this on Facebook!

Ang Pasyalera

Posted by: Klet Makulet,

Naghahanap ka ba ng pwedeng puntahan? May alam ako na makakatulong sa'yo--ang Pasyalera.

Website ito ng dalawang nilalang na galit sa pera kaya inuubos nila sa pagpunta-punta sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Gusto ko nang irekomenda ito sa Department of Tourism (DOT) dahil pinopromote nila ang magagandang lugar ng ating bansa.


Ah oo nga pala, Pasyalera.com ang pangalan ng website. Ito ay proyekto ng dalawang magkaibigan na sina Icey at Wayne na ang layunin ay ibahagi ang kanilang paglibot sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at plano din nila na pag mas mayaman na sila ay buong mundo naman.Taray!

Sana pag sobrang galit sila sa pera, malibre din nila ako at maisama sa kanilang pagpasyal at maging pasyalera na din akong tulad nila.

Yun lang. Sana maibigan nyo ang site nila. Dala kayo ng tissue baka ma-nosebleed kayo. Hehehe joke lang.

Pasyal na!



5
sa mga travel blogs ko na lang lately nabibisita ang mga lugar sa Pilipinas.
ako din. Buti nga yang dalawang may-ari ng pasyalera andaming pera hehehehe
Hahaha! Loka! Salamat sa pag advertise Teng. *kiss*
@ teng

Basta ikaw... nanginginig pa... :P
Labshu! Mwahugs!
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com