Kagabi ay napanood ko ang face to face encounter sa senado ni Katrina Halili at Dr. Hayden Kho. Box office ang hearing at mala-pelikula ang mga pangyayari. Medyo mamasa-masa pa dahil sa pagbuhos ng tubig kay Hayden at luha naman ang kay Katrina.
Medyo nakakainis lang dahil sa buong panahon na nagkaroon ng pagdinig ay wala man lang matinong kinauwian ang nasabing paghaharap dahil ang mga lekat na pulitikong nakaharap ay mas gusto ng showbiz at personal na tanong kesa dumeretso sa mismong punto ng kaso. Sa totoo lang, hindi na nila kailangan pa na gawin ang nasabing pagdinig sapagkat umamin naman na si Hayden na ginawa nga niya ang pasikretong pagkuha ng video sa kanyang mga nakaniig. Kalokohan lang na kinailangan pa ng isang taga-showbiz na magsampa ng kaso samantalang napakaraming lumipas na kaso ng gang-rape, voyeurism, at scandal na di man lang nila binigyan ng ganyang importansya. Dapat noon pa yan para sa pagkakataong ito ay may naisasampa na silang kongkretong kaso laban sa doktor.
Medyo di ako bilib kay Katrina. Parang may kung ano sa kanya na para bang may halong pansariling interes, bukod sa maparusahan si Hayden,ito ay isang mabilisang pagsikat pa. Siguro ay di niya matanggap na hanggang ngayon ay starlet pa din ang tingin at turing sa kanya ng ilan samantalang sikat naman siya at madami nang naging pelikula. Medyo hilaw ang iyak niya di tulad kay Hayden na namumula ang mukha dahil sa iyak at kasamang kahihiyan. Medyo di ko rin nagustuhan ang binasa niyang statement na parang gumagawa siya ng isang tula o artikulo sa isang magazine na punong-puno ng palabok. Ang sabi ay binaboy daw siya. Di nga ba't ginusto din niya ang ginawa nila? Kung di siguro niya nalamang may video ay di niya masasabing binaboy siya o magpahanggang ngayon ay maaaring sumisimple pa rin sila. Yun nga lang at kumalat ang video. O dahil malamang nahihiya siya na todo tanggi siya noon na may relasyon sila ni Hayden at may kasalaulaan silang ginagawa at ngayon ay di na niya kaya pang magsinungaling dahil nga sukol na siya. Isa siyang certified mang-aagaw ng boyfriend at naikama na.
Mas naaawa pa ako sa ibang di nagsasalita na nadadawit din sa issue. Ang pamilya ng parehong kampo, ang iba pang mga babae na nakunan din ng video.
Babae din naman ako at di ko maikakailang kalapastanganan ang ginawang pagkuha ng video ng walang pahintulot. Ngunit kailangan pa bang maging parang circus ang bagay na ito? Sa media, di ba't parang exploitation na din ang paulit-ulit na pag-ere ng kuha sa video ni Hayden? Dapat din nga palang kasuhan ang mga nanood daw ng video. Dapat din palang kasuhan ang mga pulitoko na di mo malaman kung pano din nila nakuha ang kopya. Pati na ang mga TV networks.
Kung tutuusin, napakadali lang nyan. Di na kailangan pa ng pag-testify dahil umamin na nga ang nasasakdal. Guilty. Ipasa na ang mga Bill na matagal nang nabinbin sa senado. Sabi nga may mga nauna nang mga batas na isinulong ang ilang mga senador pero walang nangyayari.
Teka, ba't nga pala nalimutan na ang ZTE deal? Ang Hello, Garci? At iba pang mga kaso. Sarap na sarap silang pagpiyestahan ang mainit na kanin ng issue nina Hayden Kho at Katrina Halili at pag naging lamig na ay iiwan na lang na para bang di rin ito kanin na dapat pansinin.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
May 29, 2009 at 8:09 PM
Ganun talaga. Tsismoso talaga siguro ang mga Pinoy.
May 30, 2009 at 7:19 AM
May 30, 2009 at 8:40 PM
meron namang pwedeng iparusa eh. pinapatagal lang nila. nasabi na noon na pwede yung violation against women and children. andami-dami na ding bill na ipinasa ukol dito pero di pa ituloy kesa pagpyestahan ang ginawa ni Kho. Siguro nag-eenjoy din sila ano? hehehe
@gillboard
totoo. nakakasawa. sana nga malimutan na tulad ng ibang mga kasong nalimutan na din. hehehehe
Post a Comment