this on Facebook!

Kapag Gutom

Posted by: Klet Makulet,

Napanoon ko nung minsan sa TV ang dalawang babaeng artista na nag-uusap tungkol sa kinakain nila pag nagdidiet sila. Kwento ng isa, oatmeal lang daw ang kinakain nya. At sumagot yung kausap niya na nakaka-bad breath daw yun at madalas ay mainit ang ulo.

Tototoo. Tama yung babaeng artista sa sinabi niya. Nakakaka-bad breath nga ang diet na yan dahil walang pakain na ma-digest ang sikmura umaalingasaw sa ating bibig ang mga chemicals na inilalabas ng ating sikmura like pepsin at vetsin (joke lang syempre yung huli.)

Nakakainit din ng ulo. Para bang nakakadepress.


Yan kasi ang feeling ko ngayon. Parang malapit nang maubos yung katinuan ko kanina. Naiinis ako na parang gusto ko nang sumuko sa pagdadiet. Ikaw ba naman kasi ang kumain lang ng 1 slice bread toast at egg tapos inumin mo ay tea.

Sabagay, isang araw na lang naman. Balik na ulit sa dating pagkain (pero konting bawas na.) Nasa akin na lang kung uulitin ko pa ba. Pero parang ayaw ko na hahahaha.

Para kasi akong sabog. Nanginginig yung mga laman laman ko sa gutom. Mahilo-hilo pa ako. Tapos makakarinig ka ng unsolicited advices from others about diet na tingin ko di naman nila naiintindihan, mawawala talaga ako sa katinuan at baka mag-amok ako bigla.

Basta bukas na lang. Isang araw na dusa. Kahit pano naman siguro ay may nabawas. Kahit 1 inch lang please!



 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com