang exchange gift niya sakin dapat noong 2007 pa yata ito or 2006 waheheheheh buti na lang at walang namuong amag wakokokoko
Haylabit Teng! I hope you lab the family tartels na lashengero. wehehhehe
From Teng (part 2) ... tenchu ulit! sa kainggitan ko humingi din ako ng mga piglets na to sa kanya. Pang regalo nya sa kanyang mga opismeyts. Hangkukyut no? Pandagdag ko ulit sa babuyan ko huweeeeeeeeeeee!!!!!
From Teng (Part 3) ... tenchu! ubos na kaya walang pichur (yung parang brownies from KG's Kitchen (yan yung pinagbilihan nung pastry) sarap sarap!!!
Ang dami dami ever! nakakalowka! wehehehhe.
Samantala, heto ang mga nakaw na pichurs sa mga ka-ebs ko weheheheh (wala itong pahintulot kaya churi in advance wahehehe .. maaari po akong i-message pag ayaw maipost ang pichur)
Sa lahat... sa uulitin! EK naman tayo! Kelan ba? mga Summer? Yesssss!!!!
Grand Eyeball
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNaks! Parang talagang Grand EB ang mangyayari. Palibhasa kasi ngayon lang ako maglaladlad sa madaming tao pagkatapos ng matagal na panahon (wahehehehehe).
Sa darating na December 27 ay mag-fi-field trip akong mag-isa bandang Metro Manila at makikipagkita sa mga adiktus supremo (Ang Adiktus Supremo ay isang grupo ng mga forumer na dati ay super addict sa isang forum at madalas addict din sa kitikitext.)
Sa pagpapatuloy. Dati ko nang na-meet ang apat sa kanila (si teng, estong, libay at uno), ang bago kong makikilala at paglaladlaran ay sina ilyn at si ... si ... ay wala na pala si Ms. Mabini lang pala (toingks!)
Heto ang problema ko. Nakalimutan ko na kung paanong lumuwas ng Maynila ng mag-isa. Buti na lamang at sa Mega Mall kami mag-a-eye-to-eye ng mga baklush.
Isa sa pinakadahilan ko kung bakit ko susuungin ang isang malaking challenge na ito (ang pagluwas ng mag-isa) ay dahil 1) inaamag na ang exchange gift namin ni Teng 2) Inaamag na ang pasalubong ni Kuya Geoff (Dayatot) kay Ilyn at baka ibigay pa kay Kisses nya wheheheh 3) may manlilibre sana ng KFC bucket meal kaya lang nagkataong may naunang date (hmp! takot lang magastusan ng 500 wahehhe) 4) Wala na yatang dahilan. Tama na muna hekhek. Basta marami pang iba.
Sa ngayon, iniinsomia ako sa kakaisip kung saan ako pupulot ng pamasahe dahil naubos na ang 13th month pay ko at ang buong sweldo ko na advance nang ibinigay sa amin ahuhuhuhu.
Sana may mag-sponsor sa akin (sipol) at mabigyan ako ng libreng sakay at pagkain weeeee.
Sa ngayon, yun lamang muna at sana maalala kong ikwento dito ang masaklap kong magiging kapalaran sa Maynila weheheh.