Bagong taon nanaman! May new year's resolution ka na?
Ang new year's resolution (ayon sa aking isip) ay maaaring isa o maraming mga pangako sa sarili na babaguhin o gagawin para sa bagong taon at sa huli ay di rin magagawa (minsan din naman ay nagagawa pero ang possibility ay 20% dahil kadalasan ang mga ugali o gawain ay bisyo nang mahirap talikuran.. promise totoo yun.. wag kang plastic wahehhehe.)
photo: luckycreations.com
Pero ano nga bang masamang mangyayari kung gagawa tayo ng new year's resolution? Wala naman di ba? Yun lang kung di natupad ay mafufrustrate lang tayo.
Napaka-negative ko ba? Di naman masyado hekhek.
Ok. Anu-ano nga ba ang ilan sa mga madalas na napapasama sa new year's resolution ng mga Pinoy at Pinay?
1. Healthy Eating. Nandyan na ang pag-iwas sa junk foods, meat, softdrinks, maaalat o kaya naman ay mga mataas ang calories at carbohydrates, binge eating, mag-babawas ng rice o kinakain, go vegetarian, etc.
2. Exercise. Mag-ji-gym, aerobics, jogging, walking-the-dog, walking-the-cat, walking-the-rat, walking walking, walking while talking, holding hands while walking pa-sway-sway pa (hehehe), at kung anu-ano pang nakakapagod na gawain para mabawasan ang taba-taba sa katawan.
3. Iwas Bisyo. Alak, sugal, babae, clubbing, disco, cabaret, beer house, sigarilyo, drugs, rugby, sobrang kain, sobrang shopping, sobrang yabang, sobrang arte.. ay di na pala bisyo yun!
4. Save money. Pa-piso-piso daw makakaipon din.. tapos after ilang linggo, butas na ang alkansya. Merong nagpa-planong mag-banking, tornohan (taking turns sa pagkuha ng inipon ng grupo), patabi sa magulang, itinatago sa bote tapos itatago sa ilalim ng lupa tapos pagkuha puro amag na.
5. Beauty. yung mga feeling Betty-ful, nagpapa-beautiful...pa-highlight ng buhok, pa-hot oil, make-up, rebond, straight, astringent, glutathione, metathione, malathione wakokokoko at kung anu-ano pang pagpapaganda.
6. Studies/Work. Syempre unang-una na dyan yung pagpasok ng maaga, gagawa na ng assignment, di na mangongopya(cheat), di na matutulog sa klase/work, magtatrabaho na sa oras ng trabaho (dahil dati puro patama sa oras at break ng break), di na mag-cu-cutting class, susunod sa boss, susunod sa teacher, uuwi na ng maaga at hindi umaga.
7. Ugali. Dito na pala papasok yung pagpapakabait, magsisipag na...bawas ng kayabangan, kaartehan, kamanyakan, kalandian, kaswapangan kabuwayahan, kakotongan, kasamaan ng ugali, pandarambong, graft and corruption, kadayaan at kung anu-ano pa...
8. Chismis. yaaaaaannn di na magchi-chismis para di na mapagchismisan din. Di na magchichismis para di na nabubugbog...
9. Shopping!!!! Bawas na daw ng shopping pero nanginginig na pag one day na di nakapunta ng mall at makabili ng kahit isang candy hekhek.
10. Pangako. Di na mangangako para di na mapako kaya di na gagawa ng new-year's resolution wahehhehehhe.
Ilan lang yan sa mga napapasama sa new year's resolution (for Top 10 New Year's Resolution click mo ito.) E ikaw? May naisama ba ako dyan na nsa new-year's resolution mo? O may idadagdag ka pa? Share na!
Para sa mga di pinanghihinaan ng loob to have their new year's resolution, heto ang ilan sa mga tips (click mo dito)at para ma-kamit ang minimithing katuparan click ka ulit dito.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment