this on Facebook!

Long lost ahem...

Posted by: Klet Makulet,

Fresh balita! Mula sa akin syempre. Two of my long lost classmates added me in their friendster. I am sure nahirapan silang mahanap ako dahil iba ang surname ko na nilagay at saka si "Laine" ang ginamit kong primary picture.

Tinext ako ni Lindz and she told me na ini-add daw siya nung dalawang mokong (si B1 at si B2). Syempre nagulat ako. Sa tinagal tagal ba naman ng panahong lumipas (mga 6 years lang naman) eh naaalala pa pala "nila" kami.


Syempre di maiwasan yung mapasimpleng ngiti (yiiheeee) wala lang!

Nakakatuwa lang talaga na nagkakaroon na ulit kami ng communication ng mga dati kong classmates. Last year lang kasi ay nagdaos kami ng simpleng salu-salo called reunion sa Zymurgy at sa Mug Cafe at nag-enjoy ng todo-todo.

Wala na yung dating tampuhan (kung meron man), wala nang issue-issue pero meron pa pala, may ibang may issue pa din sa kani-kanilang sarili na ayaw ko na din patulan para di na lumaki ang problema.

Ngayong April, magkakaroon ulit ng Alumni Homecoming sa school namin and I hope na madami akong classmates na umattend. Sana... magkita-kita kaming mga psychotics wehehehehe.


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com