Di ko alam ang tamang spelling ng tunog ng relo. Alam ko lang ay tik tak sa Tagalog.
Kung titingnan ang paligid ko, napapalibutan ako ng mga alarm clock. Pati ang cellphone ko, lalo na yung kakasira lang, ay nagsilbing alarm ko sa umaga. 3x na naka-set yung alarm ko.
Ngayon, ang 6x sa cellphone at 1 sa bagong bukas na lumang regalo.
Di naman ako masyadong nalelate noon. Nito lang talaga na nasa work na ako at napapasabak sa blog at forum pag gabi kaya medyo antok pa sa umaga kaya kailangan kong mag-sunod-sunod ng alarm.
Kung gabi, at walang nakabukas na radyo, talagang puro tik tak ng relo ang maririnig. Creepy.
Dati may isang binili pa ako noon sa Mega Mall na parang maliit na electronic organizer na pagkaliit liit ng memory. Ilang kb lang yata yun. Pang-reminder, alarm, calendar, at taguan lang ng password na minsan kulang talaga sa space. Medyo nagresign na din siya sa katagalan na ng kanyang serbisyo (o malamang yung battery ang problema.)
Marami na din akong relong nasira at pagdating naman sa wrist watch, isa lang ang maipagmamalaki kong sariling akin. Halos lahat ay second hand na mula sa kapatid kong lalaki. Minsan naman gift sa akin o na-free ko sa kung saan saan.
Itong gamit ko na watch ngayon ay 7 years and 2 months na sa akin. Regalo ko sa sarili ko after graduation. Yung inipon ko ay ipinambili ko ng medyo mamahaling relo sa Swatch. Di naman nakakapagsisi. Hanggang nagyon ay maayos pa ang Swatch Irony na ito sa halagang 3,500 ay sulit na sulit na di ba?
Ayoko munang isipin na papalitan ko na ito dahil baka magtampo at magaya sa cellphone ko na nakaramdam yata na gusto ko na syang palitan kaya kusang nagresign.
Mahalaga sa akin ang oras. Ayaw kong masayang lang ito lalo na pagdating sa trabaho. Though minsan talagang medyo napapa-chika ng konti pero ayaw ko talaga yung patama sa oras. Kaya nga minsan naiinis ako pag nakakakita ako ng ibang tao na nagsasayang lang ng oras sa trabaho tapos sumesweldo nang sakto. Unfair! Teka ibang topic na pala ito.
Sa ngayon, bawas na muna ako ng konti sa net browsing, blogging, chatting at kung anu-anong mga online activities. Kailangan ko yata na bawasan ang puyat dahil nakakataba.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment