Sayang! Palaging yan ang sinasabi ko kapag pauwi na ako galing sa isang lugar na di ko pa napupuntahan at di ko nakukuhanan ng litrato. Tsk! I should've brought my cam.
Galing ako sa Atimonan, Quezon, to be more specific specifically sa Leon Guinto Memorial College (LGMC) at sa Our Lady of Angels Academy (OLAA) para sa aming school campaign.
Nung tanghali, naglakad-lakad kami upang humanap ng makakainan. Unang pinuntahan namin ay yung tinuro ng mamang magta-tricycle na nasa tapat daw ng PNB ang AJ's Foodhouse. 11:30 pa lang ng umaga pero may isang grupo na ng mga manginginom doon at nagvivideoke. Uupo na sana kami nang makita ni Kuya Bong ang nasa tapat na kainan.
Noong una, akala ko ay pangit doon dahil isa itong parang guho o bahay na nasira na at nilagyan ng mga maliliit na kubo sa loob at ilang mga lamesa at upuan sa gitna. Ito ang Maria's.
Ang ganda pa namang ng set-up, di ko man lang nakunan ng picture. Isa pa, gusto ko sanang makaipon ng mga larawan (naks! larawan) at gawing photoblog (na di ko matuloy-tuloy.) Hmmm sa susunod talaga magdadala na ako kahit yung de-film pa yun.
Pasasalamat...
Salamat sa mga faculty ng LGMC dahil sa kanilang mainit na pagtanggap sa amin. Sana magbunga ang pagpunta namin doon. Salamat din sa snack, nabusog po kami.
Salamat kay Sir Leovy, mabait ka pa din at walang kupas. Ang lakas talaga namin sa inyo. Sa uulitin!
Sa mga nakausap naming mga OLAA teachers, maraming salamat po sa pag-entertain at pagbibigay-daan sa aming pag-aadminister ng test.
Sa inyong lahat, salamat!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment