Marami nang mga kabataan ang nakaranas ng mga karimarimarim na hairstyles na pinili ng mga magulang nila noong wala pa silang kalayaang mamili ng gusto nila.
Isa ako sa nakaranas ng mga hairstyle na sinasabi ko at naging dahilan ng aking "Kirara" years at mga akala ng nanay ko na "in' pero "out" na itsura.
Tandang-tanda ko pa noong pinapagupitan ako ng nanay ko ng gupit Dora the Explorer. Okay na sana yun kaya lang hindi pa siya nasiyahan at ipinapakulot pa niya ito. Dahil madalas akong maglaro sa initan (ilalim ng araw kahit tanghaling tapat) biniyayaan ako ng nognog look also known as NEGRITA o kaya naman ay BATANG ULIKBA.
Wala akong magawa kundi tanggapin ang mga pangungutya sa akin. Naranasan ko ang ma-bully ng mga kaklase at ng mga mas matanda sa akin. Naglalaro ang screen name ko sa Baluga, Negra, Nognog, Ulikba, Aeta, at iba pa.
Nung lumaki na ako, hindi pa din maiwasan na napapakialaman kung minsan ang aking pinipiling hairstyle.
Natigil lang yata ang aking pagdurusan nung ako ay nag-college na.
Tuwing naaalala ko yun, di ko alam kung maaawa ba ako, matatawa o maiinis sa sarili ko.
Kayo, naranasan nyo rin ba ang Dora the Explorer haircut o mga kakaibang hairstyle na pili ng magulang nyo?
creepsilog
5 years ago
Post a Comment