Di ko napanood ang pagkanta ng mga national anthem ng Britanya, Amerika at Pilipinas dahil nga sa nakikinood lang kami sa internet ng libre at naputol pa kaya mismong round 1 na ang nasimulan namin.
As usual, usap-usapan nanaman ang kumanta at ang pagkanta ng napiling artist na umawit ng Lupang Hinirang. Sabagay, sabi nga nila, you cannot please everybody.
Napag-alaman ko na lang na may issue pala sa klase ng pagkanta ni Martin Nievera dahil iniba daw ang tono at tyempo. Kumbaga total makeover ng pambansang awit ng Pilipinas ang ginawa.
Panoodin dito upang malaman mo kung ano ang sinasabi ko:
Youtube ni 08bOgArT yan. Salamat!
Anong masasabi mo?
Di ako magaling sa pagcriticize ng mga kanta at lalong wala naman akong karapatan na manlait o magmagaling tungkol diyan. Pero maraming mga Kapwa Pinoy na di nila maiisantabi ang kanilang puna at reaksyon sa bagay na ito.
May nagko-congrats may nagagalit, may nanlalait, may nagmumura at matindi pa ay nakikipag-away. Try nyong magbasa-basa sa Youtube ng mga comments at meron pang nagsabi na mas okay pa daw na nakalimutan ang lyrics tulad ni Christian Bautista kesa sa ginawa ni Martin. Nariyan pa ang pagpapapublic apology dahil sa ginawa niya.
Nanganganib pang makasuhan si Martin dahil sa pagbabago diumano ng paraan ng pagkanta ng Lupang Hinirang. Ayon sa NHI or The National Historical Institute, di nila nagustuhan ang paraan ng pagkanta ni Martin.
Eto pa ang sabi sa batas: "Lupang Hinirang" should be sang like a marching song. The Republic Act 8491, Sec. 37 futher states: "The rendition of the national anthem, whether played or sung, shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe." Furthermore, the law also states that "Any person or judicial entity which violates any provisions of this Act (Republic Act 8491) shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than Five thousand pesos (P5,000.00) not more than Twenty thousand pesos (P20,000.00), or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment."
Dagdag pa, di daw nila inaprubahan ang rendition na ito ni Martin na tulad ng nakalagay na NHI approved daw ito.
Hala ka Martin! Wehehehe.
Sa panig naman ni Ginoong Nievera eto ang kanyang sinabi sa isang intervie: "Well, it's gonna be hard for me to apologize for something that I am not sorry for. I did not ask to do the anthem. Manny Pacquiao himself asked me to sing the national anthem.
"It was my honor to be blessed with this awesome responsibility and I have no one to apologize to because Manny asked me to sing this song. Obviously, he wants me to sing it the way I would sing it. I didn't change any of the notes. I did not make it R&B," he explained.
Susunod na labang NHI vs Martin Nievera sa korte!
creepsilog
5 years ago
May 6, 2009 at 12:26 PM
teka ano ba talaga ang beat nyan 2/4 or 4/4, 4/4 kase ang tinuturo sa paaralan at wala naman akong nakitang kahit anong public announcement na nagsasabing 2/4 dapat gaya ng sinasabi ng NHI.
- blight
May 6, 2009 at 7:31 PM
nasa batas daw yun. kumbaga parang pambabastos sa pambansang awit ng Pinas. Sina Charice Pempengco nga din saka yung isang bumirit dati ay nawarningan pero di kasing-ingay ng issue na ito kay Martin
May 7, 2009 at 9:52 AM
ang hirap sa kanila kung kelan nagawa na saka sila putak ng putak, wala namang ginawa para maiwasan ang ganung pangyayari.
-blight
di mainit ang ulo. hyper lang ngayon :D
May 7, 2009 at 10:07 PM
di ko po alam kung kelan naipasa pero luma na siguro yan. Di lang naging kilala sa publiko (ngayon lang dahil nga diyan sa laban lagi ni Pacman).
Actually, nabasa ko sa Inquirer kanina na sinabihan pala si Martin ni Ryan Cayabyab na wag babaguhin ang pagkanta dahil magkakaproblema sila pagnagkataon. Eh mapilit si Martin na kesyo hiling daw sa kanya yun. Di naman daw binastos.
Naisip ko lang din, siguro, marami na ang nakakulong o nakasuhan dahil di naman lahat ng Pilipino ay nakakakanta ng matino ng Lupang Hinirang. Sabi nga nila walang exception sa rule. Ihabla din ang mga bata at matatandang di marunong kumanta nun. Unahing pakantahin yang mga pulitiko na nakikisawsaw sa issue na yan! hahaha
Post a Comment