Ruma-rhyme lang ako sa title. Wala akong maisip dahil ngayon lang ulit ako nag-update ng blog na ito. Muntik ko nang makalimutan na may blog pala ako na dapat i-maintain dahil binabayaran ko ang pangalan na ito. sayang lang.
Tungkol sa title, although may dalawang events na sinecelebrate ko tuwing August, ay masasabi ko na di ko nagugustuhan ang buwan na ito ngayon.
Unang una ay napaka-hectic ng schedule ko kahit na maraming araw naman na walang pasok. Paano ba naman kasi, tulad ngayon, kailangan kong mag-review para sa exam, kailangan ko na magcheck ng thesis ng iba, kailangan ko din umattend sa mga meet-up at nitong mga nakaraang linggo naman ay tinambakan ako ng napakatinding gawain na halos ika-resign ko sa tindi ng trabaho.
Anyway, isa nanaman itong reklamo blog kaya ititigil ko na ito at baka kung anu-ano pa ang masabi ko.
Post a Comment