Una magpapasintabi muna ako dahil ayokong maging katulad ni Chip Tsao na naging sanhi ng pagtaas ng kilay at pagkagalit ng mga Pinoy sa iba't ibang panig ng mundo. Wala po akong masamang nais na ipahiwatig dito. Ito ay base lang sa karanasang minsan ay talagang di maiwasang nangyayari. Wag po sanang magalit sa akin ang kung sinumang Bisaya na makakabasa nito.
Bakit nakakatawa ang Bisya? Naisip ko ang tanong na ito kani-kanina lang dahil may isang sitwasyon na mula kahapon (April 13, Lunes) ay nakapagpa-isip sa akin ng bonggang-bongga.
Ikukwento ko pero wag na sanang makakarating sa kanya (Pramis?!). Eto ang kwento...Ito kasing "trainee" na unang napasabak sa aksyon dahil sa akin ay may pagka-bisaya ang pagbigkas ng ilan sa mga salita. Di ko naman siya minamaliit. Ang totoo nyan natutuwa pa nga ako sa kanya kasi madali siyang matuto at mabilis kumilos (Oi! Di ako naghuhugas kamay ha! Sabon please! hehe.)
So heto na nga at pinagbasa ko siya, ang "numerical" nya ay "numirikal" at ang "breakfast" nya ay "briykfast." Di naman nakakatawa talaga, nakaka-bother lang. Di ko rin alam kung bakit. Basta I'm sure naiintindihan nyo ako pag may naririnig kayo na taong hindi naman Bisaya pero nabibisaya, medyo nakakawindang pakinggan.
Noong una ay pinabayaan ko lang. Nakamasid at nakikinig lang ako sa kanya. Pero ang masama kasi niyan, ang nakakarinig sa kanya ay makikita mong napapakagat-labi sa pagpigil sa pagtawa, at ako naman itong si baliw na napapagaya din. Ayoko silang tingnan dahil ayokong mapahiya siya at ako at maging katawa-tawa ang sitwasyon dahil lang doon. (Pero pramis natatawa ako. Huhuhuh nakakahiya ako!)
Sa ikalawang babasahin nya, tinawag ko siya. Tinuro ko ang salitang "breakfast" at pinaulit ko sa kanya.
Klet: "Breakfast" ...
Trainee: breykfast...
Klet: "br-ek-fast" ...
Trainee: breakfast... (Ayun! Nakana mo!)
Bumalik siya at nagsimula na... unang banggit "breakfast" (Ayun!) Kulang na lang magtatalon ako sa tuwa (OA!) Ikalawang banggit "breykfast" Ampf! Parang muntik na ako malaglag sa kinauupuan ko.
Kanina lang... Unang banggit "breakfast" ... Aba! natuto din sa wakas (sabi ko sa sarili ko) ... ikalawang banggit... Breykf..... Di na nya natuloy kasi alam nyang mali na sya...at napakagat-labi na lang ako.
Bakit nga ba nakakatawa? Anong nakakatawa sa Bisaya? Tanong na ako mismo ay di masagot dahil aminado akong isa ako sa napapangisi pag nakakarinig ako sa matigas na pagbigkas ng salita. Aminado din ako na hindi rin ako nakakaligtas na mapabigkas ng ganun at kinu-correct ko ang sarili ko. Tinatawanan ko pa nga ang sarili ko (Ang bad!)
Naging mabentang forward sa text at maging basahin sa internet ang English speaking na si Inday. Ang mga mambabasa naman ay na-nosebleed sa pagbasa at pag-intindi dito. Di makapaniwalang may Inday na tinaob pa ang amo sa pagsasalita ng English.
Naging laman din ng mga text messages at kwentuhan ang mga istorya ng usapan ng mga Bisaya isama mo na din ang kwento ng ngo-ngo at mga Bumbay at kung anu-ano pang mga hindi natin nakasanayang marinig na "punto" o accent o dialect o intonation... anuman ang tawag dun.
Ano kaya ang pakiramdam nila na pinagtatawanan ang mga Bisaya? Yung maging tampulan ng tukso pag matigas ang pagsasalita nila lalo na ng English.
Ako man na taga-probinsya ay may punto o intonation din. Nagsi-sing-song kami na parang kumakanta ng kung ano tulad ng mga Kapampangan, Batangueno, Taga-Laguna, at kung saan-saan pa. Kahit nga mga Manilenyo ay may punto di lang talaga sila umaamin.
Pero di nga pala punto ang topic ko dito kundi ang pagkabisaya.
Naisip ko nga (ulit) Kapag ang Bisaya ay nagjoke ng pa-bisaya, matawa kaya ang mga Visayan listeners nya? Parang ang weird no? Siguro di yun bebenta. Pero ang isang Bisaya ay mag-joke na kunwari isa siyang Kapampangan o Batangueno, hagalpakan siguro ng tawa ang mga nakikinig sa kanya.
Siguro nasa nakasanayan na lang yun. Di naman talaga nakakatawa ang pagkakabisaya ng salita. Di lang talaga tayo ( ako, o kami) sanay sa ganun. Kumbaga, kakaiba sa pandinig, medyo nakakakiliti sa isip kaya napapangisi at napapatawa paminsan-minsan.
Paumanhin ulit sa mga Bisayang magbabasa nito. Ako man ay naging "Bisaya" din noong ako ay bata dahil sa lugar na aking kinalakhan noong ako ay super liit pa, ay Bisaya ang salitang gamit namin. Natuto ako noon ng kanilang dialect at nakakalungkot lang na ngayon ay di na ako sanay sa ganun.
Ito naman ay naitanong ko lang... Peace!
creepsilog
5 years ago
April 15, 2009 at 6:15 PM
crez
April 15, 2009 at 7:37 PM
July 8, 2009 at 1:45 PM
mostly nga mas magaling ang mga bisaya mag-english kaysa magtagalog..
so, akin lang, wag po igeneralize ung mga bisaya kasi hindi lahat ganyan magsalita. i know hindi rin perfect yung tagalog ko pero i don't care lol
pero nagjojoke din kami about sa mga may "bisaya" accent kasi nakakatuwa rin..top sellers ung mga jokes na un! lalo na pag may mga pictures na kasama na wrong spelling lol pero yeah sinasabi ko rin to kc isa ako sa mga bisaya na hindi ganyan magsalita lol oh well~ lol
July 21, 2010 at 4:32 PM
Post a Comment