this on Facebook!

Happy Fathers' Day

Posted by: Klet Makulet,

9 years old ako nung nawala ang biological father ko. I was able to experience the love of a father. Yun lang medyo maikli. After 5 years, another father came to our family, my step father.

At first, medyo aloof. Feeling ko di siya okay. Pero we did give our blessings to our mother who asked if it's okay na tumira na nga doon ang step-dad namin. We said yes. What makes her happy is important to us.


Years passed. Ngayon, super close na kami. Di man katulad sa tunay kong tatay, he was able to act like one. Medyo may limitations nga lang since di ko nga kadugo.

One time, my teacher asked me about him, kung okay daw ba ang pakikitungo sa amin, kung di daw ba... (medyo di pa niya maituloy) alam ko ang ibig nyang sabihin. Kasi nga naman sa dami ng naibabalitang mga step-fathers na nangaabuso sa anak. Sabi ko, maswerte po ako at matino ang napili ng mother ko. Binata, matino naman, mapagkakatiwalaan at Jack of all trades pa nga eh--marunong magluto, karpintero, mag-electrician, tubero, arkitekto, engineer, atbp.! San ka pa!

Anyway, I still miss my biological father. Siya kasi yung nag-spoil sa akin noon. Ang bawal sa mother ko, pwede sa father ko. Ayaw bilhin ni mother... binibili ni father. Bigay ang luho namin noon. Enjoy ako. Pero siguro nga ganun ang buhay. Nawala siya sa amin ng maaga.

Pero mabait nga si Lord. Binigyan niya kami ng isa pang mabait na ama-amahan. Kaya nga sinusuklian din namin ang kanyang kabaitan. Maaaring di siya perfect father (single kasi talaga at walang anak) pero napupunuan niya kahit papaano ang mga needs ng family.

Sa lahat ng tatay, ama, itay, mamay, papa, papi, tay, dad, erpat, daddy, daddy yo, paps at lahat lahat.... HAPPY FATHER'S DAY!!!





2
Thank you sa post. Talaga nga namang importante mga tatay
salamat naman po sa comment. Totoo. Kung importante ang nanay, importante din ang tatay. kasi kung wala ang isa sa kanila, walang mabubuo wehehhehe :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com