Para sa kalayaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!!!!
Madalas kong marinig yang sigaw na yan sa mga play sa school. Madamdamin at madugo ang mga eksena.
Sa isip, ang sarap namnamin na may araw tayo ng kalayaan. Kahit alam naman natin na malaya talaga tayo sa sarili nating paraan. Pero kung tutuusin sa kabuoan, kung titingnan ang ating bansa, ang Pilipinas, parang di naman ganoon kalaya.
Malaya nating binuboto ang mga taong gusto nating maluklok sa posisyon sa gobyerno, sa pag-aakalang sila ang magbabago ng takbo ng buhay sa Pilipinas ngunit parang nauuto lang tayo dahil sa halip na ang gusto ng sambayanan ay ang talunan ang siyang nananalo. Luto!
Minsan yung kalayaan, salita na lang na ang hirap intindihin. Malaya ka pero madaming bawal. Malaya ka pero ito ang dapat kaya yun at di ang gusto mo ang dapat gawin kasi pag di ka sumunod, tatawagin kang suwail, baliw, masama, marahas, tanga, etc.
Buti na lang malaya pa din tayong mamili ng channel at palabas na papanoodin, di nga lang malaya sa pagbabayad ng cable connection o bayad sa sine.
Malaya pero maraming pero... pero okay na din. Ganun talaga.
Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino!
*Happy birthday kay Independecia :P
creepsilog
5 years ago
Post a Comment