this on Facebook!

Bagong Career

Posted by: Klet Makulet,

After a year and five months, bagong career nanaman ako. Bagong trabaho, bagong makakasalamuha, bagong gawain.

Nakakalungkot kapag nagbabago ako ng ginagawa. After kong malaman na di na ako sa dati kong office, nanghinayang ako sa mga ininvest ko para sa lugar na yon. Sa mga inorganize ko at nabuong paraan para mapadali ang trabaho. Pero okay na din, mawawala na yung mga kinaaayawan ko na madaming paper works.

Ay, di pala mawawala ang paper works. Dahil parang hinahabol pa din ako ng mga ito. Parang unfair nga dahil noong ako ang bago, ni hindi nila ako tinanong kung kaya ko ba o hindi, basta pinasabak nila ako at sumabay pa ng resign ang dapat na mageendorse at mag-oorient sa akin. Tambak ang na-late nang mga report at mga gawain. Pero ngayon... Sabagay, maaaring malaki lang talaga ang tiwala nila sa akin.


Ngayon, sa bagong trabaho, parang ganun pa din. Madaming gagawin. Medyo mapapasabak ako sa daldalan. Interview, chikahan, pakikiharap sa mga tao.

Bagong challenge. Bagong mga mukha, bagong office, bago lahat. Ang luma lang ay kasama. Sana lang di na ganoon ka-tindi yung pressure. Sana lang din pumayat na ako.


2
The thing I like the most about having a new job is meeting new people... la lang.. saya yun eh
actually po. sa kabilang room lang ako lilipat hehehehe ... naiba lang talaga yung job ko. pero okay na din po para masanay ako sa ibang klaseng trabaho.
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com