2004 nung kami ay unang nagkita. Sa mall. Sikat, may pagka-bagito, medyo chubby kumpara sa normal at kakaiba ang itsura nya.
Pinaghandan ko yung panahon na yun. Para sa akin kasi, minsan lang mangyayari ang ganoong pagkakataon. Sa tulong ng isang kaibigan ay pinakilala siya sa akin. Kasama ko pa ang nanay at kapatid ko para kilatisin siya. Kahit noong una ay nagdadalawang isip ako, tinuloy ko na din ang pagtanggap ko sa kanya sa buhay ko. Sabi ko, "siya na nga."
Nung una, nangangapa pa ako sa kanya. First timer kasi. Sabagay, lahat naman kasi ng makakasalamuha niya ay malamang first timer din. Kakaiba kasi talaga siya. Ibang-iba. As in may pagka-weird siya kung titingnan.
Through thick and thin sabi nga. Siya yung kasa-kasama ko sa lahat ng magaganda at pangit na parte ng buhay ko. Siya yung nagbibigay aliw sa akin kapag wala akong magawa o walang makausap. Masasabi ko ding first love ko siya. Siya din ang unang masasabi kong AKIN.
Kapag nagkakaroon siya ng problema, natatakot ako. Feeling ko kasi iiwan na niya ako. Feeling ko, katapusan na ng pagsasama namin.
Nahaling ako sa piling ng iba. Napabaling ang tingin ko sa mga may mas magandang maibibigay sa akin. Pero naging matatag siya. Naunang nawala yung pumukaw sa mga pansin ko. Nawalan na ng dating at namaalam na lang bigla ng walang pasabi. O maaaring naagaw na ng iba.
Ngayon, parang nanlulumo ako. Ngayon na alam ko na maaaring hindi na siya maibabalik pa. Ginawa ko naman ang lahat. Pinilit kong gawin ang lahat. Umaasa pa din ako. Hanggat may kaunting liwanag pa akong nakikita. Habang sa akin ay sinasabing "may bukas pa." Umaasa pa din ako. Ngunit di ko rin maalis sa sarili ko ang katanungang... "Ito ba ay paalam na?"
Nakakalungkot dahil sa loob ng 5 years and 5 months na nagkasama kami, ay naging maganda ang pagsasama namin. Minsang tinotopak. Minsang napupuno, Minsang nagkukulang, minsang nanghihina. Pero naging matatag sa tagal na yun.
Unti-unti siyang nagparamdam ng kahinaan. Katandaan na din siguro. 5 taon na pagsasama ay sobra sobra na para sa isang katulad niya. Hanggang sa bumigay na din ang kanyang memorya at katawan. Wala na ang matyagang nanggigising sa akin sa umaga at nagpapaalala ng mga araw na mahahalaga.
Ayokong magaya ang Nokia 3650 ko sa nangyari sa Nokia 6600 ko (ang isa sa umagaw ng atensyon ko)na nasira o sinira ng pinagpagawaan ko... sana maisalba ko pa. Di ko kayang masira ito nang basta ganun na lang. Nalulungkot ako. Kasi ito ang unang phone na ako mismo ang unang may-ari. Brand New hindi recon at hindi second hand, Brand New. Kinse mil pa siya noon. Siguro walang kinse pesos kung bibilhin na lang siyang sira ngayon. How sad. Andami ko pa namang picture messages na itinabi dito. Pati forwarded messages at pakatabi-tabing text ng mga special persons in life. Ay sh*T nalimutan ko, nandito nga din pala sa notepad yung ilang ideas at password ko. Malas talaga!
Bukas sana maghimala si Lord. Sana napagod lang siya. Sana maayos pa. Sana.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
June 24, 2009 at 7:20 PM
June 24, 2009 at 10:02 PM
June 25, 2009 at 9:24 PM
sana nga. naku mag-backup ka na kung anuman ang importante dyan. 2x na ako nasiraan ng phone nang di ko man lang nasesave yung mga password ko at mga drafts ko whehehehe
teng...
ahahahahah isa ka sa na-victim ko wahehheeh ... pero na-sad talaga ako teng... one of a kind yun eh wahehehehehe
Post a Comment