Mula bukas ay magpapakabait ako "kuno." Isang bagay na maganda "sana" ang kalabasan. Kahit na medyo unfair yata yung pagkaka-schedule ng pagpapakabait namin at pati araw ng pahinga at pagcecelebrate ng Mother's Day ay inagawan pa. Twice na to. Magwewelga na kami!
Tatlong araw ng di ko alam kung saan patutungo. Labag sa kalooban ko pero ganun naman di ba? Anong magagawa mo kung ito ay "required." Walang laban.
Heniway, wala din naman si Mother Earth. Wala din naman ipagcecelebrate ng Happy Kapanatag Day sabi nga sa commercial.
Kapag umaalis ang mother ko papunta duooonnnn, di ko maiwasan na maging maisip o mapag-isip. Di kasi ako sanay. Pag wala siya, parang I'm not complete (naks!) Nalayo na naman ako sa piling niya noon. Pero iba yung siya yung umaalis at nagbabakasyon o kaya naman ay mag inaasikaso sa kung saan.
Di ako panatag. Kumbaga sa magulang, nag-aalala din ako pag di pa umuuwi ang anak nila. Parang teenager din yun eh. Di marunong magtext kung nasan. Di rin marunong magpaalam.
Naalala ko pa nung unang nagdecide ako na lumayo at maging independent. Abut-abot ang pangungunsensya niya sa akin. Habang medyo nashoshock ako sa nakikita ko sa paligid (sa Mcdonalds bandang Harisson Plaza) na may palakad-lakad na 3 baliw. Nagtext siya noon. Kumusta daw, asan daw ako. Sabi ko ayos lang, kumakain. Sabi niya, "sabagay, masaya ka naman na malayo sa amin." If I know iiyak iyak yun nung time na yun kasi nawala ang kanyang cute na anak.
Bumalik din naman ako. Di kasi maganda yun unang try ko sa pagpapaka-independent ko. Sumunod, naging matagumpay naman ako sa plano, yun nga lang after 3 months pinauwi ulit ako dahil may inioffer siyang di ko matanggihan. Ang bumalik sa kanyang piling with pay he he he.
Minsan ang mga mother medyo parang GF din yan eh. Kelangan lambingin. I-date, mapaimpress, regaluhan, buhusan ng panahon at atensyon. Tama lang naman. Kasi nun bata tayo, kulang pa yan sa binigay nila.
Ang Mother Dear ko, kahit may pagka-kakaiba talaga, love ko yan! Lalo na pag nililibre nya ako ng kain sa labas. Pag siningil ako, binabawi ko na ang sinabi ko. Joke lang!
Advance happy mother's day sa lahat!
*nawala ako sa mood magpost may tumawag kasi nasira ang concentration ko :P
creepsilog
5 years ago
Post a Comment