Tumutugon na yata ako sa panawagan ng mga madre na maging parte ng kanilang kongregasyon, pero hindi, hanggang dito lang ito dahil malamang sa malamang ay masusunog na ako pagtapak ko pa lang sa pintuan ng kumbento.
Anyway, nainspire lang ako sa aking kakilala na gumagawa ng good deed.
Simple lang naman ang ginawa ko at hindi bonggang bonggang feeding program. Trial muna...
Monay with peanut butter and Tetra packed juice. Ang challenge namin sa sarili namin ay makahanap ng 40 street children.
Akala ko madali, ang hirap pala!
Lumakad lang kami ng lumakad at palinga-linga sa daan. Naka-tatlo agad kami sa bandang 7-11. Tuwang tuwa na kami nun. Pero parang isang kilometro na ang nalalakad namin ay wala pa rin kaming makita. Parang nawawalan na ako ng pag-asa.
Isinama na namin ang mga matatanda o mga namamalimos na may kapansanan at mga mukhang gutom na pero hindi pa nagmemeryenda. Madami sa kanila ay nagugulat, nagtataka, natutuwa at may ilan na atubili sa pagtanggap.
Umabot kami sa bandang park at dun kami nakakita ng mga batang hinahanap namin.
Nagpahinga muna kami ng konti at pagkatapos ay pinasimple ko ang kasama kong bata na tawagin yung mga naglalaro. Habang hinihintay ko siya ay may lumapit sa akin. Nagulat ako pero pinangunahan na nya ako at ang sabi "Ate, wag kang matatakot sa akin, hindi po ako masama. Hihingi lang po sana ako ng barya pangkain... Hindi po ako masama tulad nung akala nung ibang tao" (sabay turo sa mga natakot yata sa kanya) Napangiti ako. Tinanong ko kung okay lang ba na pagkain ang ibigay ko. Abut abot ang pasasalamat nya sa akin. Sa totoo lang kung titingnan siya, parang di talaga mapapagkatiwalaan pero nagpapasalamat din ako sa kanya dahil nabibigyan niya ng silbi ang aking plano.
Bumalik na ang aking kasama kasunod ang lampas sampung batang tumatakbo na akala mo ay mauubusan ng pagkain. May ilan na sumisimple at umuulit, may gusto ng dalawang tinapay o dalawang juice, may hunihingi para kunwari sa kapatid...
Pagkatapos dun, lumisan na kami at muling naglakad. May tatlong bata na naka-sabit sa jeep. Bukod sa pinababa namin sila, tinawag na din namin sila at inabutan ng pagkain. Yung isa ay nagsabi na tatawagin daw nya ang kanyang kapatid. Akala ko ay nasa di kalayuan lang, yun pala ay nasa malayo pa. tinakbo niya ng mabilis at patakbo din sila ng pumunta sa amin... Nakakatuwa.
Isa lang talaga ang hindi ko nagustuhan pero naiintindihan ko naman, pagkatapos namin silang abutan ay hindi pa din sila kuntento. Sinundan nila kami. Gusto ko na sanang ibigay na lang sa kanilang lahat kaso inisip ko, pano naman yung iba...
Sinabi ko na lang na next time na lang para kami ay tigilan na. Hindi naman ito ang huling good deed namin at syempre sila din naman yung nakikita ko sa DSWD at sa mga center na may feeding program.
May ilan pa kaming nakita at binigyan. May ilan na lang na natira at medyo gumagabi na. Pagod na din ako at ang kasama ko kaya nagpahinga at chumika muna kami sa McDo.
Naghiwalay na kami. Pero di pa din ako sumuko. May tatlo pa...
Sinadya ko ang lugar kung saan lagi kaming dinudumog ng kapatid ko ng mga sampaguita kids. Hindi ako nagkamali... nandun sila... pero may problema, lampas lima sila. sumimple na lang ako sa mga humihiwalay at inabot ko ang natitirang tinapay at juice. yung last, pinag-agawan pa.
Nakakapagod pero worth it.
Mag-iipon ulit ako. Next time, ibang strategy naman!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment