Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Tama! Sa simbahan nga kami natuloy. Hindi dahil sa nagprusisyon kami, kundi dahil sa hindi sinang-ayunan ng panahon ang plano ng aking boyfie na ngayon ay fiance ko na (ayiiiieeee!)
Ang kwento:
December 23, 2012. Nagtext siya Pwede mo ba akong samahan sa grotto? Paggising ko, napasagot ako ng Pwede naman pero syempre dala ng kaantukan, hindi ko na naisip kung bakit... buffering... bakit nga pala? naitanong ko. Walang sagot.
December 25, he texted me na pupunta na siya sa amin. I'm from Quezon and he's from Manila. After work, deretso na daw siya dito sa amin. Nothing special for me. Just a plain day lalo na at hindi talaga kami okay noon pang first week of December.
May konting sagabal sa planong pagpunta nya, medyo na-late siya ng alis sa Manila dahil sa aking nanay na nagpapahanap ng gamot na matagal na yatang pinull-out sa market. Kaya ang pobreng boyfriend ko ay naglibot pa yata sa Kamaynilaan para maghanap ng wala. I told him na wag nang ituloy ang paghahanp dahil almost 6pm na ay hindi pa siya nakakasakay ng bus. Gagabihin na siya.
Mga 10pm na siya nakarating. Another sagabal, ulan. Super maulan dahil yata sa low pressure area or dahil bagyo na ito at pinangalanang Quinta. Anak ng Quinta naman oh!
Pinatawag nya ako at pinabukas ang gate ng bahay (makapag-utos akala mo senyorito)
...ITUTULOY...
creepsilog
5 years ago
Post a Comment