Ngayon ko lang napansin. Naka-100 post na pala ako last time. Ni hindi ko man lang nagawang espesyal at naging tungkol pa sa kamalasan ang topic ko.
Madalas kasi masarap ipagdiwang yung akala mo di maaabot na bilang ng isang bagay. Tulad nga ng post sa blog. Akala ko noon, di ko magagawang magpost ng regular dito. Sa dami kasi ng nakatagong mga blog ko, eto lang yung pinangangalandakan ko. Kasi may domain pero di ko pinagkakalat sa kakilala kasi mahirap yung nagngangangawa ako dito tapos mababasa nila.
Ang sarap sa pakiramdam na nakaabot na ako ng ika-100 post ko. Bale, ika-101 ko na ito at madadagdagan pa. May 1 follower na ako (salamat po sa pagfollow) at sana madagdagan pa din. Di ko naman inaasahan na maging kasing sikat ng ibang mga blogger. Sa akin lang ay may magbasa ng post ko at may paminsan-minsang mag-comment ay masaya na ako.
Dito sa blog kasi na ito, ipinapakita ko ang iba't ibang klase ng pagiging ako. Medyo di nga lang ganoon ka-related minsan sa "title" ng blog ko pero para sa akin may sense na din yun. Dati kasi puro kalokohan lang sana ang ilalagay ko dito. Kaya lang medyo nasa mood talaga ako ng minsang pagseseryoso at kawalan ng matinong maipopost kaya kung anong matapos kong i-blog, yun ang ipopost ko. Madami na din ang nasa drafts ko. Ilan dito ay medyo mahirap ituloy dahil nag-aalangan ako na maging negative ang dating sa babasa.
Isang mapangahas na post ko ang "Bakit nakakatawa ang Bisaya?" Halos ilang tao muna ang pinagbasa ko bago ako natahimik na okay lang ito. Tadtad ng paghingi ng paumanhin (kaya mukhang di na kaaya-ayang basahin) I intend to make it a bit light and not to hurt the Visayans pero may nagreact sa Sigaw Board ko na nakakahiya daw ako. Sabagay, parte ng pagboblog ang may sumalungat sa sinasabi ng manunulat. Mapangahas para sa akin dahil alam kong may masasaktan kahit di sinasadya at alam ko din na uso ang pagtuligsa sa mga nanlalait sa kapwa o ibang tao.
Sa 100 kong post, ilan dito ang pagpipilit kong mag-English. Nosebleed na pero TH (trying hard) pa rin para kahit paano ay mahasa ang mapurol kong kaalaman. Basta gusto kong ipost bat ba? :P
Minsan naliligaw din ako ng landas, Na parang gusto ko na lang maging isang entertainment blog na tungkol sa pinagchichismisan ng lahat. Pero sayang naman ang domain name ko kung puro chismis lang. Ako ito eh. May ka-engengan, may alam din naman. May kasamaan, may kabutihan din. Minsan puro reklamo, minsan .. di ko alam kung may napuri na ba ako.
Basta! Di dito magtatapos ang lahat. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko na.
Happy 101th post para sa akin!!! (di na 100 lagpas na eh bleh!)
creepsilog
5 years ago
June 17, 2009 at 11:10 PM
June 18, 2009 at 5:43 AM
June 18, 2009 at 9:13 PM
Salamat salamat hehehe
Congrats sa lahat kahit
ilang post pa yan.. mahalaga
lahat tayo ay masaya :P
Post a Comment