Sino ang may gustong magkasakit? Sure na hindi ako yun! Maaaring noon ay gusto ko. Para magkaroon naman ako ng rest day. Yun nga lang may-sakit ako at hilung-hilo.
Ngayon, ayoko. Mahirap. Sobra!
Paano, sagabal sa trabaho. Isa pa, ang hirap magpigil ng ubo at suminghot-singhot na parang adik. Ang hirap din na lalambot-lambot. Madalas din, nakasimangot ako dahil nga masama ang pakiramdam ko. Mahirap naman yung nakangiting-nakangiti ako tapos nagdedeliryo na pala ako. Baka di pa ako paniwalaang may sakit kundi may topak.
Ang ginagawa ko, lumalayo ako sa mga carrier ng virus. Pero ewan ko ba. Nilalapitan nga yata ako ng kamalasan.
Ilang araw na din akong nananahimik. Ayoko kasing masabi na puro lang ako daldal sa trabaho. Tambak ang gawain at di pwede ang papetiks-petiks lang.
Pag tahimik ako, ibig sabihin ay dumistansya ka na. Di kasi masyadong sigurado kung mabait ba ako o may masamang iniisip. Tahimik ako pag galit. Tahimik din ako pag may masamang nararamdaman. Tahimik din ako pag ayaw ko sa'yo.
Pero itong little one na ito. Parang wala lang. Always there. E may ubo at sipon. Sinabi ko na baka mahawa ako pero wa epek! Ayan! Eto nahawa ako.
Inulit-ulit ko na nga siyang sinisi eh. Paano kung may nakakamatay na virus pala siya? weheheheh . Ah ewan. Naiinis lang ako. Kaya ayokong maging mabait. Nahahawa ako! Hekhek!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment