Noong ako ay napadpad sa Manila, nakaramdam ako ng pagka-praning. Sa dinami-dami ba naman ng napapanood at naririnig kong balita at chismis tungkol sa mga magnanakaw, snatcher, holdaper, rapist at kung anu-ano pang masasamang tao na naglipana, ewan ko na lang kung di ka matakot. Pwera kung sanay ka nang mabiktima.
Unang araw na ako ay mag-isa na lang ay todo yakap ako sa bag ko na para bang naglalaro ng basketball na halos ayaw ibigay ang bola sa iba, kahit na sa kakampi. Di exaggeration yun, totoong mahigpit ang yakap ko sa bag ko lalo na pag naglalakad ako sa mataong lugar. Lumalayo ako sa mga kalalakihan at minsan sa mga babae na mukhang di pagkakatiwalaan.
Medyo masama nga na mag-isip ng masama sa kapwa pero para sa akin noon, lahat ng tao lalo na at di mo kakilala ay di katiwa-tiwala. Kaibigan at kapamilya na nga lang ng iba eh nagdudugasan na yun pa kayang di mo talaga kilala?
In short, praning talaga ako. Madaming sitwasyon na talagang napapraning ako ng todo. Nariyan yung pag may lalaki na tingin ng tingin sa akin (di ko naman iisipin na type ako kasi di naman ako kagandahan at wala naman akong malaking dyoga na pagnanasahan) lalayuan ko yun. Pag sumunod o napatabi lang ulit sa akin, medyo praningning na ako nun malamang mapapalakad ako ng mabilis palayo.
Meron din naman na wala akong nakikitang ibang tao sa paligid pero talagang matatakot ako (di dahil sa multo) pero naiisip ko na malamang nakatago lang sa tabi-tabi ang mga kawatan. (Praning no?)
May time din na pag nasa jeep o kahit naglalakad lang tapos magtatanong ng oras, direksyon o kung may kakilalang tao na ganito at ganyan, iisipin ko na agad na malamang dugo-dugo gang yun o mga nanghihypnotize kaya di talaga ako titingin sa mga mata nila. Sasagot lang ako ng minsan pero pag madami nang tanong mag-eexcuse na ako at lalayo (mahirap na baka masimplehan pa ako.)
Tulad na lang kanina--kakagaling namin sa isang salon ng sissy-in-law ko dahil nagpa-hair cut sya at pedicure at ako naman ay manicure and pedicure. pagkatapos namin sa F Salon, pumunta kami sa katapat na Dunkin Donut at bumili ng pasalubong si SIL (sissy-in-law) at pagkatapos ay lumabas na kami para hintayin si kuya na susundo sa amin. May isang lalaki na lumabas ng Dunkin at tumabi sa amin. Lumayo ako ng konti. Medyo "parang" lumapit ulit siya ng konti. Sinabihan ko si SIL na itabi ang gamit at baka ma-snatchan. Sabi ko pumasok muna kami sa loob ng store (Dunkin) kasi medyo naprapraning na ako sa mamang lalaki na kalapit namin. So pumasok kami. At akalain mo, pumasok din sya after 10 seconds! Garsh!
Medyo sinabihan ko na ulit si SIL na parang sinusundan kami. Pumunta siya sa counter at aktong may bibilhin. May bata sa tabi nya, kinausap niya. ANAK PALA NIYA! Ampf! Kasama pala niya ang family niya at nagpahangin lang sa labas. Grabe! Ay! Mali!
Aral mula sa istorya:
(Ayon nga sa mga jokes) "Don't judge a book if you are not a judge"
(Ayon naman kay Melanie Marquez) “Don't judge my brother, he's not a book”
Pero ang pinakatatandaan.
Wag basta huhusgahan ang lalaki na lapit ng lapit! (by Klet Makulet)
creepsilog
5 years ago
Post a Comment