this on Facebook!

My blogs (Noon at Ngayon)

Posted by: Klet Makulet,

Mga 2002 or 2003 ako nagstart na mag-blog. It was "K" (not her real name :P ) who introduced blogging to yours truly Klet Makulet.

At first medyo praning praning pa ako kasi iniisip ko madaling ma-kuha ang mga ipopost ko sa internet since si Manong Google ay magaling na chismoso sa world wide web.

Back to what I was saying. I think I had my first blog in (Up)said. Maganda sya. Ayos ang mga features. Ang problema lang para siyang isang software na after ng trial period nila (it's like 30 days ata or 3 months..nalimutan ko na) ay kailangan mo nang maging premium member. Alam naman natin na ang premium members ay nagbabayad. Sa isang katulad ko na walang matinong trabaho noon ay di talaga gugustuhin ang magbayad para lang sa journal (kahit naman ngayon ayokong magbayad pwera sa domain na ito hehehe)


So nawala ang blog ko at napunta ako sa blog-city na nadisappoint lang din ako dahil nawala ang post ko. After a month kasi ay nawala ang blog ko. Parang E-mail na pag di ka nag-login ay mawawala ang laman. Kainis!

Sumunod naman ay ang Livejournal. Dito medyo nagtagal ako. Hanggang ngayon nga ay buhay pa ang blog ko doon. Di ko na lang alam kung anu-ano ang pinaglalalagay ko doon.

Naghangad ako ng blog na pwede kong bagu-baguhin ang itsura. Dumating si Pitas sa buhay ko. Naging close kami at naikwento ko ang ilang parte ng buhay ko. Natutunan ko ang mag-ayos ng isang maliit na webbie na kunwari talagang magaling ako.

Then nakilala ko si Tabulas. Ito ang blog na maraming alam sa sikreto ko bukod kay Blogspot na ngayon ay Blogger na.

Kay Tabulas ko nakilala ang iba pang mga blogger. Naging magkaibigan kami online. Yung isa ay makata, ang ilan ay madaldal, iba naman sa kanila ay maangas, may cutie, may senti, may emo at may mga siraulo!

Ilang blog ang nagawa ko kay Tabulas. Naging kwentuhan ko siya sa mga panahong ako ay kinikilig, naiinis, natutuwa, at kung anu-ano pa. Nakwento ko din kay Tabulas ang ilang sama ng loob ko na nabasa ng nanay ko. Patay kang bata ka! Kagagawan ni Manong Google na chismoso.

Ang nangyari noon ay nakapagdelete ako ng madaming mahahalagang post ko doon dahil sa takot na mabunyag ang aking kalokohan. Medyo nagdamdam nga ang aking mother earth, sa palagay ko lang, dahil nasabi ko doon ang ilang hinaing ko sa buhay (naks!)

Di lang pala si Manong Google ang chismoso. Pati na din ang mga kaopisina ng nanay ko na nakahagilap ng nananahimik kong blog.

Dun ako nagsimulang mag-private ng blog. Magtago sa iba't ibang pangalan. Para akong bubuyog na kung saan-saan dumadapo para magiwan ng pollen grains. Kahit si Blogger ay di nakalagpas sa pagkabubuyog ko. Di ko na mabilang ang blog site ko sa kanya.

Si blogger ay naging daan din upang may makuha akong kapalit ng mga pinagkakapuyatan kong post. Minsan nakiki-kopya ako ng laman, bali-baligtad ng salita, (Presto!) may post na ako.

May blog din ako sa forum, ang M!, doon naging baliw baliw ako. Naging outlet ko ng pagkatopak ko na di ko maipost sa kung saan saan lang na blogging services. At home ako sa Mmmm... Yun nga lang di ito naging forever. Nawala ako dun, naitapon ko ang blog ko at muling binalik pero di na nabuksan hanggang mawala na lang at maging read-only.

Hanggang ngayon ay nagba-backup pa ako ng mga post ko doon. Kay Tabulas ko muna ito ipinagkakatiwala.

May Wordpress din ako pero pang-tustos ko yun para sa mga domain ko. Dun ako medyo nagpupundar ng pambili ng bahay at lupa, kotse, alahas, business (CHARING!!!!) Pambayad lang ng domain.

May ilang mga blogging services pa ako na tinry pero nalimutan ko na.

Ang Friendster at Multiply ay medyo inisnab ko ang blog dun, though may isang post ako sa Multiply kung bakit ako nagpost dun. After noon, wala na.

Masarap mag-blog lalo na kung may nagbabasa. Minsan di rin magandang may nagbabasa, lalo na kung masama ang ugali ng nagbabasa at lalaitin ka lang o walang magandang masabi kundi (kumusta ka? heheh nde kanta yun!) mga spam lang o kabastusan.

Ang blogger ay may kinakahiyangang mga Blog sites. Ako hiyang ako sa halos lahat. Di lang halata!







 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com