Dapat ay nagtatrabaho ako sa araw na ito pero paggising ko kanina ay para akong binugbog sa sakit ng buong katawan ko. Tatlong araw ka ba namang mag-alaga ng bata na pagkataba-taba ewan ko lang kung di ka talaga sakitan ng katawan nun (bukod pa syempre sa biyahe.)
Wala akong masyadong nagawa sa bakasyon ko dahil maikli lang ang stay namin sa probinsya ni "Mader dir" (mother dear.) Nag-alaga lang kay Mav at nagpaganda ng Lola ko na akala mo magdedebut at naging taga-video sa mga seniors (taray!)
Papunta pa lang...
Umalis kami dito sa bahay ng 4am. Dapat alas-tres kaya lang dahil pag bagong gising yata ay parang zombie na di agad makakilos ng mabilis, ay natagalan kami.
Plano ko nga sana na di na matulog kasi nga nag-iinternet pa ako that time at mga 2 hours na lang ay aalis na kami. Kulang sa dalawang oras ang tulog ko pero nabawi ko sa byahe dahil solo ko ang 2nd row ng van. Nagdala ako ng 2 pillow at kumot. Ayun! Sarap ng tulog ko para lang akong hinehele sa daan. Paggising ko ay nasa bandang Pampangga na kami. Ni hindi ko namalayan ang mga pangyayari sa paligid ko.
Tumigil-tigil ang sasakyan namin para lang sa wiwi-break at kain.
Sa Nueva Ecija na mismo kami kumain pero parang light meal lang yun dahil inaasahan namin na may food na sa bahay ng lola ko pagdating namin. Sa kasamaang palad ay wala palang naka-ready pa na nalulutp (garsh!)
Food break...
Kumain kami sa madalas naming puntahan, ang NE Cakes and Pastries.
Nai-feature na sa TV ang lugar na ito at marami na din itong branches pero di ko na ilalagay dito ang kwentong yun dahil wala akong planong isama pa yun dito hehehe.
Umorder kami ng "papaitan" na matagal-tagal na din namin na di nakakain. Masarap yung papaitan kasi dito sa Nueva Ecija kasi may dahon ng sampalok na dagdag asim sa sabaw (naglalaway tuloy ako dahil naiimagine ko *punas laway*)
May nakuha pa akong tissue na pwede kong idagdag sa aking koleksyon. Yehey!!!
Nagpichur-pichur din kami ng kapatid ko habang naghihintay sa asawa nya at sa nanay ko sa pamimili sa grocery.
Sa Barrio Cabucbucan...
Astig ng name no? Cabucbucan, Rizal. Naisip ko noon, kaya siguro Cabucbucan dahil maalikabok ang daan hehehehe. Di ko pa naitatanong sa mga taga-doon kung bakit yun ang pangalan ng kanilang lugar.
Fiesta nga pala sa kanila kaya nandun kami, aside from panahon ng anihan kaya si mother dear ay kukuha ng kinita ng kanyang makinarya na kilala sa tinatawag na Tilyadora. Ito yata yung taga-hiwalay ng palay sa uhay o sa mismong rice stem. Basta yun na yun!
Di tulad ng mga nakaraang fiesta doon, ito yata ang pinaka-flop na Fiesta nila (o baka nahuli lang kami ng dating.) Kokonti lang kasi yung tiangge na nakahilera sa daan. Di ganun ka-bongga ang mga activities na nakita ko like yung sa Senior's Night ng Lolo at Lola ko.
Senior's Night...
Kakaiba ang oras ng mga Seniors. Yung oras na dapat ay nagpapahinga sila dahil medyo oldie-oldie na eh parang mga bagets ang oras na napili nila. Ang start ng kanilang Senior's Night ay 9 p.m.
15 minutes bago mag-alas nuwebe, naghanda na ang dalawang makiki-party. Si Lola ay suot ang pinatahing gown nya na kulay gold, palay na palay ang arrive! At si Lolo naman ay naka-white long sleeves. Simple lang para sa simpleng bagets.
Syempre, ako ang make-up artist ng Lola dear. Foundation, eyeshadow, eye liner, blush on, lipstick... Medyo inookray pa ako ng Lolo ko at super puti daw ng mukha ni Lola at makapal ang make-up. Medyo conservative po kasi si Lolo, ayaw ng napapansin masyado ang Lola whehehehe.
Wag ko daw siya (Lola) pagandahin masyado at baka kapansin-pansin daw siya doon. Tama nga siya naging kapansin-pansin ang kagandahan ni Lola kasi siya lang ang maganda ang damit at make-up.
Kami ni kuya ang taga-kuha ng picture and video ng gabing yon. Naging masaya kami ng kapatid ko--di dahil sa maganda ang event pero dahil madaming nakakatawang nangyari. Sorry pero nang-okray po kami ng mga dancer, pati si Mayor ay di naka-lusot sa amin. Maiihi na ako kakatawa.
Fiesta means Food...
Pag sinabi mong fiesta, may sandamakmak na kainan dun. Kaya kami ay lumobo lalo sa paglafang. Ako na nagda-diet kuno ay napakain ng madami. Sira lalo ang aking pagpapapayat.
Aside from that (the foods), naka-ready ang isang case ng softdrinks (Coke Litro) para sa amin na di umiinom ng water galing sa pozo. May dala kaming distilled water pero syempre love kami ni Lola kaya di na sya naghihintay pa na magpa-cute kami para lang sa softdrinks. Alam kasi nya na adik kami sa cola.
Uwian na!!!
Parang walang nangyari, umuwi na din kami. Medyo di masyadong comfy ang aking pwesto kasi may dala akong uncle na nakisakay. So move ang mother ko sa tabi ko and one uncle na naki-upo sa pwesto ko. Saklap ng pwesto ko may baggage pa sa paanan ko kaya nakaka-ngawit lalo na sa pwet hehe.
So ayun nakarating kami halos 2a.m. na.
Ang haba ng kwento ko pero ang konti lang naman ng nangyari.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment