Last week Eds and I went to SM just to buy some stuffs that we're going to use for the Alumni Homecoming. After we had eaten our lunch and buy the things that we need, she told me she want to go to the Lotto station.
We went there. But according to the lady in-charge, offline daw yung lotto. Feeling swerte, at ako din kinakabahan na parang mananalo siya, I told her to buy some scratch cards.
Prizes from those scratch cards can be claimed instantly. Scratch mo lang yung card then pag nakkapag-match ka ng 3 klase ng symbols o amount, panalo ka na.
Ang mga mapapanalunan ay:Mega Money – win up to P200,000 cash prizes
RedHot7’s – win up to P77,777 cash prizes
Gold Rush – win up to P200,00 cash prizes
Double Dollars – win up to P200,000 cash prizes
Fast Cash – win up to P250,000 cash prizes
Over P300 Million in cash has been won!
She bought 2 cards. Turo ako ng turo (ang kulit ko kahit di naman match yung amount hehe). Tama ang kutob ko panalo siya! Yehey!!!
Scratch ulit, walang prize. Lam nyo kung magkano napanalunan nya? Super laki! 20 pesos lang yung card. Nakabuo siya ng 50 pesos! Bumili siya ng 2 card so kumita pa siya ng 10 pesos.
Naadik yata, ibinili niya yung napanalunan na pera for another 2 scratch cards. Talo. Dalawa pa ulit. Talo pa rin. At habang libang na libang sa paggastos ng pera si Eds ay may isang Ale na lumapit at nakita yata na nanalo si Eds, nakigaya. Di naman siya mukhang well-off so siguro nag-try lang din ng luck. Bumili at bumili at bumili din siya ng cards. Umalis na kami ay naglalaro pa din siya.
Kaya nga di ako tumataya sa mga Lotto, sweepstake, color game, bingo at kung anu-ano pa. Tumaya lang ako dati sa pustahan. Kapustahan ko ang mother ko. Sa halagang 100 pesos, kelangan mapatunayan na hindi Eigenmann ang screen name ni Sid Lucero. Pinipilit ng mother ko na Eigenmann ang surname niya. Sabi ko siya si Sid Lucero. Ayaw maniwala, ayun laglag ang 100 niya har har har.
Minsan nakikipagpustahan din kapatid ko eh. kaso di naman siya good payer kaya ayoko na!
Sa sugal, swertehan lang yan. Sugal nga eh! Kung ilan ang choices, one out of that number of choices or options ang probability na mananalo ka. Parang sa toss coin--2 ang side nya kaya 1/2 ang probability na makukuha mo ang obverse at 1/2 din ang probability na makukuha mo ang probability na makukuha mo ang reverse. Tama?
Parang life, swertehan lang din. Di mo alam kung anong mangyayari pero susugal ka pa din para sa kinabukasan. Isusugal mo kung anong meron ka, minsan kahit yung wala ka (kaya nagkakautang) para lang manalo sa buhay dito sa mundong ibabaw.
Pero may magagawa pa din naman tayo para suwertehin. Gawin ang tama, para di karmahin!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment