Marami akong gustong gawing topic for this post pero di ko mapili talaga kung ano. Pero hayaan natin at kusang lalabas yan.
Habang nag-iikot-ikot sa blogosphere, nahagip ng malabo kong paningin ang "Patay Gutom Bloggers." Syempre, usyosera ako, ni-Google ko talaga siya para malaman ang kasagutan (bukod pa syempre sa mga blogs na nakitaan ko na ng ganitong chismis. Heniway, it's another panlalait at pananakit ng damdaming post about bloggers (na patay gutom nga daw.) Wala akong idea. Di ko masyadong papatulan kasi di naman ako apektado. Isa pa puro Ingles ang usapan, duduguin lang ako. Hirap na nga ako sa blog ko sa paunti-unting English tapos makikipagsabayan pa ako dun. Wag na lang!
Pero, masabi ko lang, sana ayusin na lang yung term. Ako nga din malamang nakakasakit din ng damdamin--sa blog man o hindi. Walanghiya ako eh!
May sumigaw. Libre yun kaya di ko siya pagbabawalan sa sinabi niya. Malamang nasaktan. Sorry pero tulad ng nasabi ko, sandamakmak na pasintabi ang ginawa ko para lang di magalit sakin ang mga Bisaya at kapwa ko Pinoy ako, Pinoy tayo. Sa kaalaman lang nga mga nakabasa ng "Bakit Nakakatawa ang Bisaya?" Ilang kaibigan, kakilala, ka-chismisan, ka-ym, at kung sinu-sinong tambay pa ang tinanong ko at pinabasa bago ko maipost ang bagay na yan. Sabi nila ay okay lang. Pero okay lang din na may mag-react. Ayos lang. Wag lang sana akong ma-dyaryo. Mahirap. Di ako ready na maging sikat tulad ni Chip Tsao o ni Carlo Ople (Kung sino sila, itanong mo kay Soriano!). Peace!
Nung tinupad ko ang aking pangarap na mabuo itong kletmakulet.com, medyo nahirapan ako na magsimula, naging takot ko ang mapanuring mata ng mambabasa at kapwa blogero sa WWW. Marami na din kasing naging issue tungkol sa mga article, post, o entry ng isang manunulat na ikinagagalit ng mambabasa. Honest lang sila (manunulat), honest lang din ang mambabasa. Pero siguro nga yan ang risk ng pagiging blogger. Malait, mapuri, tawanan, iwasan, pagalitan, saktan, pag-chismisan, pansinin, isnabin, bastusin, murahin at kung anu-ano pa.
Masasabi ko nga na parang ansarap ibalik yung time noong wala pang masyadong blogger at di pa kilala masyado ang blogging industry (kung yan man ay tamang term para sa mga bloggers parang music industry o showbiz.) Nakakamiss din ang AR-ES-DI (isang diary na parang blog na.. basta...) dun kasi tago, pwede mong sabihin ang gusto mo. Sarap magbaliw-baliwan. Dito, katakot, madali maisumbong ni Manong Google sa naghahanap at nagtatanong sa kanya. Si Google din kasi ang nagsumbong sa nanay ko na may sama ako ng loob sa kanya noon.
Pero para saan ba ang pagboblog? Di ba't nabuo ito para sa lahat ng maaari mong maisip na gawin, isulat o ikwento. Pwede kang magbusiness, mag-chismis, ma-chismis, magkunwaring marunong magsulat (writer kuno), blah... blah...blah... pero ang pinakamahalaga sa lahat ay ang maging totoo sa sinusulat mo. Sabi nga, walang basagan ng trip!
Di ko alam kung san pa tutungo ang post ko, wala akong maisip na title, wala din akong focus. Wala. Gusto ko lang magblog. Bat ba?
Sa kaalaman ng lahat, isa akong patay gutom. Founder nga ako ng samahan namin. Ang Patay Gutom Foundation (PGF-2003). Baka nais nyong sumali. Matagal na nga lang itong nabuwag kaya wala din.
Hay! Ang hirap ng gutom!
creepsilog
5 years ago
November 30, 2010 at 6:41 PM
November 30, 2010 at 8:54 PM
Post a Comment