Ahem! Live sa Trinoma ang pamysterious effect na si Klet a.k.a secret!!!.
Bukas imemeet ko ulit ang mga adiktus. Dapat Enchanted Kingdom kaya lang medyo nagbago ang ihip ng hangin at di na natuloy. Isa pa, yung isa sa twin tower namin ay biglang di na pwede sa ewan na kadahilanan (ahyechu estong!)
Heniway, di ko pa alam kung ano talaga ang gagawin ko doon bukod syempre sa muli naming pagkikita. For sure kakain kami at magkakape. Kape! Kape! Kape! Sana libre!
Ang adiktus supremo ay isang grupo ng mga adik sa forum dati at naging isang kulto sa Army System.
Medyo nawala man sa limelight, tuloy pa din ang aming pagkikitikitexting at chatting galore. Mula sa Manila, nakaabot ang adiktus supremo sa Lucena at Tayabas kung saan makikita ang tanyag dito na Kamayan sa Palaisdaan.
Unang pagkikita ng mga adiktus sa Manila ay sa Gamol (Megamall) sa may supermarket area. May ilang napadagdag noon sa eyeball na ito. Sina ilyn at si d3vil. Masaya. Magulo.
Sana ngayon, di ako mawala. Kasi di pa ako sanay sa lakarang pangmalayuan. Pag di na ako nakapag-update ng ilang araw, ibig sabihin noon ay nawawala na po ang inyong lingkod. Wag naman sana.
Mabuhay ang Adiktus Supremo!!! Mabuhay!
*** Hahaha parang kulto pffft.
Adiktus bukas sa Trinoma
Posted by: Klet Makulet, 8 commentsTik Tak
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsDi ko alam ang tamang spelling ng tunog ng relo. Alam ko lang ay tik tak sa Tagalog.
Kung titingnan ang paligid ko, napapalibutan ako ng mga alarm clock. Pati ang cellphone ko, lalo na yung kakasira lang, ay nagsilbing alarm ko sa umaga. 3x na naka-set yung alarm ko.
Ngayon, ang 6x sa cellphone at 1 sa bagong bukas na lumang regalo.
Di naman ako masyadong nalelate noon. Nito lang talaga na nasa work na ako at napapasabak sa blog at forum pag gabi kaya medyo antok pa sa umaga kaya kailangan kong mag-sunod-sunod ng alarm.
Kung gabi, at walang nakabukas na radyo, talagang puro tik tak ng relo ang maririnig. Creepy.
Dati may isang binili pa ako noon sa Mega Mall na parang maliit na electronic organizer na pagkaliit liit ng memory. Ilang kb lang yata yun. Pang-reminder, alarm, calendar, at taguan lang ng password na minsan kulang talaga sa space. Medyo nagresign na din siya sa katagalan na ng kanyang serbisyo (o malamang yung battery ang problema.)
Marami na din akong relong nasira at pagdating naman sa wrist watch, isa lang ang maipagmamalaki kong sariling akin. Halos lahat ay second hand na mula sa kapatid kong lalaki. Minsan naman gift sa akin o na-free ko sa kung saan saan.
Itong gamit ko na watch ngayon ay 7 years and 2 months na sa akin. Regalo ko sa sarili ko after graduation. Yung inipon ko ay ipinambili ko ng medyo mamahaling relo sa Swatch. Di naman nakakapagsisi. Hanggang nagyon ay maayos pa ang Swatch Irony na ito sa halagang 3,500 ay sulit na sulit na di ba?
Ayoko munang isipin na papalitan ko na ito dahil baka magtampo at magaya sa cellphone ko na nakaramdam yata na gusto ko na syang palitan kaya kusang nagresign.
Mahalaga sa akin ang oras. Ayaw kong masayang lang ito lalo na pagdating sa trabaho. Though minsan talagang medyo napapa-chika ng konti pero ayaw ko talaga yung patama sa oras. Kaya nga minsan naiinis ako pag nakakakita ako ng ibang tao na nagsasayang lang ng oras sa trabaho tapos sumesweldo nang sakto. Unfair! Teka ibang topic na pala ito.
Sa ngayon, bawas na muna ako ng konti sa net browsing, blogging, chatting at kung anu-anong mga online activities. Kailangan ko yata na bawasan ang puyat dahil nakakataba.
Bagong Career
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsAfter a year and five months, bagong career nanaman ako. Bagong trabaho, bagong makakasalamuha, bagong gawain.
Nakakalungkot kapag nagbabago ako ng ginagawa. After kong malaman na di na ako sa dati kong office, nanghinayang ako sa mga ininvest ko para sa lugar na yon. Sa mga inorganize ko at nabuong paraan para mapadali ang trabaho. Pero okay na din, mawawala na yung mga kinaaayawan ko na madaming paper works.
Ay, di pala mawawala ang paper works. Dahil parang hinahabol pa din ako ng mga ito. Parang unfair nga dahil noong ako ang bago, ni hindi nila ako tinanong kung kaya ko ba o hindi, basta pinasabak nila ako at sumabay pa ng resign ang dapat na mageendorse at mag-oorient sa akin. Tambak ang na-late nang mga report at mga gawain. Pero ngayon... Sabagay, maaaring malaki lang talaga ang tiwala nila sa akin.
Ngayon, sa bagong trabaho, parang ganun pa din. Madaming gagawin. Medyo mapapasabak ako sa daldalan. Interview, chikahan, pakikiharap sa mga tao.
Bagong challenge. Bagong mga mukha, bagong office, bago lahat. Ang luma lang ay kasama. Sana lang di na ganoon ka-tindi yung pressure. Sana lang din pumayat na ako.
Ito ba ay paalam na?
Posted by: Klet Makulet, 3 comments2004 nung kami ay unang nagkita. Sa mall. Sikat, may pagka-bagito, medyo chubby kumpara sa normal at kakaiba ang itsura nya.
Pinaghandan ko yung panahon na yun. Para sa akin kasi, minsan lang mangyayari ang ganoong pagkakataon. Sa tulong ng isang kaibigan ay pinakilala siya sa akin. Kasama ko pa ang nanay at kapatid ko para kilatisin siya. Kahit noong una ay nagdadalawang isip ako, tinuloy ko na din ang pagtanggap ko sa kanya sa buhay ko. Sabi ko, "siya na nga."
Nung una, nangangapa pa ako sa kanya. First timer kasi. Sabagay, lahat naman kasi ng makakasalamuha niya ay malamang first timer din. Kakaiba kasi talaga siya. Ibang-iba. As in may pagka-weird siya kung titingnan.
Through thick and thin sabi nga. Siya yung kasa-kasama ko sa lahat ng magaganda at pangit na parte ng buhay ko. Siya yung nagbibigay aliw sa akin kapag wala akong magawa o walang makausap. Masasabi ko ding first love ko siya. Siya din ang unang masasabi kong AKIN.
Kapag nagkakaroon siya ng problema, natatakot ako. Feeling ko kasi iiwan na niya ako. Feeling ko, katapusan na ng pagsasama namin.
Nahaling ako sa piling ng iba. Napabaling ang tingin ko sa mga may mas magandang maibibigay sa akin. Pero naging matatag siya. Naunang nawala yung pumukaw sa mga pansin ko. Nawalan na ng dating at namaalam na lang bigla ng walang pasabi. O maaaring naagaw na ng iba.
Ngayon, parang nanlulumo ako. Ngayon na alam ko na maaaring hindi na siya maibabalik pa. Ginawa ko naman ang lahat. Pinilit kong gawin ang lahat. Umaasa pa din ako. Hanggat may kaunting liwanag pa akong nakikita. Habang sa akin ay sinasabing "may bukas pa." Umaasa pa din ako. Ngunit di ko rin maalis sa sarili ko ang katanungang... "Ito ba ay paalam na?"
Nakakalungkot dahil sa loob ng 5 years and 5 months na nagkasama kami, ay naging maganda ang pagsasama namin. Minsang tinotopak. Minsang napupuno, Minsang nagkukulang, minsang nanghihina. Pero naging matatag sa tagal na yun.
Unti-unti siyang nagparamdam ng kahinaan. Katandaan na din siguro. 5 taon na pagsasama ay sobra sobra na para sa isang katulad niya. Hanggang sa bumigay na din ang kanyang memorya at katawan. Wala na ang matyagang nanggigising sa akin sa umaga at nagpapaalala ng mga araw na mahahalaga.
Ayokong magaya ang Nokia 3650 ko sa nangyari sa Nokia 6600 ko (ang isa sa umagaw ng atensyon ko)na nasira o sinira ng pinagpagawaan ko... sana maisalba ko pa. Di ko kayang masira ito nang basta ganun na lang. Nalulungkot ako. Kasi ito ang unang phone na ako mismo ang unang may-ari. Brand New hindi recon at hindi second hand, Brand New. Kinse mil pa siya noon. Siguro walang kinse pesos kung bibilhin na lang siyang sira ngayon. How sad. Andami ko pa namang picture messages na itinabi dito. Pati forwarded messages at pakatabi-tabing text ng mga special persons in life. Ay sh*T nalimutan ko, nandito nga din pala sa notepad yung ilang ideas at password ko. Malas talaga!
Bukas sana maghimala si Lord. Sana napagod lang siya. Sana maayos pa. Sana.
Happy Fathers' Day
Posted by: Klet Makulet, 2 comments9 years old ako nung nawala ang biological father ko. I was able to experience the love of a father. Yun lang medyo maikli. After 5 years, another father came to our family, my step father.
At first, medyo aloof. Feeling ko di siya okay. Pero we did give our blessings to our mother who asked if it's okay na tumira na nga doon ang step-dad namin. We said yes. What makes her happy is important to us.
Years passed. Ngayon, super close na kami. Di man katulad sa tunay kong tatay, he was able to act like one. Medyo may limitations nga lang since di ko nga kadugo.
One time, my teacher asked me about him, kung okay daw ba ang pakikitungo sa amin, kung di daw ba... (medyo di pa niya maituloy) alam ko ang ibig nyang sabihin. Kasi nga naman sa dami ng naibabalitang mga step-fathers na nangaabuso sa anak. Sabi ko, maswerte po ako at matino ang napili ng mother ko. Binata, matino naman, mapagkakatiwalaan at Jack of all trades pa nga eh--marunong magluto, karpintero, mag-electrician, tubero, arkitekto, engineer, atbp.! San ka pa!
Anyway, I still miss my biological father. Siya kasi yung nag-spoil sa akin noon. Ang bawal sa mother ko, pwede sa father ko. Ayaw bilhin ni mother... binibili ni father. Bigay ang luho namin noon. Enjoy ako. Pero siguro nga ganun ang buhay. Nawala siya sa amin ng maaga.
Pero mabait nga si Lord. Binigyan niya kami ng isa pang mabait na ama-amahan. Kaya nga sinusuklian din namin ang kanyang kabaitan. Maaaring di siya perfect father (single kasi talaga at walang anak) pero napupunuan niya kahit papaano ang mga needs ng family.
Sa lahat ng tatay, ama, itay, mamay, papa, papi, tay, dad, erpat, daddy, daddy yo, paps at lahat lahat.... HAPPY FATHER'S DAY!!!
11 years
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNumbers ulit...
11 years na ang lumipas. Sino ang makakapaghintay sa babaeng minamahal nya sa ganitong panahon? Iilan lang malamang lalo pa kung di napagbibigyan ang gustong mangyari. Tama? Tama!
Di ko naman nilalahat. Kung tutuusin, madami pa naman akong kilalang talagang kaya pang magtimpi at maghintay. Nakakaintindi sa pagpapahalaga sa nais ingatan ng kanyang iniibig.
11 years... ang kapatid ko at ang kanyang asawa ay 9 years... taob! At ang kahanga-hanga pa, dumaan sila sa matinding pagsubok ng buhay. Nangyari ang "through thick and thin." Actually puro thin nga lang dahil puro bad luck ang nangyari sa buhay ng babae.
Classmate ko ang kinasal at ka-schoolmate ko naman ang groom. They were both simple. Both have the same interests. At, parehong mukhang native and they look good together..
Sa loob ng 11 years, nagkasakit ang mother ni Girl. Nag-50-50. Nakailang taon na halos tumira sa PGH. Very supportive si Boy. Di niya iniwan si Girl.
Gumaling ang mother. After makaahon sa unang pagsubok, namatay si father. Nabaril sa harap ng school na pinagtatrabahuhan. Ang planong pagpapakasal ay di na muna naituloy. Pagkalipas ng ilang buwan o halos taon, sumunod na din si mother. Ang kapatid ay di na rin nakapag-pari dahil sa kakulangan ng pera pangtustos sa pag-aaral.
11 years na punung-puno ng pagsubok. Pero heto sila at kinasal nga.
Ngayon ako naniniwala sa kasabihang... "Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."
PR 1
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsPuro may numbers yata ang title ko. Wala napansin ko lang din. Pero di rin kasi maiwasan dahil yun nga ang gusto kong topic kaya walang pakialamanan (hehe.)
Sa twitter ko sabi ko wala akong update. Totoo wala nanaman akong maisip na update dahil sa dami ng ginagawa sa trabaho at parang nasa transition period nanaman ako, at NPA ang dating ko dun, labo ang utak ko.
Anyway, back to the topic. As i was checking my blog nakita ko nga itong Google toolbar ko sa FF (Firefox) na may Page Rank na 1.
Nagulat syempre ako. Mahirap hirap din kasi ang magkapagerank lalo na sa blog na katulad ko na wala naman talagang balak na magpataas pa nito (pero salamat pa rin Google cute lang kasi tingnan) dahil di naman ako yung klase nga ng blog na masyadong conscious sa SEO, PR at kung anu-ano pang traffic. Mahalaga lang talaga sa akin ngayon ay ang may magbasa (hindi basta daan o bisita lang) at syempre plus na din yung may mag-comment sa post ko.
Nagbukas ulit ako ng another tab, tinype ko ang kletmakulet.com at andun pa din ang PR1 na yan. Still not believing the color and the number in my Google toolbar, tintry ko ang mga PR checker na yan. Totoo nga!
Ayows! Wala lang. Sabi ko nga cute lang na may PR ka parang ibig sabihin may maganda din sa site ko at may konting kwenta din. Yehey! Congrats ulit sa akin!!!
(Di ko maisip kung kelangan ko bang magturo kung pano ang ganito at ganyan sa blogging parang di naman ako ganun kagaling hehehe) Yun lang!
100
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsNgayon ko lang napansin. Naka-100 post na pala ako last time. Ni hindi ko man lang nagawang espesyal at naging tungkol pa sa kamalasan ang topic ko.
Madalas kasi masarap ipagdiwang yung akala mo di maaabot na bilang ng isang bagay. Tulad nga ng post sa blog. Akala ko noon, di ko magagawang magpost ng regular dito. Sa dami kasi ng nakatagong mga blog ko, eto lang yung pinangangalandakan ko. Kasi may domain pero di ko pinagkakalat sa kakilala kasi mahirap yung nagngangangawa ako dito tapos mababasa nila.
Ang sarap sa pakiramdam na nakaabot na ako ng ika-100 post ko. Bale, ika-101 ko na ito at madadagdagan pa. May 1 follower na ako (salamat po sa pagfollow) at sana madagdagan pa din. Di ko naman inaasahan na maging kasing sikat ng ibang mga blogger. Sa akin lang ay may magbasa ng post ko at may paminsan-minsang mag-comment ay masaya na ako.
Dito sa blog kasi na ito, ipinapakita ko ang iba't ibang klase ng pagiging ako. Medyo di nga lang ganoon ka-related minsan sa "title" ng blog ko pero para sa akin may sense na din yun. Dati kasi puro kalokohan lang sana ang ilalagay ko dito. Kaya lang medyo nasa mood talaga ako ng minsang pagseseryoso at kawalan ng matinong maipopost kaya kung anong matapos kong i-blog, yun ang ipopost ko. Madami na din ang nasa drafts ko. Ilan dito ay medyo mahirap ituloy dahil nag-aalangan ako na maging negative ang dating sa babasa.
Isang mapangahas na post ko ang "Bakit nakakatawa ang Bisaya?" Halos ilang tao muna ang pinagbasa ko bago ako natahimik na okay lang ito. Tadtad ng paghingi ng paumanhin (kaya mukhang di na kaaya-ayang basahin) I intend to make it a bit light and not to hurt the Visayans pero may nagreact sa Sigaw Board ko na nakakahiya daw ako. Sabagay, parte ng pagboblog ang may sumalungat sa sinasabi ng manunulat. Mapangahas para sa akin dahil alam kong may masasaktan kahit di sinasadya at alam ko din na uso ang pagtuligsa sa mga nanlalait sa kapwa o ibang tao.
Sa 100 kong post, ilan dito ang pagpipilit kong mag-English. Nosebleed na pero TH (trying hard) pa rin para kahit paano ay mahasa ang mapurol kong kaalaman. Basta gusto kong ipost bat ba? :P
Minsan naliligaw din ako ng landas, Na parang gusto ko na lang maging isang entertainment blog na tungkol sa pinagchichismisan ng lahat. Pero sayang naman ang domain name ko kung puro chismis lang. Ako ito eh. May ka-engengan, may alam din naman. May kasamaan, may kabutihan din. Minsan puro reklamo, minsan .. di ko alam kung may napuri na ba ako.
Basta! Di dito magtatapos ang lahat. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko na.
Happy 101th post para sa akin!!! (di na 100 lagpas na eh bleh!)
Messing up with codes
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsLast night, i was trying to configure how to update the site. It was a forum. It prompted me to click the link and everything will be installed in minutes. Unfortunately, the patch didn't worked out since it says that one of the files were not writable. WTF.
Actually, I've been trying to do this for weeks. I've been googling all night to see what I can do since that was nozhie's suggestion. Anyway, I did saw this help page in an online community and I thought this is what I'm looking for.
Thinking that it will be so easy, I simply followed the steps even if I'm not really sure if it will be a success. My intuition told me that I should have a backup of the files, a bit late on my decision i still copy the files using Filezilla (I really don't know what I'm doing. I'm not good with this kind of work.)
I went on with the copying and posting of the codes. Every file saved, I try to check the effect on the site. First error on topics, and the next best thing that happend, the site were all messed up! OMG!
A bit pissed but still smiling (I was talking to one of my online friend who is also a member of the forum, I was telling him that I just deleted the whole forum,) I deleted the whole forum folder. This and that happened and unfortunately, my backup files were incomplete. Really. Still I upload it to the host and prayed that the forum will be back.
Good Lord is really great! The forum is back as well as the members, the topics but not the files I've installed earlier. From 11pm till 4am today, I was like a geek wannabe that ruined a site and learned my lessons.
Next time, I should always keep a complete backup. Read the directions well. And sometimes, I really need to do it on my own.
Thanks kuya sony for cheering me up while the forum's down hehehe
Independencia
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsPara sa kalayaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!!!!
Madalas kong marinig yang sigaw na yan sa mga play sa school. Madamdamin at madugo ang mga eksena.
Sa isip, ang sarap namnamin na may araw tayo ng kalayaan. Kahit alam naman natin na malaya talaga tayo sa sarili nating paraan. Pero kung tutuusin sa kabuoan, kung titingnan ang ating bansa, ang Pilipinas, parang di naman ganoon kalaya.
Malaya nating binuboto ang mga taong gusto nating maluklok sa posisyon sa gobyerno, sa pag-aakalang sila ang magbabago ng takbo ng buhay sa Pilipinas ngunit parang nauuto lang tayo dahil sa halip na ang gusto ng sambayanan ay ang talunan ang siyang nananalo. Luto!
Minsan yung kalayaan, salita na lang na ang hirap intindihin. Malaya ka pero madaming bawal. Malaya ka pero ito ang dapat kaya yun at di ang gusto mo ang dapat gawin kasi pag di ka sumunod, tatawagin kang suwail, baliw, masama, marahas, tanga, etc.
Buti na lang malaya pa din tayong mamili ng channel at palabas na papanoodin, di nga lang malaya sa pagbabayad ng cable connection o bayad sa sine.
Malaya pero maraming pero... pero okay na din. Ganun talaga.
Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino!
*Happy birthday kay Independecia :P
Ang Init!
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsOMG! As in OMG talaga!
Super init ngayon ha. Kasing init ng mga issue tungkol sa Cha-Cha, sex video ni Hayden, concert ng Pussycat Dolls at issue ng mga presidentiables na di mo malaman kung tatakbo ba talaga o lalakad na lang.
Tagaktak ang pawis ko mula anit hanggang talampakan. Pwede nang pigain ang pawis sa damit. Buti na lang di ako namamaho.
Hanuba?! Ang gulo naman kasi ng panahon eh. Kaya pati mga sakit ang gulo din.
Kanina may seminar na ginawa ang Red Cross para sa A(H1N1) virus at Dengue. At syempre, di mawawala ang pag-invite sa mga attendees na maki-join at magpa-member na sa kanilang insurance and orgy (organization po!)
*Gusto kong maki-join at maki-share ng blood. Di ko lang alam kung kelan.
Hanggang ngayon, mainit pa din. Para akong nasa pugon. Pwede na akong maging Pan de Pugon.
Saka na ang iba ko pang achuchuchu tungkol sa init na ito. Yun lang muna.
Kapag Gutom
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNapanoon ko nung minsan sa TV ang dalawang babaeng artista na nag-uusap tungkol sa kinakain nila pag nagdidiet sila. Kwento ng isa, oatmeal lang daw ang kinakain nya. At sumagot yung kausap niya na nakaka-bad breath daw yun at madalas ay mainit ang ulo.
Tototoo. Tama yung babaeng artista sa sinabi niya. Nakakaka-bad breath nga ang diet na yan dahil walang pakain na ma-digest ang sikmura umaalingasaw sa ating bibig ang mga chemicals na inilalabas ng ating sikmura like pepsin at vetsin (joke lang syempre yung huli.)
Nakakainit din ng ulo. Para bang nakakadepress.
Yan kasi ang feeling ko ngayon. Parang malapit nang maubos yung katinuan ko kanina. Naiinis ako na parang gusto ko nang sumuko sa pagdadiet. Ikaw ba naman kasi ang kumain lang ng 1 slice bread toast at egg tapos inumin mo ay tea.
Sabagay, isang araw na lang naman. Balik na ulit sa dating pagkain (pero konting bawas na.) Nasa akin na lang kung uulitin ko pa ba. Pero parang ayaw ko na hahahaha.
Para kasi akong sabog. Nanginginig yung mga laman laman ko sa gutom. Mahilo-hilo pa ako. Tapos makakarinig ka ng unsolicited advices from others about diet na tingin ko di naman nila naiintindihan, mawawala talaga ako sa katinuan at baka mag-amok ako bigla.
Basta bukas na lang. Isang araw na dusa. Kahit pano naman siguro ay may nabawas. Kahit 1 inch lang please!
Ang Pasyalera
Posted by: Klet Makulet, 5 commentsNaghahanap ka ba ng pwedeng puntahan? May alam ako na makakatulong sa'yo--ang Pasyalera.
Website ito ng dalawang nilalang na galit sa pera kaya inuubos nila sa pagpunta-punta sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Gusto ko nang irekomenda ito sa Department of Tourism (DOT) dahil pinopromote nila ang magagandang lugar ng ating bansa.
Ah oo nga pala, Pasyalera.com ang pangalan ng website. Ito ay proyekto ng dalawang magkaibigan na sina Icey at Wayne na ang layunin ay ibahagi ang kanilang paglibot sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at plano din nila na pag mas mayaman na sila ay buong mundo naman.Taray!
Sana pag sobrang galit sila sa pera, malibre din nila ako at maisama sa kanilang pagpasyal at maging pasyalera na din akong tulad nila.
Yun lang. Sana maibigan nyo ang site nila. Dala kayo ng tissue baka ma-nosebleed kayo. Hehehe joke lang.
Pasyal na!
Bucket Meal
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsOf course! It's from KFC (Kapag Fried Chicken...Kentucky Fried Chicken.)
Ayun! Nagpakain ako ng KFC bucket meal. Bakit? Ah...eh... kasi...
Nakuha ko na ulit ang payment sa akin ng Google after more than 6 months. Antagal ano? Kasi naman ang tamad tamad kong mag-update. Saka di itong site na ito ang dahilan. May iba pa hekhek.
Salamat na lang at sumakto sa panahon. Sakto din yung payment sa tuition ko. Ayun, ubos na sya.
Sana sa susunod mga 5 months na lang para naman may pambayad na ako agad ng domains ko. Tenchu Google! Haylabshu! Wehehehehe
Diet
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsDiet! Diet! Diet!
Hindi si Deither Ocampo kundi diet na pagpapapayat ang ibig kong sabihin. Kelangan ko talaga ito.
Matagal ko nang plano pero di ako masyadong nagiging successful. Ilang taon na ba akong nagpipilit. May panahong nagpapa-uto ako sa mga diet pills pero lalo lang akong lumolobo.
Noong nakaraang December (2008), namili na ako ng mga kakailanganin ko sa isang diet program kuno na pang-tatlong araw lang ngunit ayon sa aking dating kasama sa trabaho ay super effective. Syempre, pag sinabing effective, maniniwala ako. Sinuportahan naman ng pagpapatunay ng mga kasamahan namin na nabawasan nga ang kanyang timbang at size noong ginawa nya yoon.
Gumastos ako ng 500 noon dahil December, ang mga gulay na gamit sa mga handaan ay tumataas ang presyo. Pero dahil nga Christmas Season, malakas ang tawag ng tukso kaya ang mga gulay ay gamit ko sa diet ay nalanta lang ay nasira. How sad.
May mga panahon naman na talagang gumagana ang aking mind power at namomotivate ako na magbawas ng timbang. Kasama itong gumagana na ito sa sinasabi kong "di masyadong successful" meaning, may part na nabawasan ng kaunti ang katabaan ko.
Di naman ako super laki. Masasabi kong overweight na ako ng konti. Dati kasi mataba lang ako pero nasa normal pa ang BMI o Body Mass Index ko. Ngayon, medyo nakakain yata ako ng bakal at bato kaya nag-over ako sa timbang. Wala na akong balak maging obese. Tama na ito.
Dahil nga ang mga pills ay di gaanong effective at pagkatapos nito ay doble o triple ang bumabalik na timbang sa akin. Tinigil ko na. Bukod doon, ayoko nang namimilipit sa sakit ng tyan o magpigil ng pupu dahil oras ng trabaho at ayokong mangamoy ang CR ng di kagandahan. Wala akong lakas ng loob na magpasabog.
Kaya eto. 3-day diet plan ang papatusin ko. Sana umepekto. Kailangan ko ito para lumuwag ng konti ang aking uniform. Para maisuot ko din ang mga sexy kong damit noon. Di ko pa din kasi pinamimigay ang mga luma kong damit at pinagliitan. Sayang kasi. hekhek. Sa lagay na ito, umaasa pa talaga ako na magiging 25 or 26 ang bewang ko. Isa pa sa dahilan ay syempre ang health. Ayokong may nararamdaman na di maganda lalo na ang mga hypertension, taas ng chole...chole... cholesterol! At dagdag pa, para magandang tingnan. Figure na nakaka...witwheew!
Good luck ulit sa akin!
Pasukan nanaman, gastos nanaman!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI'm not that old to go to school. Again, I have spent all of my saved money for my tuition fee. Grabe! Ang mahal ng miscellaneous fee! Dun sila kumikita talaga!
I'm trying to compare and ours was really big wherein I think we're not really using it to the fullest. Also, without my friend who is the secretary of the dean, I won't be able to see the breakdown of the misc. fee.
Publication costs more than 200 pesos and yet I haven't received any published journal. We also paid 1000 plus for the library. Imagine, if this school is collecting this kind of amount from all of their students, they were like getting more than a million!
There are a lot. But you may ask, why am I still here. Because, if I am going to transfer to another school, all of my acquired units will not be credited. Rather than wasting it, I'll just continue and endure the big cost. I only need 2 more semesters, more money, patience, intelligence and time and I will soon graduate from this school of nightmare.
In my previous years, I didn't learn a lot since our professors are usually unavailable due to their personal, official, whatever businesses.
Another reason why I enrolled in this school was it's the only school in this area where I can get this certain course. Anyway, too much for these.
On the lighter side, I again bought the ingredients for my 3-day diet. I just hope that this time, I would be able to continue and follow the correct steps.
Good luck for me!
A Bright Child
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsThere is this little girl who is 13 years of age who stood in front of the whole administration and discussed a topic about inner-directedness.
We are all amazed and really cannot believe that a girl as young as she is can be so confident and smart to tackle about the topic. From the start till the end of the seminar, what we do is to praise her for her talent and giftedness.
I can also hear those parents wanting to have a child like her who at the age of 4 can already be in the 4th grade level or grade 4 but according to her, she, together with her parents decided to start her schooling in grade 1. Imagine, a 4-year-old girl in grade one, who is now preparing for her senior year this june at the age of 13. Isn't amazing?
She even shared to us that she should've been studying now in college if she was given a chance to be accelerated in grade four. But thinking of her young age, her parents also would like her to enjoy her childhood years. Though still not appropriate on her age, she still try to get an advance review of the modules for higher years maybe 2 years advance and if I am right with what I have heard, she was also being consulted by administrators of different institutions.
She also do some website assessment and also conduct seminars like what she just did today with us.
I don't know if I'm allowed to give her name but even if it is, I would like to keep it a secret since I'm also trying to keep my real identity.
Anyway, I saw her blog and she said that the internet connection here was slow. I commented on her shoubox that maybe she was just connected to a slow server since I know that our connection (specifically in my brother's business) we don't have a problem with the internet (connection) speed.
This girl motivates us to excel more and strive for the best.