Nawala ako noon. Naging busy, nag-hibernate sa mundo ng "apat na silid." Naisip ko kasi, wala naman sigurong masama kung medyo mawala sandali dahil noon pa naman ay natural nang mawala ka at muling babalik.
Pagkalipas ng halos dalawang linggo ng pang-iisnab, bumalik ako sa "apat na silid" at sa kasamaang palad, nalimutan ko ang tamang kumbinasyon para makapasok. "Open Sesame!" (Mali!) Abracadabra! (Ayaw!) Tao po! (Wa epek!)
Sa ganitong kadahilanan, humingi ako ng kaunting tulong sa isang gwardya sibil. Sinabi ko ang aking suliranin. Aba! Akalain mong napagalitan pa ako! Sabagay, kasalanan ko ang makalimot. Pati na ang susi ay nalimutan ko ding dalhin kaya kahit anong gawin ko ay di ko malaman kung panong makakapasok. Kahit magpalit-anyo ako ay di pa rin ako sinuwerteng makapasok sa "apat na silid."
Bukod sa sermon dahil sa pagkalimot, nasabon din ako sa aking pagkawala. Kinuwestyon ang di ko pagsasabi kung saan ako nagtatago at anong ginagawa ko. Nagulat ako. May Ganun?! Tinalo pa si Mudra na kelangan mag-time in at time out, may lab letter pa kung saan magliliwaliw at kung bakit. As in!
Siguro nga, ignorance is not an excuse. Pero anong magagawa ko kung hindi ko nga alam. Isa pa, nasabi ko na naman sa kapwa ko adik na di ako makakadiskarte sa buong linggong lilipas at isama na din ang nakalipas kasi ganito at ganun.
Sabon...Shampoo...Sabon... Walang banlaw! Syet! At take note, walang pero-pero...
Natural, sinamaan ako ng timpla. Parang nawalan ako ng gana. Parang ayoko na. Pakiramdam ko'y isa akong ibong kinulong sa palad, bukod pa rito ay nakapadlock pa ang dalawang paa, at may pabigat ang pakpak. Walang laya. Walang piyansa!
Okay... yan lang ang nasabi ko nung huli. Wala kang laban sa nakatatanda sa iyo. Sumagot ka at magkakalatay ang buong katawan abot pati sa ngala-ngala.
Sabi ko, ayoko na. On second thought, sige pag-iisipan ko pa pala. Kinalimutan. Pero nandun ang tampo.
Usapan, walang sabihan. Pero ano yun narinig kong chismis sa kanto. Ipinangalandakan ang pang-best actress na role. Di man pinangalanan ay may konting kurot on the side. Wala ito. Di patas.
Nakamegaphone siyang nagsermon muli. Ang nakita kong dahilan ay ang pagpansin sa isa niyang pagkakamali. Anlabo! Siya ang mali pero kami ang pinagagalitan! Itsanfer! At ang mga julalay ay walang ibang pinaboran kundi siya. Mga kuhol ata yun.
Parang naririnig ko siyang kumakanta ng "Penge naman ako niyan!" ng Itchyworms. Hanlabo mehn!
Heto ang una kong post na English... medyo bulok nga lang kaya nevermind...
We should be thankful to those who work as volunteers. None of them asks for something in return. Just let them be. When they commit mistake, remind them, don't reprimand. They owe you nothing.
We may have different views in life. Respect. We err and even you ain't perfect. That's a fact.
Don't ask too much or you'll be left with nothing but your scrap!
(nag-iinarte lang... kung may mali sa English, "sorry, wrong gramming!" LOLz!)
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment