Gumraduate ako ng college na NBSB (no boyfriend since birth). Eh ano naman?
Man hater. Yan ang tawag nila sa akin. Sinusungitan ko daw kasi ang mga lalaking nakikipagkaibigan sa akin kaya walang magtangkang manligaw o magkagusto sa akin.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na sakit lang sa ulo ang makipagrelasyon base sa nakikita ko sa mga kaibigan ko na linggo-linggo ay umiiyak dahil sa mga boyfriend nila.
Ampalaya ako pag araw ng mga puso. "Aksaya lang sa panahon" ang tingin ko dito. Ayoko din ng mga kakesohan ng mga in love.
Ganyan ako.
Di nila alam na deep inside me, nagmamahal ako. Matagal na.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment