Isa sa matinong nangyari sa akin sa Nueva Ecija ay ang may matuklasan at natutunan. Ang malaman kung ano ang "Alibangbang."
Hindi ito yung paborito ng mga kalalakihan na may "bang" o kaya mabahong parte ng kalsada na kilala sa tawag na "bangbang" o kanal.
Ang Alibangbang ay isa palang medicinal plant (Oo! Tama ka at mali ako! Di ko talaga alam kung ano ang Alibangbang not until the day that I laid my eyes on it.)
Ayon sa aking naresearch ito ay galing sa salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay "butterfly." O! Ha!
Ito ay may scientific name na asimus parang paparuru paru-paro! (Mali!) "Bauhinia malabarica"
Ito ay maasim na tulad ng dahon ng sampalok na ginagamit sa mga sinigang at papaitan na kung saan nga ginamit ng nanay ko pandagdag sa sabaw nito. Ahhhhh! Saraaaap! *tulo laway*
Para sa karagdagang impormasyon pumunta lang dito o!
Ang tanong ko na lang ay ano ang "Sitsiritsit?"
After 1 minute may na-research ako... sabi ang Sitsiritsit ay parang pagtawag.. so parang sitsit? as in Pssst? Sagutin nyo nga!
creepsilog
5 years ago
April 23, 2009 at 2:38 AM
May 1, 2009 at 10:03 PM
Post a Comment