Ang mga kabataan ngayon ay exposed na sa television. Kahit pa itago mo ang remote, i-lock mo ang adbox at kahit alisin mo pa ang cable, alam na nila kung paano maaayos yun para lang mapanood ang paborito nilang palabas.
Maaaring minsan ang pinapapanood lang sa kanila ay mga good cartoons pero ang mga commercials naman ay di mo maiiwasang di nila makita.
Di naman sa nagoover react. Nagtataka lang ako kung bakit ganun pa ang ginagawa nilang klase ng commercial. Mga commercial na kabaligtaran o mali ang itinuturo.
Kilala ninyo si Santino? Bago pa siya naging kasama ni Bro (Jesus) sa "May Bukas Pa" ay nakikita na natin siya sa Tide commercial. Sinasabi dito na ang "isa ay higit sa dalawa" na mali naman. Sinabi naman na sa paglalaba, pero ang mga kabataan ay di naman ganun kadaling nakakakuha ng logic noon.
Isa pang di magandang mapanood ng mga bata ay ang bagong commercial ng LBC kung saan si Edu Manzano ay nagpapa-spelling bee at pinapa-spell niya ang word na "remittance." Naalala ng bata ang ginagawa ng parents niya na nagreremit sa LBC kaya ang sinabi niya ay L-B-C! At sinabing tama ang sagot niya. Tama ba yun?!
Ilan lang yan sa mga maling commercial na dapat di pinapabayaang mapanood ng kabataan. Kaya madaming bata na kung anu-ano lang ang natututunan kasi mismo commercial, kahit maikli lang, mali naman ang itinuturo. Dapat may Parental Guidance din sa mga ganun.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment