Kung ayaw na niya,
wag kang magpumilit.
Kung hindi, ikaw rin
ang sa sarili'y makakasakit.
Kung para sa iyo
Babalik sayo
Gasgas mang linya
Sa buhay, ganun talaga.
Kung wagas ang pagmamahal
Maaaring ito sayo'y magkapag-papagal
Pagkat kung ika'y limot na
Sa wala ka lang umaasa.
Simulang tumayo
Hayaang luha'y matuyo
Pagdating ng panahon
Dala ay may tutugon.
Mahirap lumimot
Mahirap tanggapin
Totoong masalimuot
Ang bukas ay harapin.
Paglimot
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsLayuan mo ako
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSino ang may gustong magkasakit? Sure na hindi ako yun! Maaaring noon ay gusto ko. Para magkaroon naman ako ng rest day. Yun nga lang may-sakit ako at hilung-hilo.
Ngayon, ayoko. Mahirap. Sobra!
Paano, sagabal sa trabaho. Isa pa, ang hirap magpigil ng ubo at suminghot-singhot na parang adik. Ang hirap din na lalambot-lambot. Madalas din, nakasimangot ako dahil nga masama ang pakiramdam ko. Mahirap naman yung nakangiting-nakangiti ako tapos nagdedeliryo na pala ako. Baka di pa ako paniwalaang may sakit kundi may topak.
Ang ginagawa ko, lumalayo ako sa mga carrier ng virus. Pero ewan ko ba. Nilalapitan nga yata ako ng kamalasan.
Ilang araw na din akong nananahimik. Ayoko kasing masabi na puro lang ako daldal sa trabaho. Tambak ang gawain at di pwede ang papetiks-petiks lang.
Pag tahimik ako, ibig sabihin ay dumistansya ka na. Di kasi masyadong sigurado kung mabait ba ako o may masamang iniisip. Tahimik ako pag galit. Tahimik din ako pag may masamang nararamdaman. Tahimik din ako pag ayaw ko sa'yo.
Pero itong little one na ito. Parang wala lang. Always there. E may ubo at sipon. Sinabi ko na baka mahawa ako pero wa epek! Ayan! Eto nahawa ako.
Inulit-ulit ko na nga siyang sinisi eh. Paano kung may nakakamatay na virus pala siya? weheheheh . Ah ewan. Naiinis lang ako. Kaya ayokong maging mabait. Nahahawa ako! Hekhek!
Hayden at Katrina pa rin
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsKagabi ay napanood ko ang face to face encounter sa senado ni Katrina Halili at Dr. Hayden Kho. Box office ang hearing at mala-pelikula ang mga pangyayari. Medyo mamasa-masa pa dahil sa pagbuhos ng tubig kay Hayden at luha naman ang kay Katrina.
Medyo nakakainis lang dahil sa buong panahon na nagkaroon ng pagdinig ay wala man lang matinong kinauwian ang nasabing paghaharap dahil ang mga lekat na pulitikong nakaharap ay mas gusto ng showbiz at personal na tanong kesa dumeretso sa mismong punto ng kaso. Sa totoo lang, hindi na nila kailangan pa na gawin ang nasabing pagdinig sapagkat umamin naman na si Hayden na ginawa nga niya ang pasikretong pagkuha ng video sa kanyang mga nakaniig. Kalokohan lang na kinailangan pa ng isang taga-showbiz na magsampa ng kaso samantalang napakaraming lumipas na kaso ng gang-rape, voyeurism, at scandal na di man lang nila binigyan ng ganyang importansya. Dapat noon pa yan para sa pagkakataong ito ay may naisasampa na silang kongkretong kaso laban sa doktor.
Medyo di ako bilib kay Katrina. Parang may kung ano sa kanya na para bang may halong pansariling interes, bukod sa maparusahan si Hayden,ito ay isang mabilisang pagsikat pa. Siguro ay di niya matanggap na hanggang ngayon ay starlet pa din ang tingin at turing sa kanya ng ilan samantalang sikat naman siya at madami nang naging pelikula. Medyo hilaw ang iyak niya di tulad kay Hayden na namumula ang mukha dahil sa iyak at kasamang kahihiyan. Medyo di ko rin nagustuhan ang binasa niyang statement na parang gumagawa siya ng isang tula o artikulo sa isang magazine na punong-puno ng palabok. Ang sabi ay binaboy daw siya. Di nga ba't ginusto din niya ang ginawa nila? Kung di siguro niya nalamang may video ay di niya masasabing binaboy siya o magpahanggang ngayon ay maaaring sumisimple pa rin sila. Yun nga lang at kumalat ang video. O dahil malamang nahihiya siya na todo tanggi siya noon na may relasyon sila ni Hayden at may kasalaulaan silang ginagawa at ngayon ay di na niya kaya pang magsinungaling dahil nga sukol na siya. Isa siyang certified mang-aagaw ng boyfriend at naikama na.
Mas naaawa pa ako sa ibang di nagsasalita na nadadawit din sa issue. Ang pamilya ng parehong kampo, ang iba pang mga babae na nakunan din ng video.
Babae din naman ako at di ko maikakailang kalapastanganan ang ginawang pagkuha ng video ng walang pahintulot. Ngunit kailangan pa bang maging parang circus ang bagay na ito? Sa media, di ba't parang exploitation na din ang paulit-ulit na pag-ere ng kuha sa video ni Hayden? Dapat din nga palang kasuhan ang mga nanood daw ng video. Dapat din palang kasuhan ang mga pulitoko na di mo malaman kung pano din nila nakuha ang kopya. Pati na ang mga TV networks.
Kung tutuusin, napakadali lang nyan. Di na kailangan pa ng pag-testify dahil umamin na nga ang nasasakdal. Guilty. Ipasa na ang mga Bill na matagal nang nabinbin sa senado. Sabi nga may mga nauna nang mga batas na isinulong ang ilang mga senador pero walang nangyayari.
Teka, ba't nga pala nalimutan na ang ZTE deal? Ang Hello, Garci? At iba pang mga kaso. Sarap na sarap silang pagpiyestahan ang mainit na kanin ng issue nina Hayden Kho at Katrina Halili at pag naging lamig na ay iiwan na lang na para bang di rin ito kanin na dapat pansinin.
Birthday Holiday
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsI love to sing Put3Ska's Birthday Holiday every 26th day of May. 'Coz it's mah birthday today!!! Wehehehe nagpapapansin lang! Libre and greetings!
May tugtog sa loob!
credit: yatnet
Kapitan Sino at Peksman nasa kamay ko na!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSa wakas! After ng ilang araw kong paghihintay, nasa kamay ko na si Kapitan Sino ni Bob Ong at ang dati ko nang gustong bilihin na Peksman (Mamatay ka man) Nagsisinungaling ako ni Eros Atalia.
Kasunod naman nito ay ang iba pang mga mala-Bob Ong din na mga libro sa National.
Salamat nga pala sa Hari na naglaan ng panahon at konting pagod sa paglalakad upang maibili ako ng dalawang librong ito. Nag-iisip pa ako kung yung action/anime figures or Lambanog ba ang ibibigay ko. Basta hintay-hintay lang. Pati na rin kay sissy-in-law na naabala ko din sa oras ng trabaho (sana daw siya na lang ang bumili para yung gift ko ay para sa diaper na lang ni baby Mav...sa susunod ikaw na aabalahin ko... sa MOA ka bibili wehhehehe layo!)
Sa ngayon, nakatingin lang ako sa libro. Binasa ko ang unang part pero parang walang pumapasok sa kukote ko. Di ko naiintindihan. Malamang overwhelmed pa ako (dahil may bagong libro nanaman ako at nabawasan nanaman ang pera ko...pero masaya!)
Sa Jeep: Ang mga pasahero
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsAraw-araw, gabi-gabi, iba't ibang tao ang nakakasabay ko sa iba't ibang jeep. Merong mukhang di makapatay ng lamok sa payat, merong halos kumain na ng pang-tatlong taong upuan ang isang pasahero, may nakakasilaw ang puti sa sobrang bleach, may durong (sobrang) itim na mas maputi pa ang anino, may mabango, may mabaho, may bagong gising, may kulang sa tulog, may A(H1N1) virus na carrier (mukha lang), mukhang addict, mukhang holdaper, mukhang rapist, bading, lesbian, manyak, exhibitionist (mga nagpapakita ng maseselang bahagi), matanda, bata, sanggol, malapit nang matepok, nakapatay, mahilig mag-1-2-3, may kuto, may uban (buhok na puti), may putok, may galis, may alipunga, amoy isda, amoy baka, amoy kambing, amoy tae, amoy alak, amoy pusali, amoy anghel, amoy bad breath, amoy baboy, korteng baboy, bungal, puro ngipin, maganda, pangit, uhugin, mukhang showbiz, newscaster sa local na telebisyon na di naman masyadong kilala pero feeling nya sikat sya wala naman pumapansin, may kulangot sa ilong na di napapansin, may muta, may bakas ng laway sa pisngi, may tinga pa sa ngipin (nakikita pag nagsasalita o ngumingisi), maitim ang singit (bubuka-bukaka kasi), may lalaking di mai-tiklop ang hita kasi mababasag ang egg.... na binili, may mukhang tao, mukhang hayop, mukhang pimple na tinubuan ng mukha, at mukhang pwet...iba't iba. Ilan diyan, malamang, nakasakay mo na.
Madalas pa sa pagsakay ko ng jeep, mga akala mo kung sinong nagbayad ng buong jeep sa pag-upo ay halos kanila na ang malaking parte ng upuan. Ipipilit mong isiksik na lang ang sarili mo sa maliit na espasyo para lang makauwi na. Masaklap pa kung kahit 1/4 ng pisngi ng pwet ay di man lang maisampa sa upuan--nakasquat na lang.
Kanina, yan ang eksenang naranasan ko, pero nakaupo naman ako ng medyo maayos. Pero bago yun, natagalan pa ako sa pag-upo dahil walang gumagalaw sa kinauupuan nila. Kelangan ko pang magsalita para lang may umusog ng konti.
At napaupo ako sa harapan ng isang lalaking may supot na dala. Pagkaaaaaaaaaaalaki-laki ng bukaka. Kalahating dipa na ang luwang ng pagkakabuka ng dalawang hita. Napapamura na ako sa sarili ko at gusto ko na siyang sitahin. Itatanong ko sana kung may mababasag ba sa dala-dala niya at di niya mai-tikom o mapaglapit ng konti ang mga hita nya. Dalawang tao pa kasi ang pwedeng umupo sa tabi niya. At may kachismosohang taglay pa, dahil ang katabi nya ay nagtetext, nakikibasa siya ng text. Sure ko na di niya yun kakilala. Ang matindi pa nito, nag-dial (nangulangot) pa siya ng ilang beses sabay hawak sa bakal na hawakan (ano bang tawag dun?) Kadiri!
Eto pa ang kadiri. Kahapon, medyo mainit ang ulo ko. May ale akong nakatabi, pagkakatanda ko ay naka-pink siya na sando. Akalain mo ba namang umubo ng malakas at di man lang nagtakip ng bibig! Grabe! Ramdam ko ang lakas ng hangin na ibinuga niya at ang tiny droplets of saliva with virus ang kanyang ibinahagi sa akin. Syempre nainis ako, pero di ko inaway. Mariin kong pinunasan ang pisngi ko na pinapakitang may tumalsik sa akin na laway niya. Umubo ulit, pero nakatakip na ang bibig (nakaramdam) pero umulit uli at di nagtakip ng bibig. Buti na lang pababa na ako. Di ko na lang pinatulan kasi masama akong mang-away. Matrona kasi, ayokong masira lalo ang araw ko dahil sa kanya.
May pasahero ding PDA. Halos gawing motel o parke ang loob ng jeep kahit may tao sa paligid. Siguro ay nang-iinggit. Pero di nila alam na di sila nakakatuwang tingnan. May naghahawakan ng kung-anu-anong parte ng katawan. Minsan, babae pa ang naglalagay ng kamay ng lalaki sa part na gusto nya. Buti na lang walang naghuhubad dun. Tinalo pa nila ang may mga topak na naghuhubu't hubad sa kalye. Tsk tsk.
Meron ding parang naka-loud speaker sa lakas ng pakikipagusap sa phone. Tanggal na siguro ang tutuli ng kausap niya, eh di pa din maintindihan at sumisigaw din siya.
Minsan din ay naranasan ko na biglang may magtataas ng kamay sa bintana at halatang manghihipo lang o chachansing. Buti na lang lagi akong may panangga sa mga manyak na yan. Sarap putulin ng mga kamay ng mga paksyet na yan.
Di rin mabubuo ang linggo ng pagiging pasahero kung hindi magbubuga ng usok sa loob ng jeep. May malaking NO SMOKING pero di matigil sa hithit-buga. Bagong ligo pa naman tapos biglang mauusukan lang. Di ko masabihan kasi natatakot ako na awayin ako. Shy ako.
Pero kung usok lang naman, mas gusto ko pa yun kesa sa PUTOK! Usok o putok? Magpapakamatay na lang ako! Parang suicide din kasi yung pagtyatyagang maamoy yun!
Kayo, anu-anong klase ng kapwa pasahero ang nakakasabay nyo?
Gusto ko lang
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsKahit wala ako sa mood at maisip na matinong post, nagtype pa din ako ng kung anu-ano kasi gusto ko lang.
Kahit ayoko din sumagot sagot sa mga forum, sumagot ako ng kahit ano kasi gusto ko lang.
Ilang araw na din akong nagbabawas ng kain, pero lumafang ako kanina. Gusto ko lang
Nag-eexercise na ako. 15 to 20 minutes lang muna. Okay naman, nakakapawis tapos ang sarap pa maligo after noon... Kahit pasma ang aabutin ko, gusto ko lang mawala agad ang init sa pakiramdam. Pawis pa din, pero gusto ko lang.
Kaninang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep, iniisip ko na gusto kong mag-inom at mag-yosi kahit di ko yun bisyo o gawain. Gusto ko lang. Pero kani-kanina lang uminom ako ng isang bote ng San Mig Light. Humati pa ng konti ang kapatid ko. Di ko type ang beer at lalong ayoko nang mag-inom dahil matagal ko nang sinumpa yun. Akin ang 3/4 ng laman, sinabayan ko pa ng Sponge na cheese (pagkain ito at hindi ispongha na alam nyo). Bago pa yun lumafang nga ako ng pagkadami-dami tapos inabutan pa ako ng cake ng kapatid ko. Nilamon ko lahat yun. Gusto ko lang.
After noon, umikot ang pakiramdam ko sa tyan... nasuka ako... di ko yun gusto! Pero maganda na din, na-relieve ang sama ng pakiramdam. Salamat.
Senti mode, di ako depressed, nakiki-senti lang kasi puro senti ang tao. Senti na Emo na hindi ko maintindihan. Nakakainis din kasi nakakadala sila. Gusto ko lang.
Puro gusto ko lang. Nakakainis paulit-ulit. Lang kwentang post. Basta, gusto ko lang. he3x
Sari-saring kwento
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsUna...
Matagal ko nang alam na tumataba ako at lalo pang tataba. Wala akong motivation to lose weight o kaya "mag-exercise tayo tuwing umaga" (2x)upang ang katawan ko ay sumeksi na! Andami kasing temptations. Naiinis na nga ako, lagi nila akong tinatawag. Alam kasi nilang marupok ako. Marupok ako!!! Lalo pa akong na-sad nung sinuot ko yung isa kong shorts at medyo nahirapan akong huminga. Gosh! This is a nightmare! Gisingin nyo ko!
Ikalawang kwento...
Bakit ang hirap ispelengin ng mga lalake? Sumagot kayo! Di ko malaman kung lalaki ba o lalake, pero di yan ang problema ko. Ang hirap kausap ng mga kalalakihan. Masyadong pa-safe. Sarap kurutin on the side.
Ikatlo...
Ang laki ng bill ko sa phone, nakakailang load na din ako sa prepaid. Bakit ganun? Baket??!!!
Ikaapat...
Magulo pa din ang kwarto ko. Paunti-unti lang ako makapaglinis at pagkatapos nun parang dinaanan nanaman ng buhawi. Para akong hindi gerlash! Kung makikita lang talaga, parang basurahan.
Ikalima...
Wala na akong pera. Bakit ba ang hirap maging mahirap? Oo, guilty ako. Namili nanaman kami ng nanay ko. Oo, kumain galore nanaman ako (kaya nga lalong tumataba), Oo gumastos ako ng gumastos...But..but...but... nagcelebrate lang kami ng late for mother's day...but..but...I want to buy this and that eh!
Ikaanim...
Tama na muna ito... inaantok na ako ZZzzzz
Nakakaalala pa pala sila
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsAlam mo yung creepy feeling kapag biglang nagpaparamdam ang mga taong matagal nang nawala sa isip mo? Na minsan mo lang maisip tapos all of a sudden, biglang magpaparamdam at mangungumusta as if kahapon mo lang sila huling nakausap?
Itong week na ito yun! Biglang magtetext at sasabihing gusto akong makita. Na gumagamit pa ng ibang tao para lang pansinin ko. O kaya naman kakausapin ako sa YM, mangungumusta at biglang magpapalipad-hangin kahit aminado siyang committed na. May ganun? Ang weird!
Masyado bang malakas ang pheromones ko? Umabot hanggang sa pagkalayo-layong lugar. Hanep!
Minsan tuloy natatakot ako na bigla na lang may susulpot sa harapan ko. O kaya naman bigla na lang may kung anong shocking revelations akong malaman. Wag naman sana, Dyuskopo! Tama na ang isang kagimbal-gimbal na balitang natanggap ko noon. At salamat sa Diyos at wala ni isa man sa "kanila" ang nagtangkang magtanong sa akin tungkol dun bukod sa nag-inform sa akin sa nangyari.
Pero bakit nga ba merong ganung pangyayari. Nagkakataon lang kaya na lahat ng tao sa aking past ay nagbabalik at magpapapansin? Nakaka-stress ha! Di carry ng beauty ko!
Paglipas ng week na ito, sana ay lumipas na din ang sangsang ng kung anumang chemical na umaalingasaw mula sa akin para malimutan nila ako. Subukan lang nila talagang magpakita sa akin at makakatikim sila ng flying kick ni Karate Klet. Ha ha ha! (pray...pray ... amen)
Sobra naman yata!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNawala ako noon. Naging busy, nag-hibernate sa mundo ng "apat na silid." Naisip ko kasi, wala naman sigurong masama kung medyo mawala sandali dahil noon pa naman ay natural nang mawala ka at muling babalik.
Pagkalipas ng halos dalawang linggo ng pang-iisnab, bumalik ako sa "apat na silid" at sa kasamaang palad, nalimutan ko ang tamang kumbinasyon para makapasok. "Open Sesame!" (Mali!) Abracadabra! (Ayaw!) Tao po! (Wa epek!)
Sa ganitong kadahilanan, humingi ako ng kaunting tulong sa isang gwardya sibil. Sinabi ko ang aking suliranin. Aba! Akalain mong napagalitan pa ako! Sabagay, kasalanan ko ang makalimot. Pati na ang susi ay nalimutan ko ding dalhin kaya kahit anong gawin ko ay di ko malaman kung panong makakapasok. Kahit magpalit-anyo ako ay di pa rin ako sinuwerteng makapasok sa "apat na silid."
Bukod sa sermon dahil sa pagkalimot, nasabon din ako sa aking pagkawala. Kinuwestyon ang di ko pagsasabi kung saan ako nagtatago at anong ginagawa ko. Nagulat ako. May Ganun?! Tinalo pa si Mudra na kelangan mag-time in at time out, may lab letter pa kung saan magliliwaliw at kung bakit. As in!
Siguro nga, ignorance is not an excuse. Pero anong magagawa ko kung hindi ko nga alam. Isa pa, nasabi ko na naman sa kapwa ko adik na di ako makakadiskarte sa buong linggong lilipas at isama na din ang nakalipas kasi ganito at ganun.
Sabon...Shampoo...Sabon... Walang banlaw! Syet! At take note, walang pero-pero...
Natural, sinamaan ako ng timpla. Parang nawalan ako ng gana. Parang ayoko na. Pakiramdam ko'y isa akong ibong kinulong sa palad, bukod pa rito ay nakapadlock pa ang dalawang paa, at may pabigat ang pakpak. Walang laya. Walang piyansa!
Okay... yan lang ang nasabi ko nung huli. Wala kang laban sa nakatatanda sa iyo. Sumagot ka at magkakalatay ang buong katawan abot pati sa ngala-ngala.
Sabi ko, ayoko na. On second thought, sige pag-iisipan ko pa pala. Kinalimutan. Pero nandun ang tampo.
Usapan, walang sabihan. Pero ano yun narinig kong chismis sa kanto. Ipinangalandakan ang pang-best actress na role. Di man pinangalanan ay may konting kurot on the side. Wala ito. Di patas.
Nakamegaphone siyang nagsermon muli. Ang nakita kong dahilan ay ang pagpansin sa isa niyang pagkakamali. Anlabo! Siya ang mali pero kami ang pinagagalitan! Itsanfer! At ang mga julalay ay walang ibang pinaboran kundi siya. Mga kuhol ata yun.
Parang naririnig ko siyang kumakanta ng "Penge naman ako niyan!" ng Itchyworms. Hanlabo mehn!
Heto ang una kong post na English... medyo bulok nga lang kaya nevermind...
We should be thankful to those who work as volunteers. None of them asks for something in return. Just let them be. When they commit mistake, remind them, don't reprimand. They owe you nothing.
We may have different views in life. Respect. We err and even you ain't perfect. That's a fact.
Don't ask too much or you'll be left with nothing but your scrap!
(nag-iinarte lang... kung may mali sa English, "sorry, wrong gramming!" LOLz!)
Baboy lamp
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsWala sa budget pero dahil baboy ay binili ko.
LED Super Capacity Rechargeable Reading Lamp na nabili ko sa tabi-tabi. Hinanap ko sa internet kung may katulad at swerte ko, nabili ko pala ng mura ang baboy lamp na ito.
Heto ang itsura:
Cute no? Online ay $4.99 siya sa totoong buhay ay $3.50 lang! Wala pang shipment na kelangang isipin. Cute no? Wish ko may makita pa akong ibang baboy.
Gusto ko sanang bilhin yung baboy water dispenser kaso di na siya maganda dahil medyo may gasgas na. Ang ganda pa naman.
Kapitan Sino?
Posted by: Klet Makulet, 1 commentsTotoo ba ito? Nawala na ako sa mood na magkwento tungkol sa retreat namin. Kasi... kasi... wala lang. Nawala na yung idea at lakas ng feeling na magkwento.
May nagsabi, may bagong book daw si Bob Ong. Totoo? Sabi sa Youtube meron daw. Kapitan Sino?
Totoo ba ito?!
Sa tingin nyo? Nakakainis naman! Asan? San ko mahahanap? San ko mabibili?!
Ayokong mahuli sa uso! Ha3x! Totoo ayoko na ako na lang ang di nakakabasa. Totoo ba talaga? Sino? Totoong Kapitan Sino? Visprint! Magsabi na ng totoo!
Balik-Bahay
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI just came from a retreat. Balik-Bahay kasi 3 days and 2 nights akong nag-stay dun.
Masaya, kakaiba, fulfilling, maraming natutunan, maraming nabago, maraming namiss, maraming nangyari, maraming marami...
I was able to sleep without the lights on. We we're asked to conserve electricity. I was also able to sleep without the music because my mp3 player isn't working (maybe sinadya yun para maranasan kong magtyagang makinig sa mga tunog ng insekto) at wala ding fan pero malamig naman kasi nasa parang gitnang parte kami ng bundok banahaw. We were in Holy Rosary Seminary parang nasa hill siya but near the highway lang naman.
This is a different retreat. All of the participants were able to receive the body and blood of Christ (bread and wine.) Natuwa ako dun. Once in a lifetime lang kasi yung mangyari. Nakasanayan ko kasi na yung katawan lang ni Kristo ang ibinibigay. Nangyari yun sa 2 beses namin na nag-mass. Una, si Fr. Bien Dulfo and nagsawsaw ng ostya sa wine and on our third and last day, we are the one who will go up to the altar, get our bread (ostya) and dip it into the wine. Ang ganda ng experience na yun.
Also, nung second day namin, nagkaroon kami ng sort of vigil and parang healing session. Nakapangumpisal din ako. Very liberating.
God gave me overflowing ideas to write, to share, to think of, to thank, to feel grateful, to feel loved.
Parang di ako. He-he...
Tonight, gusto kong kantahin ang kanta ng Eraserheads, Ang Kama Supra:Pero miss na miss na miss
Ko na
Ang aking kama
At ang malupit kong unan
ayun lang muna. Inaantok na ko at pagod. May pasok pa ako bukas huhuhu
Tracy Borres and others
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI'm a blogger. I've been blogging since, I think, 2003. I thought blogging was like a diary where you can be yourself, express what you feel, share your experiences and everything under the sun. The only difference here is that, your stories are posted online and usually in public. Anyone--A friend, enemy or even a stranger surfing the net--can read it. They can even react or comment on your post.
I saw this "The Tracy Isabel Borres Facebook Sizzle" article in the newspaper (Inquirer.) The article tackles about what happened to this girl named Tracy (from Ateneo) who posted in her "friends only" Facebook account her immersion experience with Aetas. She described how she felt and being the person herself (thinking that her post is private and only her friends can read it,) she bragged about the things she hated about the said experience.
I pity her. For being one of those who were being hauled down by others for being honest as she describes what she sees in her immersion.
Sometimes, these kind of incident stops me from being me or from blogging what's on my mind. Afraid that I may too be criticized for what I will say (post.)
I have a pretty serious kind of work where I should portray a saintly kind of life. I'm a nun... (joke!)
An online friend whom I met last year asked me about it (my work.) And for the first time, I did tell him the truth. He frowned. He asked me again, "Hindi nga?" (Really?) I laughed and say "Oo" (yes,) confirming that he heard it right. Then I asked him, "Hindi ba halata?" (Isn't obvious?) He said yes. According to him, it doesn't show with how I talk and crack jokes with them. I even swear (sometimes) and become racist and offensive at times.
I know and I'm sure that religious persons--even priests and nuns--swear, too, sometimes (it's just one of their very little secrets.) I even learned that saints also commit mistakes, which are grave and unusual if you're going to think of it.
I'm not trying to make an excuse to this kind of behavior. I know I've been a mischievous person. But I haven't tried killing somebody or something to that extent. I'm just trying to say and hoping (if this post will be read by others) that all our minds be open to the reality that we are all sinners. We sometimes say things that we don't really mean. We do mean things. We're not perfect.
I think bloggers(some of them, but not in general) and non-bloggers shouldn't be too judgemental on what other people say on their blog--Facebook, Friendster, Multiply, WordPress, Blogspot, Xanga, Tabulas, Typepad, etc. Let them express it the way they want it. This is a free country, right?
But on second thought, criticisms can also help and call the attention of those who are too mean and have lashing words against other people (A good example are Malu Fernandez vs OFWs and Chip Tsao vs Filipinos) and correct the things that they've said.
The story of Tracy Borres and others (add me if you want) are just common posts over the internet, they may have just forgotten the right word or term to use to describe what they feel or experience. And to make an article a little bit enticing and spicy, they use of hyperboles (and other figures of speech) and other kind of exaggeration that unfortunately put them in the hot seat.
For those who think they are perfect (and do not sin at all,) you may throw the first stone. (Just be gentle, it may hurt.)
Si Mader
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMula bukas ay magpapakabait ako "kuno." Isang bagay na maganda "sana" ang kalabasan. Kahit na medyo unfair yata yung pagkaka-schedule ng pagpapakabait namin at pati araw ng pahinga at pagcecelebrate ng Mother's Day ay inagawan pa. Twice na to. Magwewelga na kami!
Tatlong araw ng di ko alam kung saan patutungo. Labag sa kalooban ko pero ganun naman di ba? Anong magagawa mo kung ito ay "required." Walang laban.
Heniway, wala din naman si Mother Earth. Wala din naman ipagcecelebrate ng Happy Kapanatag Day sabi nga sa commercial.
Kapag umaalis ang mother ko papunta duooonnnn, di ko maiwasan na maging maisip o mapag-isip. Di kasi ako sanay. Pag wala siya, parang I'm not complete (naks!) Nalayo na naman ako sa piling niya noon. Pero iba yung siya yung umaalis at nagbabakasyon o kaya naman ay mag inaasikaso sa kung saan.
Di ako panatag. Kumbaga sa magulang, nag-aalala din ako pag di pa umuuwi ang anak nila. Parang teenager din yun eh. Di marunong magtext kung nasan. Di rin marunong magpaalam.
Naalala ko pa nung unang nagdecide ako na lumayo at maging independent. Abut-abot ang pangungunsensya niya sa akin. Habang medyo nashoshock ako sa nakikita ko sa paligid (sa Mcdonalds bandang Harisson Plaza) na may palakad-lakad na 3 baliw. Nagtext siya noon. Kumusta daw, asan daw ako. Sabi ko ayos lang, kumakain. Sabi niya, "sabagay, masaya ka naman na malayo sa amin." If I know iiyak iyak yun nung time na yun kasi nawala ang kanyang cute na anak.
Bumalik din naman ako. Di kasi maganda yun unang try ko sa pagpapaka-independent ko. Sumunod, naging matagumpay naman ako sa plano, yun nga lang after 3 months pinauwi ulit ako dahil may inioffer siyang di ko matanggihan. Ang bumalik sa kanyang piling with pay he he he.
Minsan ang mga mother medyo parang GF din yan eh. Kelangan lambingin. I-date, mapaimpress, regaluhan, buhusan ng panahon at atensyon. Tama lang naman. Kasi nun bata tayo, kulang pa yan sa binigay nila.
Ang Mother Dear ko, kahit may pagka-kakaiba talaga, love ko yan! Lalo na pag nililibre nya ako ng kain sa labas. Pag siningil ako, binabawi ko na ang sinabi ko. Joke lang!
Advance happy mother's day sa lahat!
*nawala ako sa mood magpost may tumawag kasi nasira ang concentration ko :P
Di ko maisip ang title...
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsMarami akong gustong gawing topic for this post pero di ko mapili talaga kung ano. Pero hayaan natin at kusang lalabas yan.
Habang nag-iikot-ikot sa blogosphere, nahagip ng malabo kong paningin ang "Patay Gutom Bloggers." Syempre, usyosera ako, ni-Google ko talaga siya para malaman ang kasagutan (bukod pa syempre sa mga blogs na nakitaan ko na ng ganitong chismis. Heniway, it's another panlalait at pananakit ng damdaming post about bloggers (na patay gutom nga daw.) Wala akong idea. Di ko masyadong papatulan kasi di naman ako apektado. Isa pa puro Ingles ang usapan, duduguin lang ako. Hirap na nga ako sa blog ko sa paunti-unting English tapos makikipagsabayan pa ako dun. Wag na lang!
Pero, masabi ko lang, sana ayusin na lang yung term. Ako nga din malamang nakakasakit din ng damdamin--sa blog man o hindi. Walanghiya ako eh!
May sumigaw. Libre yun kaya di ko siya pagbabawalan sa sinabi niya. Malamang nasaktan. Sorry pero tulad ng nasabi ko, sandamakmak na pasintabi ang ginawa ko para lang di magalit sakin ang mga Bisaya at kapwa ko Pinoy ako, Pinoy tayo. Sa kaalaman lang nga mga nakabasa ng "Bakit Nakakatawa ang Bisaya?" Ilang kaibigan, kakilala, ka-chismisan, ka-ym, at kung sinu-sinong tambay pa ang tinanong ko at pinabasa bago ko maipost ang bagay na yan. Sabi nila ay okay lang. Pero okay lang din na may mag-react. Ayos lang. Wag lang sana akong ma-dyaryo. Mahirap. Di ako ready na maging sikat tulad ni Chip Tsao o ni Carlo Ople (Kung sino sila, itanong mo kay Soriano!). Peace!
Nung tinupad ko ang aking pangarap na mabuo itong kletmakulet.com, medyo nahirapan ako na magsimula, naging takot ko ang mapanuring mata ng mambabasa at kapwa blogero sa WWW. Marami na din kasing naging issue tungkol sa mga article, post, o entry ng isang manunulat na ikinagagalit ng mambabasa. Honest lang sila (manunulat), honest lang din ang mambabasa. Pero siguro nga yan ang risk ng pagiging blogger. Malait, mapuri, tawanan, iwasan, pagalitan, saktan, pag-chismisan, pansinin, isnabin, bastusin, murahin at kung anu-ano pa.
Masasabi ko nga na parang ansarap ibalik yung time noong wala pang masyadong blogger at di pa kilala masyado ang blogging industry (kung yan man ay tamang term para sa mga bloggers parang music industry o showbiz.) Nakakamiss din ang AR-ES-DI (isang diary na parang blog na.. basta...) dun kasi tago, pwede mong sabihin ang gusto mo. Sarap magbaliw-baliwan. Dito, katakot, madali maisumbong ni Manong Google sa naghahanap at nagtatanong sa kanya. Si Google din kasi ang nagsumbong sa nanay ko na may sama ako ng loob sa kanya noon.
Pero para saan ba ang pagboblog? Di ba't nabuo ito para sa lahat ng maaari mong maisip na gawin, isulat o ikwento. Pwede kang magbusiness, mag-chismis, ma-chismis, magkunwaring marunong magsulat (writer kuno), blah... blah...blah... pero ang pinakamahalaga sa lahat ay ang maging totoo sa sinusulat mo. Sabi nga, walang basagan ng trip!
Di ko alam kung san pa tutungo ang post ko, wala akong maisip na title, wala din akong focus. Wala. Gusto ko lang magblog. Bat ba?
Sa kaalaman ng lahat, isa akong patay gutom. Founder nga ako ng samahan namin. Ang Patay Gutom Foundation (PGF-2003). Baka nais nyong sumali. Matagal na nga lang itong nabuwag kaya wala din.
Hay! Ang hirap ng gutom!
Martin's Rendition of Lupang Hinirang
Posted by: Klet Makulet, 4 commentsDi ko napanood ang pagkanta ng mga national anthem ng Britanya, Amerika at Pilipinas dahil nga sa nakikinood lang kami sa internet ng libre at naputol pa kaya mismong round 1 na ang nasimulan namin.
As usual, usap-usapan nanaman ang kumanta at ang pagkanta ng napiling artist na umawit ng Lupang Hinirang. Sabagay, sabi nga nila, you cannot please everybody.
Napag-alaman ko na lang na may issue pala sa klase ng pagkanta ni Martin Nievera dahil iniba daw ang tono at tyempo. Kumbaga total makeover ng pambansang awit ng Pilipinas ang ginawa.
Panoodin dito upang malaman mo kung ano ang sinasabi ko:
Youtube ni 08bOgArT yan. Salamat!
Anong masasabi mo?
Di ako magaling sa pagcriticize ng mga kanta at lalong wala naman akong karapatan na manlait o magmagaling tungkol diyan. Pero maraming mga Kapwa Pinoy na di nila maiisantabi ang kanilang puna at reaksyon sa bagay na ito.
May nagko-congrats may nagagalit, may nanlalait, may nagmumura at matindi pa ay nakikipag-away. Try nyong magbasa-basa sa Youtube ng mga comments at meron pang nagsabi na mas okay pa daw na nakalimutan ang lyrics tulad ni Christian Bautista kesa sa ginawa ni Martin. Nariyan pa ang pagpapapublic apology dahil sa ginawa niya.
Nanganganib pang makasuhan si Martin dahil sa pagbabago diumano ng paraan ng pagkanta ng Lupang Hinirang. Ayon sa NHI or The National Historical Institute, di nila nagustuhan ang paraan ng pagkanta ni Martin.
Eto pa ang sabi sa batas: "Lupang Hinirang" should be sang like a marching song. The Republic Act 8491, Sec. 37 futher states: "The rendition of the national anthem, whether played or sung, shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe." Furthermore, the law also states that "Any person or judicial entity which violates any provisions of this Act (Republic Act 8491) shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than Five thousand pesos (P5,000.00) not more than Twenty thousand pesos (P20,000.00), or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment."
Dagdag pa, di daw nila inaprubahan ang rendition na ito ni Martin na tulad ng nakalagay na NHI approved daw ito.
Hala ka Martin! Wehehehe.
Sa panig naman ni Ginoong Nievera eto ang kanyang sinabi sa isang intervie: "Well, it's gonna be hard for me to apologize for something that I am not sorry for. I did not ask to do the anthem. Manny Pacquiao himself asked me to sing the national anthem.
"It was my honor to be blessed with this awesome responsibility and I have no one to apologize to because Manny asked me to sing this song. Obviously, he wants me to sing it the way I would sing it. I didn't change any of the notes. I did not make it R&B," he explained.
Susunod na labang NHI vs Martin Nievera sa korte!
Marley & Me
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsKakatapos ko lang manood ng Marley & Me. Badtrip talaga! Sumisinghot-singhot pa ako at medyo matatanong ako bukas kung bakit ako umiyak. Kainis!
Totoo nakakaiyak ang palabas lalo na kung makaka-relate ka sa palabas at may aso ka din na kasing kulit ni Marley.
Last 2007, nagkaroon ako ng tuta. Mukha siyang daga. Nanginginig pa siya nung sinundo ko siya sa Manila (Galing ako ng Lucena) at papunta kami ng Nueva Ecija. Imagine, she spent her first day with me sa loob lang ng van. Travel galore ang bruha.
I named her Poknat kasi napansin ko may 3 maliit siyang poknat sa ulo. Real name niya (given by her donator) ay Angelicum. Napakahabang pangalan para sa aso. Poknat is much better.
Anyway, ayokong bumaha pa lalo ng luha ngayong nagpopost ako. Gusto ko lang sabihin na pinaalalahanan lang ako ng movie na Marley & Me na maikli lang ang buhay ng aso. I just hope that she can live long. Longer than 14 years. Pwede bang mauna muna ako?
I remember our other dog, adopted Rottweiler, Goku. He looks old. I first called him Lolo kasi super payat and mukha talagang matanda na. Mga nagrerange ang age niya from 5 to 6 years old. He's big! German Rott daw kasi kaya mas malaki ang built kesa dun sa Rott ng pinsan ko.
When he passed away, I really cried. Before that, naghihingalo pa siya and I was watching him. Praying and whispering that kaya pa niyang di sumama kay kamatayan. Kakagising ko lang nun and they told me that Goku is dying.
According to my mom, somebody throw something na nakain niya. Dahil playful si Goku, anything na itinatapon sa kanya ay either toy or food. Sabi nila medyo sharp daw yun nakain niya and yun ang naging dahilan ng death niya.
Ilang weeks din bago ako naka-get over. Hanggang ngayon, pag naaalala ko siya nasasad ako. :(
Like nung bago lang si Poknat, nagsuka siya and naging matamlay. Tulad niya, naging matamlay din ako at pumayat. Lahat ng pwedeng iinject sa kanya ipinikit ko (kahit mahal) wag lang siya ma-deads.
Marley & Me... Poknat & Me... Parehong pareho wag lang muna yung last part. Di pa ako handa. 2 years old pa lang siya. We still have a lot of years to share.
Medyo naging pabaya lang ako this past few days..weeks... di ko pa siya napapaluguan. Namimiss ko tuloy siya sa tabi ko. She was sleeping with me nung super liit pa niya. Ngayon ang laki na. Mamaw na!
I love her. She knows that!
May friendster nga pala si Poknat at may Youtube account wla pa lang masyadong laman. Di ko na nagawan si Goku para friends sila ni Poknat hehehe.
More stories about them soon.
Maling Commercials
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsAng mga kabataan ngayon ay exposed na sa television. Kahit pa itago mo ang remote, i-lock mo ang adbox at kahit alisin mo pa ang cable, alam na nila kung paano maaayos yun para lang mapanood ang paborito nilang palabas.
Maaaring minsan ang pinapapanood lang sa kanila ay mga good cartoons pero ang mga commercials naman ay di mo maiiwasang di nila makita.
Di naman sa nagoover react. Nagtataka lang ako kung bakit ganun pa ang ginagawa nilang klase ng commercial. Mga commercial na kabaligtaran o mali ang itinuturo.
Kilala ninyo si Santino? Bago pa siya naging kasama ni Bro (Jesus) sa "May Bukas Pa" ay nakikita na natin siya sa Tide commercial. Sinasabi dito na ang "isa ay higit sa dalawa" na mali naman. Sinabi naman na sa paglalaba, pero ang mga kabataan ay di naman ganun kadaling nakakakuha ng logic noon.
Isa pang di magandang mapanood ng mga bata ay ang bagong commercial ng LBC kung saan si Edu Manzano ay nagpapa-spelling bee at pinapa-spell niya ang word na "remittance." Naalala ng bata ang ginagawa ng parents niya na nagreremit sa LBC kaya ang sinabi niya ay L-B-C! At sinabing tama ang sagot niya. Tama ba yun?!
Ilan lang yan sa mga maling commercial na dapat di pinapabayaang mapanood ng kabataan. Kaya madaming bata na kung anu-ano lang ang natututunan kasi mismo commercial, kahit maikli lang, mali naman ang itinuturo. Dapat may Parental Guidance din sa mga ganun.
Iwasan ang tugtog na emo...
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsDi ako against sa mga emo. Emotional man o EMO look or ano pang EMO meron sa mundo. Basta gusto ko lang i-share. Ba't ba?!
Una, ano ba ang emo? Ayon kay Wikipedia:
In recent years the popular media have associated emo with a stereotype that includes being emotional, sensitive, shy, introverted, or angst-ridden.It is also associated with depression, self-injury, and suicide.
Since medyo naging busy ako sa ibang mga bagay, nalimutan ko na ang mga bagong tugtog at napapako na lang ako sa mga lumang kanta. At usually, mga upbeat lang o kaya ay mga OPM lang ang napapakinggan ko.
Last time, AZ was playing a playlist of songs na di ko pa talaga naririnig. It was raining then, grabeh! Nakakadepress!
Sabi ko sa kanya, "Ano ba yan?! Ang bigat sa dibdib!" with matching hawak sa chest. Tawa lang siya.
Pramis! Ganun pala yun! After mo makinig ng mga emo songs parang nadadala ka na nakakadepress. Sabi ko, next time wag na siya magpapatugtog ng mga ganun na buong playlist. Pwedeng alternate. Ayoko kasi ng medyo lonely-lonely ang effect. Nagiging gloomy ang araw ko.
Kung maaari... Iwasan ang tugtog na emo...NAKAKADEPRESS!
Si Call Girl
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsWala akong lablayp pero may espesyal samwan ako (landi!) Ahem! Syempre kumbaga sa pagkain laging may espesyal na klase tulad ng special ensaymada, special palabok, special kare-kare, special halo-halo (mga ganun!)
Kahapon, habang nagkukutingting ako at nagsusurfin' USA ako sa net, biglang nag-ring ang aking phone. Di ko kilala ang number. Kapag di ko kilala ang number, usually di ko sinasagot o pinapansin lalo na sa text at walang pagpapakilala. Pero medyo naintriga ako. Naisip ko baka si ANO ito. So, inaccept ko ang tawag pero di ako nag-hello. May pagka praning kasi ako eh kaya ayokong sumagot talaga ng di ko kilala ang tumatawag.
Babae ang nasa kabilang linya. Tawagin natin siyang si Call Girl. Eto ang natandaan kong usapan (di ito eksakto.. maaaring may dagdag-bawas)
Call Girl: Hello? Helloooo...
Klet: (after mga 5 seconds) Hello...
Call Girl: Hello, can I speak with ANO.
Klet: (Nagulat...napa-isip kung bakit sa akin tumatawag ang hitad) Ah.. eh..(di ko masabi na di naman dito nakatira si ANO at bakit sakin hinahanap)...wala siya.. nasa work. Who's this?
Call Girl: Ah si Call Girl po.
Klet: (medyo di ko kasi maintindihan ang pangalan niya kaya..) Call Gay?
Call Girl: Call Girrl..
Klet: Colgate?
Call Girl: CALL GIRL
Klet: Ahh Call Girl...Bakit kaya? (syempre since tumawag siya, pwede akong magtanong at di naman niya alam kung sino ako)
Call Girl: Ah friend niya po ako. May itatanong lang po sana.
Klet: (Friend pala ha!) Wala eh... panggabi kasi siya...
Call Girl: Sa Globe po ba siya?
Klet: (Mausisa din ang bruha ha!)Hindi..
Call Girl: Sa Alabang?
Klet: Di, sa Makati...sa TUUUUTTT
Call Girl: San po dun?
Klet: (Malay ko!) Ahm sa TUUUUUUTTTT...
Call Girl: Ah ganun po ba? Sige po tatawag na lang po ulit ako
Klet: Ah ok (Ako pa din ang sasagot sa iyo bwahaha!)
After noon, napaisip ako. As in super isip at madaming tanong. Nagkamali kaya si ANO ng binigay na number o sinadya niya? Bakit kaya tumawag yung call girl na yun? Friends sila, o feeling close? Type kaya ni ANO yun o yung girl ang may type kay ANO? Ano kaya yung itatanong? Tatawag pa kaya siya? Ano kaya ang iisipin ni Call Girl kung malaman niya na napakalayo ng tinatawagan niya? At etcetera etcetera pang mga tanong...madami!!!
Nakakatawa na nakakainis at nakakatuwa. Nakakatawa kasi di alam ni girlash na wala talaga ang hinahanap niya. Nakakainis kasi syempre bat hinahanap niya si ano (pero di ko siya bi-ep ha wakokokokok wla lang! chikret!!!!) At nakakatuwa kasi feeling ko iniisip niya ako hahaha joke lang!
Kanina, nakausap ko si ANO. Sinabi ko na may tumawag, GF niya sabi ko. "Ano ka ba?" sabi niya... sasagutin ko sana ng "TAO! Baket di mo ba alam yun?" pero wala lang ang sagot ko (kunwari di ko alam na tao ako) Anyway, napagkwentuhan namin si Call Girl. Sabi ko mukhang may type sa kanya (kasi tumatawag wala naman matinong reason.. kunwari lang yung magtatanong... bolahin niya ang lelang niyang kulubot!) Di daw niya type yun. Yiheee!!!!
Kung sino si Call Girl, nakasama daw niya ito sa isang training sa call center. Nagkapalitan siguro sila ng number kaya keep-in-touch ang drama ng lola. 3 weeks din daw kasi silang nagkasama sa training kaya medyo parang friend-friend pero di niya close kasi lalake ang gusto niya ahay! joke lang! Lalake ang mga friends ni boylet. Naging usapan daw kasi nila na "nobody's gonna left behind." So baka daw inaalam lang kung may work na siya at baka magpatulong (Talaga lang ha?!) Anyway sinabi naman niya na wala siyang masamang intensyon sa pagbibigay ng number ko. Nakasanayan lang niya siguro na number ko minsan ang binibigay kahit walang dahilan. Yihee!
Tinanong ni ANO kung ini-English daw ba ako. Sabi ko "hindi"... "Subukan lang niya kundi, makakatikim siya ng katarayan ko" Alam kasi ni ANO na naiinis ako sa Englisera na di naman maintindihan. Kasi siya Englisero na di maintindihan kaya ayun!