this on Facebook!

One way

Posted by: Klet Makulet,

Boy: I love you

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti ng matipid.



Boy: the momenbt I saw you, iba na agad ang naramdaman ko towards you. You swept me off my feet.

Para akong hihimatayin sa narinig ko. Kilig to the bones talaga. Nagblush pa ako nang magtagpo ang aming mga mata. Para akong kinuryente kaya binawi ko agad ang pagkakatitig ko sa kanya.

Ano ba itong nararamdaman ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil masyado akong nagpapakita ng feelings ko sa kanya. Hindi ito nararapat. Mali ito.


Boy: Alam ko na hindi ka naniniwala. Pero totoo ang sinasabi ko. Ngayon ko lang ito naramdaman. Mahal na mahal talaga kita. Sana maniwala ka.

Kinilig nanaman ako. Pero iniwasan ko nang tumingin pa sa kanya. Parang hindi ko na kayang salubungin pa ang kanyang mga mata. Parang matutunaw na ako kapag nagkataon.

Isang mahiyaing ngiti na lang ang sumungaw sa aking mga labi.

Para pa akong nasa alapaap nang bigla siyang pumara. Bumaba na siya habang tuloy pa din siyang nakikipagusap sa phone.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tapos na pala ang pangangarap ko ng gising.


-The End-

--------------
Pi Es kwentong isip ko lang to a.k.a. katha :P


2
Adik... Wag mag-daydream habang tumatawid ng daan ha... nakamamatay hehehe JK!

Sarap lang marinig at imaginine yan pero pag nandun ka na hindi ganun yun ahahaha JK uli
hahaha di ako yan ha. Naisip ko lang nung bago ako matulog :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com