Numbers ulit...
11 years na ang lumipas. Sino ang makakapaghintay sa babaeng minamahal nya sa ganitong panahon? Iilan lang malamang lalo pa kung di napagbibigyan ang gustong mangyari. Tama? Tama!
Di ko naman nilalahat. Kung tutuusin, madami pa naman akong kilalang talagang kaya pang magtimpi at maghintay. Nakakaintindi sa pagpapahalaga sa nais ingatan ng kanyang iniibig.
11 years... ang kapatid ko at ang kanyang asawa ay 9 years... taob! At ang kahanga-hanga pa, dumaan sila sa matinding pagsubok ng buhay. Nangyari ang "through thick and thin." Actually puro thin nga lang dahil puro bad luck ang nangyari sa buhay ng babae.
Classmate ko ang kinasal at ka-schoolmate ko naman ang groom. They were both simple. Both have the same interests. At, parehong mukhang native and they look good together..
Sa loob ng 11 years, nagkasakit ang mother ni Girl. Nag-50-50. Nakailang taon na halos tumira sa PGH. Very supportive si Boy. Di niya iniwan si Girl.
Gumaling ang mother. After makaahon sa unang pagsubok, namatay si father. Nabaril sa harap ng school na pinagtatrabahuhan. Ang planong pagpapakasal ay di na muna naituloy. Pagkalipas ng ilang buwan o halos taon, sumunod na din si mother. Ang kapatid ay di na rin nakapag-pari dahil sa kakulangan ng pera pangtustos sa pag-aaral.
11 years na punung-puno ng pagsubok. Pero heto sila at kinasal nga.
Ngayon ako naniniwala sa kasabihang... "Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."
creepsilog
5 years ago
Post a Comment