Madalas may lumalapit sa akin para magbigay paliwanag sa mga panaginip nila. Akala kasi nila ay ako si Manang Bola (younger version syempre)at hinihintay nila ako na bola-bolahin ko sila sa mga ibig sabihin ng kanilang panaginip o bangungot. Malayo namang maging kamukha ko si Madam Auring dahil mas cutie-cute cute naman ko sa kanya at mas sexy (that's a fact.)
Panaginip
Posted by: Klet Makulet, 5 commentsMag-ingat
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNakakagulat, nakakatawa, nakakaloka at marami pang "nakaka" dahil sa usong-uso na social networking sites tulad ng Facebook, Friendster, Multiply, atbp., dahil dito nagiging abala ang isang tambay. nagiging masaya ang isang sawi, nakakalimutang magpakamatay ng isang suicidal na tao, at nahuhuli ang mga di dapat na mahuli.Dahil dito, lumiliit ang mundo kahit na nasa magkaibang panig pa sila ng earth.
Usapang wiwi
Posted by: Klet Makulet, 6 commentsMedyo mapanghi ng konti ang kwento ko ngayon kasi habang papauwi ako kanina, nakakaramdam na ako ng pagwiwi kaya naalala ko ang aso ko at ang talent ko.
Unahin natin ang aking cute na cute na mukhang demonyita kong aso na itago na lang natin sa pangalang Poknat. Kung bakit Poknat ay sa susunod ko na ikukuwento (na malamang porti-eyt years bago ko maalalang ituloy). So si Poknat nga muna di ba?
Nag-exercise ka ba?
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsNagexercise ka ba kanina? Ako, ay medyo na-late pero okay naman.
Minsan lang naman 'to saka sayang ang karapatan kong bumoto.
Medyo naiba lang ang lugar ng presinto na pinuntahan namin pero mabilis naman siya kesa dun sa automated election na dinaos nung nakaraan.
Ang mali ko lang, di ko talaga kilala yung ibang kumakandidato. Nilagay ko na lang yung kilala ko :P
Waiting galore
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsAng paghihintay ang pinakahuling talent na gusto kong matutunan. Hindi kasi ako pinaglihi sa pasencia kaya siguro nagiging Super Saiyan agad ako kahit isang minuto pa lang na late ang kausap ko at lalo na kapag umabot na sa kalahating oras!
Ansaya
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMasaya kasi nananakit nanaman ang mga maskels (muscles) ko dahil dumadami ang cellulites ko sa tyan bukod pa sa bulgy belly ko. Ansaya!
No Idea
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsWell, two of my superiors gave me two "jobs" which I am expected to perform for about six months.
I Like Klet Makulet
Posted by: Klet Makulet, 6 commentsNasabi ko na bang...
Nagfefeeling sikat ako? Pwes, ngayon nasabi ko na.
Kunwari sikat ako. Gumawa ako ng fan page ko as Klet Makulet at binraso ko ang mga online friends ko na i-Like nila para kunwari may mga fans na ako.
One way
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsBoy: I love you
Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti ng matipid.
Bits and Pieces
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsAs usual kapag walang maisip na specific na topic, halu-halong kwento ang ipopost. Here it is:
Batang Manyak
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsHabang nakaharap ako sa isang batang walang kamuwang-muwang, naisip ko yung mga kababata ko noon na kakaiba ang mga trip sa buhay. Di ko akalain na kamanyakan na pala yun noon.
Sabi ni Sigmund Freud, ang Papi ng Psychoanalysis, isa sa stages of development ng isang bata ay ang tinatawag na Phallic Stage (galing sa salitang Phallus na ang ibig sabihin ay genitals o sa tagalog ay ari) kung saan ang batang edad 3 hanggang 6 ay namumulat at natututunang maenjoy ang kanilang mga tutut sa pamamagitan ng pag-stimulate dito (wow! erotic!) Pero, syempre, di naman sila conscious na kamanyakan pala yun.
Bagong bihis si Klet
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsPagkatapos ng matagal na panahong parang basahan ang itsura ng blog na ito, nais kong ipagmalaki na basahan pa din ang itsura nya...
Pero, pero, pero malinis 'to pati sa kusina (background music ang Eraserheads na kumakanta ng 'Toyang')
Super kinareer ko ang paghahanap ng design na babagay sa kaartehan at takbo ng utak ko. Salamat sa dryicons.com (commercial muna) sa pagfefeature ng ganitong them. Haylabet!
Naglagay din ako ng link para sa tweeter ko na sana maupdate ko na at link din sa faceboom page ko (trip trip lang sana i-trip nyo din)
Yun lang at salamat!
--------
Pi. Es.
Nalimutan ko i-save yung mga nasa blogroll ko. May dagdag-bawas na. Pasensya sa nabawas at welcome sa nadagdag. Sana mahanap ko yung nawala at more to come. Yaiks!
Kwento sa Metro (LRT)
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsKung may berso sa metro ang LRT, may kwento naman ako. Maiba lang.
Medyo matagal na din akong suki ng LRT pero everytime na sumasaky ako dito ay nageenjoy ako. Kasi palaging bago yung experience ko dito. Tulad na lang kanina na talaga namang susubukin ang galing mo sa pagbalance.
Feeling ko nga pwede na akong sumali sa sirko sa Karnabal dahil ang galing-galing ko nang magbalance. Walang hawakan! Yun nga lang may natapakan akong ale nang biglang pumreno si manong driver (parang jeep lang siya lahat ng pasahero napapunta sa unahan.)
Syempre nagsorry ako. Ang kaso itong si Aleng maarte, di tinanggap ang pagsosorry ko. Bahala siya sa buhay nya! Anyway, bago ako bumaba nagsorry ulit ako. Respeto sa matandang naka-mini skirt at naka-sleeveless hehehe.
Meron ding lalaki na nagpilit sumiksik sa area ng mga babae. Tsk tsk. Di na nahiya. LAki pa ng tyan (although walang kinalaman yung tyan nya dun nabanggit ko lang).
Dati naman, nung unang-una akong napasakay dun, halos may magsabunutan na dahil ayaw siyang padaanin ng mga nasa harapan niya. Sigawan at sikuhan sila. Nakakatawa.
Meron din naman na alam nang puno pero pilit pa ding sinisiksik ang katawan. At meron namang malayo pa eh dun nagpipilit tumambay sa pintuan. Wala lang trip nilang di masiksik sa loob.
Naranasan ko na din na mapasakay sa area ng mga boys. Minsan di ko sadya at minsan syempre kasama ang dyowa di naman pwedeng maghiwalay di ba? May mga PDa moments din ang mga sakay dun parang di na makapaghintay. Nakakatawa at nakaka-entertain.
As i've said, nag-eenjoy ako kahit na madalas ay sardinas ang kinalalabasan ko. Adventure at trip trip lang. Ito ang experiences na di ko maipagpapalit sa pagsakay sa jeep. Kahit ganun madali akong nakakarating sa pupuntahan ko iwas traffic pa.
-----------------
Kahapon ko pa ito nagawa kaso nahiya naman akong mag-open ng blog ko kasi madaming nakatingin sa aking ginagawa. Masyadong public. Baka madaming magpa-autograph sakin pag nalaman nilang ako si Klet (Wapak! Kapal!)
What a day!
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsUna sa lahat gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil buhay pa ako at buong buo na nakauwi mula sa field trip.
Kung mamalasin nga naman
Dalawang beses akong napasakay sa bus na sing-kupad ng pinakamakupad sa takbo. Tigil pa ng tigil at sumimple pa ng kain ang driver at kundoktor. Alas tres ako ng umaga umalis at nakarating ako sa patutunguhan ko ng 6:00 a.m. na dapat mas maaga pa. Umuwi ako na ganun pa din ang sinakyan ko. Yung para sa dalawang oras ay naging halos apat na oras.
Ang weird pa dahil wala namang traffic pero parang nakikipaglibing kami sa bagal sinabayan pa ng nakakagulantang na videoke. Una natatawa ako pero nung nagtagal naiinis na ako. Sa halip na makakapagpahinga ako, nabubulabog pa ako.
Muntik na!
Kalagitnaan ng byahe biglang nagswerve ang bus namin. May tumawid ata tapos nung malapit na akong bumaba may jeep na biglang humarang sa daan. Muntik nang magkabanggaan.
Pauwi naman halos dumikit yung nguso ng bus sa puwitan nung truck. Ang saya parang gusto akong i-welcome sa heaven at sa hell.
Change of plan
Akala ko pa naman makakapunta ang mga classmates ko dito sa amin, biglang nagbago ng isip. Di ko alam kung bakit. Dati naman sabi pag masama lang ang panahon kaso maayos naman. Wala namang ulan. Sayang. Nadismaya tuloy sina classmate.
Api ako
Nagbayad ako ng sobra pero inapi ako sa upuan. Late pa sila sa usapan. Ano ba yan?! (yes, rhyme na rhyme!)
Pero
Pero kahit na ganun tulad ng sai ko, nagpapasalamat ako dahil buo ako na nakauwi dito sa amin. Kahit parang tinatawagan ako ni San Pedro (Laguna)
Pa-demure
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsNamimiss ko ang dati kong blog. Yung blog na hindi talaga blog dahil isa lang itong topic sa isang forum na kunwari sarili mong blog nga (ang kulit naman paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit 10x)
Hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa pa ang blog na kletmakulet.com kung hindi ko rin naman mailalabas ang kakulitan ko. Sana Klet the Emo na lang o kaya naman Klet walang Kwenta pero dahil di sila nagrarhyme, pinangatawanan ko ang kletmakulet.com na blog. Sa totoo lang wala naman talaga akong sense magpost. Madalas wala lang. Madalas kasi pa-demure pa ako. Kunwari mabait ako at saka kunwari di ako gumagawa ng masama.
Ewan ko ba kung may kinalaman ang sitwasyon ko ngayon sa pagiging walang kwenta ko o talagang ganun na lang pag nadadagdagan ka araw-araw ng point something-something sa edad mo. Garsh! Ilang taon na ba akong gumgradweyt sa pagiging baliw at ngayon ay baliw-baliwan na lang ako.
Minsan iniisip ko din kung may silbi pa ba ang pagpopost ko dito? Syempre kaya nga ako nag blog as in online journal kasi ayoko na ako lang ang sisilip dito di ba? Sana naka-private na lang ito kung ayaw kong ipabasa sa iba (although tinatago ko ang katauhan ko kahit nakabalandra sa title ang pagmumukha ko.) Hinahanap-hanap ko kasi yung madaming comment kahit negative naman tinatanggap ko (wag lang masyadong masakit kasi madali akong ma-hurt. Sana lang may mag-comment parang awa nyo na kahit yun na lang ang i-donate nyo sa akin. Wala namang bayad yung dumaan at kunwari interesado kayo sa post ko. Masaya na ako sa "hi napadaan", "hello please visit my blog." Kahit nakakainis yung ganun pwede na rin kasi binibisita ko naman kahit minsan may malware pa yung site nyo. (Nakakaawa na b? Comment na!)
Ironic
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNaalala ko si Alanis Morissette nung nangyari sa akin ang isang ironic experience na ito.
Akala ko nanalo ako ng lotto nung una kasi may nakita akong amount sa sobre kaya nainis ako dahil hanggang September 30, 2010 na lang daw yung offer pero October 1, 2010 ko natanggap (bwisit na kartero yan!)
Buti na lang offer lang pala ng Google sa akin to try their Google Adwords. Wala naman akong binebenta at wala naman akong balak magpa-advertise ng website/blog kaya kahit papaano ay nahimasmasan ako.
Pero paano kung nanalo nga ako sa isang contest (kahit di naman ako sumasali) at totoong pera ang makukuha ko o kaya naman emergency yun at dapat mabasa agad yung sulat.
Mabilis naman ang pagsesend ng letter o kung anumang package sa Philpost (Philippine Postal Office) mga two weeks, di na masama para sa murang halaga compared sa mga commercial freights pero pero pero, yung pagdating mismo sa postal office talaga nabubulok ang mga sulat/package dahil iniipon muna yung dadalhin ng messenger bago idistribute. Minsan pinakikialaman pa ang laman (di ako nambibintang totoo yun!).
Nakita nang before September 30 tapos dadalhin ng October 1 parang nakakaloko.
Naalala ko pa dati nung may nagsend sa akin na package mula sa kaibigan ko sa Japan.Libre ko dapat na makuha yun pero pinagbayad ako sa post office.
May iniwang slip ang kartero at sinabing may package ako sa post office. Naisip ko, bat di na lang dinala pero di na ako nangulit. Pumunta ako dun sa pagaakalang makukuha ko ng walang chechebureche yung package, tapos biglang siningil ako ng 35 pesos! Maliit na halaga pero nakakainis dahil bayad na ng kaibigan ko ang lahat para dun, kukunin ko na lang daw pero nakotongan pa ako. Nakakainis. At ang masama pa, parang ginalaw ang package ko. Nainis na ako, nainis din ang nagpadala at sinabing ayaw na daw nya magpadala dahil masama daw ugali ng nasa post office. Kaya minsan, magandang bumayad na lang sa mga commercial freights ...safe pa!
I learn, I share
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI had a great two-day seminar courtesy of our school.
Our seminar is about using new media to evangelize. Although my friend and I were not preachers or teachers, we still enjoy the seminar/workshop because we learn new things in using the internet as well as the free OS (Linux).
Our speaker was a very energetic and tech savvy priest Fr. Stephen Cuyos, MSC who works with Communication Foundation for Asia (CFA) located at Old Sta. Mesa, Manila.
He tackled the following topics:
1. Social Media
2. Audio/Video Sharing
3. Visual Stories
4. Games and Quizzes
5. FOSS
6. Collaborative Office
7. Slidesharing
What I like the best is when Fr. Stephen shares a lot of sites where we can get new ideas, download files (for free), and make our own material (comic strip, video, slides, games, tests etc.) And we received freebies too!
To learn more about Fr. Stephen and CFA, you can visit their sites.
Fr. Stephen Cuyos’ blog – www.stephencuyos.com
CFA website – www.cfamedia.org
---------------------
"I am what I am because of who we all are"