Last week Eds and I went to SM just to buy some stuffs that we're going to use for the Alumni Homecoming. After we had eaten our lunch and buy the things that we need, she told me she want to go to the Lotto station.
We went there. But according to the lady in-charge, offline daw yung lotto. Feeling swerte, at ako din kinakabahan na parang mananalo siya, I told her to buy some scratch cards.
Prizes from those scratch cards can be claimed instantly. Scratch mo lang yung card then pag nakkapag-match ka ng 3 klase ng symbols o amount, panalo ka na.
Ang mga mapapanalunan ay:Mega Money – win up to P200,000 cash prizes
RedHot7’s – win up to P77,777 cash prizes
Gold Rush – win up to P200,00 cash prizes
Double Dollars – win up to P200,000 cash prizes
Fast Cash – win up to P250,000 cash prizes
Over P300 Million in cash has been won!
She bought 2 cards. Turo ako ng turo (ang kulit ko kahit di naman match yung amount hehe). Tama ang kutob ko panalo siya! Yehey!!!
Scratch ulit, walang prize. Lam nyo kung magkano napanalunan nya? Super laki! 20 pesos lang yung card. Nakabuo siya ng 50 pesos! Bumili siya ng 2 card so kumita pa siya ng 10 pesos.
Naadik yata, ibinili niya yung napanalunan na pera for another 2 scratch cards. Talo. Dalawa pa ulit. Talo pa rin. At habang libang na libang sa paggastos ng pera si Eds ay may isang Ale na lumapit at nakita yata na nanalo si Eds, nakigaya. Di naman siya mukhang well-off so siguro nag-try lang din ng luck. Bumili at bumili at bumili din siya ng cards. Umalis na kami ay naglalaro pa din siya.
Kaya nga di ako tumataya sa mga Lotto, sweepstake, color game, bingo at kung anu-ano pa. Tumaya lang ako dati sa pustahan. Kapustahan ko ang mother ko. Sa halagang 100 pesos, kelangan mapatunayan na hindi Eigenmann ang screen name ni Sid Lucero. Pinipilit ng mother ko na Eigenmann ang surname niya. Sabi ko siya si Sid Lucero. Ayaw maniwala, ayun laglag ang 100 niya har har har.
Minsan nakikipagpustahan din kapatid ko eh. kaso di naman siya good payer kaya ayoko na!
Sa sugal, swertehan lang yan. Sugal nga eh! Kung ilan ang choices, one out of that number of choices or options ang probability na mananalo ka. Parang sa toss coin--2 ang side nya kaya 1/2 ang probability na makukuha mo ang obverse at 1/2 din ang probability na makukuha mo ang probability na makukuha mo ang reverse. Tama?
Parang life, swertehan lang din. Di mo alam kung anong mangyayari pero susugal ka pa din para sa kinabukasan. Isusugal mo kung anong meron ka, minsan kahit yung wala ka (kaya nagkakautang) para lang manalo sa buhay dito sa mundong ibabaw.
Pero may magagawa pa din naman tayo para suwertehin. Gawin ang tama, para di karmahin!
Swertehan lang yan!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsAy! Mali.
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNoong ako ay napadpad sa Manila, nakaramdam ako ng pagka-praning. Sa dinami-dami ba naman ng napapanood at naririnig kong balita at chismis tungkol sa mga magnanakaw, snatcher, holdaper, rapist at kung anu-ano pang masasamang tao na naglipana, ewan ko na lang kung di ka matakot. Pwera kung sanay ka nang mabiktima.
Unang araw na ako ay mag-isa na lang ay todo yakap ako sa bag ko na para bang naglalaro ng basketball na halos ayaw ibigay ang bola sa iba, kahit na sa kakampi. Di exaggeration yun, totoong mahigpit ang yakap ko sa bag ko lalo na pag naglalakad ako sa mataong lugar. Lumalayo ako sa mga kalalakihan at minsan sa mga babae na mukhang di pagkakatiwalaan.
Medyo masama nga na mag-isip ng masama sa kapwa pero para sa akin noon, lahat ng tao lalo na at di mo kakilala ay di katiwa-tiwala. Kaibigan at kapamilya na nga lang ng iba eh nagdudugasan na yun pa kayang di mo talaga kilala?
In short, praning talaga ako. Madaming sitwasyon na talagang napapraning ako ng todo. Nariyan yung pag may lalaki na tingin ng tingin sa akin (di ko naman iisipin na type ako kasi di naman ako kagandahan at wala naman akong malaking dyoga na pagnanasahan) lalayuan ko yun. Pag sumunod o napatabi lang ulit sa akin, medyo praningning na ako nun malamang mapapalakad ako ng mabilis palayo.
Meron din naman na wala akong nakikitang ibang tao sa paligid pero talagang matatakot ako (di dahil sa multo) pero naiisip ko na malamang nakatago lang sa tabi-tabi ang mga kawatan. (Praning no?)
May time din na pag nasa jeep o kahit naglalakad lang tapos magtatanong ng oras, direksyon o kung may kakilalang tao na ganito at ganyan, iisipin ko na agad na malamang dugo-dugo gang yun o mga nanghihypnotize kaya di talaga ako titingin sa mga mata nila. Sasagot lang ako ng minsan pero pag madami nang tanong mag-eexcuse na ako at lalayo (mahirap na baka masimplehan pa ako.)
Tulad na lang kanina--kakagaling namin sa isang salon ng sissy-in-law ko dahil nagpa-hair cut sya at pedicure at ako naman ay manicure and pedicure. pagkatapos namin sa F Salon, pumunta kami sa katapat na Dunkin Donut at bumili ng pasalubong si SIL (sissy-in-law) at pagkatapos ay lumabas na kami para hintayin si kuya na susundo sa amin. May isang lalaki na lumabas ng Dunkin at tumabi sa amin. Lumayo ako ng konti. Medyo "parang" lumapit ulit siya ng konti. Sinabihan ko si SIL na itabi ang gamit at baka ma-snatchan. Sabi ko pumasok muna kami sa loob ng store (Dunkin) kasi medyo naprapraning na ako sa mamang lalaki na kalapit namin. So pumasok kami. At akalain mo, pumasok din sya after 10 seconds! Garsh!
Medyo sinabihan ko na ulit si SIL na parang sinusundan kami. Pumunta siya sa counter at aktong may bibilhin. May bata sa tabi nya, kinausap niya. ANAK PALA NIYA! Ampf! Kasama pala niya ang family niya at nagpahangin lang sa labas. Grabe! Ay! Mali!
Aral mula sa istorya:
(Ayon nga sa mga jokes) "Don't judge a book if you are not a judge"
(Ayon naman kay Melanie Marquez) “Don't judge my brother, he's not a book”
Pero ang pinakatatandaan.
Wag basta huhusgahan ang lalaki na lapit ng lapit! (by Klet Makulet)
Ibang-iba ito
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMedyo naiba ang kinalabasan ng mga post ko sa pinlano kong mangyayari dito sa kletmakulet.com. Di ako natutuwa pero kahit papaano ay naisisingit ko ang ilan sa gusto kong gawin.
Magulo eh! Parang nakakaloko. Dalas kasi na kung kelan ang mga ideya ay overflowing ay wala ako sa harap ng PC na may internet. Ayokong mag-document muna o magsulat kasi di na natural pag inedit-edit ko pa. Gusto ko kasi ay natural at yun mismong naguumapaw na laman ng medium size kong utak.
May kung ano na pumipigil sa akin. (Ano kaya yun?) Siguro ay ang estado ko sa buhay (sikat? hekhek wish ko lang!) May kinatatakutan ako.
Sa totoo lang, may ilang kelangang ibahin sa paraan ng pagsusulat ko dahil alam ko na darating ang panahon mahahanap ito ng mga taong nakakakilala sa akin. Mga taong maaaring magpatalsik sa akin sa pwesto (GMA?!)
Pero malamang nagpapainit pa lang ako. Kumbaga sa Dutchmill na inumin, patagal ng patagal sumasarap. Parang halo-halo na di pa nahahalo, palalim ng palalim sumasarap din.
O malamang wala pa akong inspirasyon. Asan na ba kasi yun?!
Baka nga di pa ngayon ang panahon na para sa akin. Di ko pa time na mag-shine!
Aba! Akalain mo!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsLalagnatin yata ako. Malamang nilalagnat na nga ako. Lampas ng 39 degrees ang temperature ko. Akalain mong pagkatapos kong mag-blog kanina ay himalang naglinis ako!
It's a miracle! Sabay sisigaw si Nora (Aunor) ng "Walang himala!!!" Weh!
Since umulan, naging bisita ko na ang mga little ants at syempre di ako papayag na makipamahay ang mga little creatures dito lalo na at puro sokolets (chocolates) ang munting kwarto ko at pati pala mga chocolate wrappers na iniipon ko ay prone na sundan ng mga anting anting na yan.
Heniway, ayun nga naglinis ako. Wala akong mahanap na pang-spray. Kasi naman kung saan tinatago ang Baygon ayun nagamit ko tuloy yung spraynet at mga cologne ko na nasa atomizer para lang ma-deadsung ang mga langgam.
Awa ni Lord na mabait (Uber!) Nawala ang mga ants pati na din ang mga kalat sa kwarto ko. Yehey!
Konti na lang pwede nang ilaban sa pinakamalinis na basurahan ang kwarto ko. Wehehehe!
Sabi ko di muna ako mag-iinternet...
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSabi ko kanina kay AZ na di muna ako mag-iinternet o magcocomputer.
Kung titingnan ang buong kwarto ko, ilang buwan ko na itong napabayaan dahil lagi na lang akong nakatutok sa laptop kong mabagal (pero dependable naman!) Di ako nakakapaglinis, nakakapaglagay ng matinong bedding, o makapagtabi man lang ng pinagbihisan o pinagtanggalan ng sapatos. In short barubal na ang kwarto ko (kahit naman nga pala noon magulo na to hehe)
Ngunit, subalit, datapwa't naging marupok ako sa tawag ni lappy toppy. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay binuksan ko na agad ang computer na to at nagdudutdot na ng walang humpay. Naging marupok po ako. Patawad.
Sa isang banda, naging maganda din naman at ako ay maagang makakatulog (siguro) dahil nga nakapagpost na ako (dito lang.) Maya-maya ay haharapin ko na ang paglilinis ng kwarto at baka naman dagain na ako dito.
Yun lang muna at paalam!
Alibangbang
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsIsa sa matinong nangyari sa akin sa Nueva Ecija ay ang may matuklasan at natutunan. Ang malaman kung ano ang "Alibangbang."
Hindi ito yung paborito ng mga kalalakihan na may "bang" o kaya mabahong parte ng kalsada na kilala sa tawag na "bangbang" o kanal.
Ang Alibangbang ay isa palang medicinal plant (Oo! Tama ka at mali ako! Di ko talaga alam kung ano ang Alibangbang not until the day that I laid my eyes on it.)
Ayon sa aking naresearch ito ay galing sa salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay "butterfly." O! Ha!
Ito ay may scientific name na asimus parang paparuru paru-paro! (Mali!) "Bauhinia malabarica"
Ito ay maasim na tulad ng dahon ng sampalok na ginagamit sa mga sinigang at papaitan na kung saan nga ginamit ng nanay ko pandagdag sa sabaw nito. Ahhhhh! Saraaaap! *tulo laway*
Para sa karagdagang impormasyon pumunta lang dito o!
Ang tanong ko na lang ay ano ang "Sitsiritsit?"
After 1 minute may na-research ako... sabi ang Sitsiritsit ay parang pagtawag.. so parang sitsit? as in Pssst? Sagutin nyo nga!
Kwentong Vacation (NE 2009)
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsDapat ay nagtatrabaho ako sa araw na ito pero paggising ko kanina ay para akong binugbog sa sakit ng buong katawan ko. Tatlong araw ka ba namang mag-alaga ng bata na pagkataba-taba ewan ko lang kung di ka talaga sakitan ng katawan nun (bukod pa syempre sa biyahe.)
Wala akong masyadong nagawa sa bakasyon ko dahil maikli lang ang stay namin sa probinsya ni "Mader dir" (mother dear.) Nag-alaga lang kay Mav at nagpaganda ng Lola ko na akala mo magdedebut at naging taga-video sa mga seniors (taray!)
Papunta pa lang...
Umalis kami dito sa bahay ng 4am. Dapat alas-tres kaya lang dahil pag bagong gising yata ay parang zombie na di agad makakilos ng mabilis, ay natagalan kami.
Plano ko nga sana na di na matulog kasi nga nag-iinternet pa ako that time at mga 2 hours na lang ay aalis na kami. Kulang sa dalawang oras ang tulog ko pero nabawi ko sa byahe dahil solo ko ang 2nd row ng van. Nagdala ako ng 2 pillow at kumot. Ayun! Sarap ng tulog ko para lang akong hinehele sa daan. Paggising ko ay nasa bandang Pampangga na kami. Ni hindi ko namalayan ang mga pangyayari sa paligid ko.
Tumigil-tigil ang sasakyan namin para lang sa wiwi-break at kain.
Sa Nueva Ecija na mismo kami kumain pero parang light meal lang yun dahil inaasahan namin na may food na sa bahay ng lola ko pagdating namin. Sa kasamaang palad ay wala palang naka-ready pa na nalulutp (garsh!)
Food break...
Kumain kami sa madalas naming puntahan, ang NE Cakes and Pastries.
Nai-feature na sa TV ang lugar na ito at marami na din itong branches pero di ko na ilalagay dito ang kwentong yun dahil wala akong planong isama pa yun dito hehehe.
Umorder kami ng "papaitan" na matagal-tagal na din namin na di nakakain. Masarap yung papaitan kasi dito sa Nueva Ecija kasi may dahon ng sampalok na dagdag asim sa sabaw (naglalaway tuloy ako dahil naiimagine ko *punas laway*)
May nakuha pa akong tissue na pwede kong idagdag sa aking koleksyon. Yehey!!!
Nagpichur-pichur din kami ng kapatid ko habang naghihintay sa asawa nya at sa nanay ko sa pamimili sa grocery.
Sa Barrio Cabucbucan...
Astig ng name no? Cabucbucan, Rizal. Naisip ko noon, kaya siguro Cabucbucan dahil maalikabok ang daan hehehehe. Di ko pa naitatanong sa mga taga-doon kung bakit yun ang pangalan ng kanilang lugar.
Fiesta nga pala sa kanila kaya nandun kami, aside from panahon ng anihan kaya si mother dear ay kukuha ng kinita ng kanyang makinarya na kilala sa tinatawag na Tilyadora. Ito yata yung taga-hiwalay ng palay sa uhay o sa mismong rice stem. Basta yun na yun!
Di tulad ng mga nakaraang fiesta doon, ito yata ang pinaka-flop na Fiesta nila (o baka nahuli lang kami ng dating.) Kokonti lang kasi yung tiangge na nakahilera sa daan. Di ganun ka-bongga ang mga activities na nakita ko like yung sa Senior's Night ng Lolo at Lola ko.
Senior's Night...
Kakaiba ang oras ng mga Seniors. Yung oras na dapat ay nagpapahinga sila dahil medyo oldie-oldie na eh parang mga bagets ang oras na napili nila. Ang start ng kanilang Senior's Night ay 9 p.m.
15 minutes bago mag-alas nuwebe, naghanda na ang dalawang makiki-party. Si Lola ay suot ang pinatahing gown nya na kulay gold, palay na palay ang arrive! At si Lolo naman ay naka-white long sleeves. Simple lang para sa simpleng bagets.
Syempre, ako ang make-up artist ng Lola dear. Foundation, eyeshadow, eye liner, blush on, lipstick... Medyo inookray pa ako ng Lolo ko at super puti daw ng mukha ni Lola at makapal ang make-up. Medyo conservative po kasi si Lolo, ayaw ng napapansin masyado ang Lola whehehehe.
Wag ko daw siya (Lola) pagandahin masyado at baka kapansin-pansin daw siya doon. Tama nga siya naging kapansin-pansin ang kagandahan ni Lola kasi siya lang ang maganda ang damit at make-up.
Kami ni kuya ang taga-kuha ng picture and video ng gabing yon. Naging masaya kami ng kapatid ko--di dahil sa maganda ang event pero dahil madaming nakakatawang nangyari. Sorry pero nang-okray po kami ng mga dancer, pati si Mayor ay di naka-lusot sa amin. Maiihi na ako kakatawa.
Fiesta means Food...
Pag sinabi mong fiesta, may sandamakmak na kainan dun. Kaya kami ay lumobo lalo sa paglafang. Ako na nagda-diet kuno ay napakain ng madami. Sira lalo ang aking pagpapapayat.
Aside from that (the foods), naka-ready ang isang case ng softdrinks (Coke Litro) para sa amin na di umiinom ng water galing sa pozo. May dala kaming distilled water pero syempre love kami ni Lola kaya di na sya naghihintay pa na magpa-cute kami para lang sa softdrinks. Alam kasi nya na adik kami sa cola.
Uwian na!!!
Parang walang nangyari, umuwi na din kami. Medyo di masyadong comfy ang aking pwesto kasi may dala akong uncle na nakisakay. So move ang mother ko sa tabi ko and one uncle na naki-upo sa pwesto ko. Saklap ng pwesto ko may baggage pa sa paanan ko kaya nakaka-ngawit lalo na sa pwet hehe.
So ayun nakarating kami halos 2a.m. na.
Ang haba ng kwento ko pero ang konti lang naman ng nangyari.
Arrival
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsJust arrived. As in literally kakarating lang namin from Nueva Ecija.
Medyo pagod pero eto blogging na agad kasi wala lang. Gusto ko lang
Bukas na or next time na ang kwento. Mamaya kasi papasok pa ako sa trabaho.
Nagcheck lang ako ng site ko saka ng ibang raket. Yun lang! Good night!
Change of plan
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI'm still here (obviously.)
There were some changes in the plan. Just last night, my sissy-in-law informed my brother that her grandma just passed away. So we're like hanging as to who will go with my mom to Nueva.
1. My sissy-in-law will stay here in LC with her family and be on her grandma's wake
2. She'll go with us to Nueva and be back on Monday for the burian
3. I will be the only one who will join my mom
4. Other plans
The only thing I am sure right now is that we'll still be going to Nueva Ecija (all, as in nobody will be left behind.) We're not able to go on the planned schedule (Friday, 6pm) but we'll go by 3am tomorrow(Saturday), and then we'll come back on Monday evening. Maybe I can go back to my work by Tuesday and cancel my 1day (Tuesday) vacation leave.
Until now, I'm trying to configure the gprs or internet connection on my phone. Smart doesn't seem to support my unit (SE S500i.) I asked Ate "O" to load Php30 regular load to my Talk n' Text but I still cannot find a way to connect on the internet.
I tried the SET then sent it to 211. No luck.
Anyway, I'll just use my Globe line, the problem is that I'll be paying big on my bill for this month because of this. I just hope there'll be a cafe or internet shop near our barrio.
* We are also planning, if time permits, to see some of the people who have the same surname as ours. We'll see if they're our relatives.
Nueva Ecija, here I come! (I mean we)
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsIt's been a year when I got hired and as a probi (probationary employee) then, I am not yet allowed to have my vacation leave unless they'll deduct the number of day of absences on my salary. Also, I just can't leave my work just like that (not until now.)
Whenever I think of Nueva Ecija, hot summer days and tiangge registers into my mind. Really hot summer days and nights. My Aguelo and Aguela's old house doesn't have a ceiling. So in the middle of the day, you're like inside an oven being roasted. And I know I'll be back with a burned skin even if I don't go out.
Despite of the hot thingy that I'm going to experience, I will still go there and enjoy my summer vacation. Anyway, that's the only place where I spend my vacation since when I was young and the time to be with my grandparents and relatives on my mother's side.
I miss the people there. By the way, we are from Rizal, Nueva Ecija. I'll be hearing the cute "intonation" they have there. It's contagious. Spend a day with them and you'll easily acquire their way of speaking. Also, some of the natives there speak in Ilocano.
My brother and I usually try to speak Ilocano but we usually end up laughing since we jumble words and phrases. I only know "Anya tinagan mo?" (What's your name?), "Mangan ta" (Let's eat), and some swearing hahaha.
I remember in 2002, when cellphone signal is not yet visible in the barrio, my brother and I used to walk going to the middle of the rice field just to be able to send messages to our friends in the city. I remember raising my hand as if I'm raising a sword. Fortunately messages were sent and lightning didn't strike us. Now, they do have all the cell signals that we need aside from the internet. Sad thing, internet connection hasn't reached the place so I think I cannot post and browse the net for four days. I'm praying somebody will lend us their wireless connection for Globe or Smart or maybe I'll sacrifice paying more on my bill just to get online even if I spend 15 minutes for one super slow page load.
Good luck to me and my family and I do hope we'll get back safe with lots (of sack) of onions and rice as pasalubong... I think I'll be needing a lot of money for my "pasalubong."
My blogs (Noon at Ngayon)
Posted by: Klet Makulet, 1 commentsMga 2002 or 2003 ako nagstart na mag-blog. It was "K" (not her real name :P ) who introduced blogging to yours truly Klet Makulet.
At first medyo praning praning pa ako kasi iniisip ko madaling ma-kuha ang mga ipopost ko sa internet since si Manong Google ay magaling na chismoso sa world wide web.
Back to what I was saying. I think I had my first blog in (Up)said. Maganda sya. Ayos ang mga features. Ang problema lang para siyang isang software na after ng trial period nila (it's like 30 days ata or 3 months..nalimutan ko na) ay kailangan mo nang maging premium member. Alam naman natin na ang premium members ay nagbabayad. Sa isang katulad ko na walang matinong trabaho noon ay di talaga gugustuhin ang magbayad para lang sa journal (kahit naman ngayon ayokong magbayad pwera sa domain na ito hehehe)
So nawala ang blog ko at napunta ako sa blog-city na nadisappoint lang din ako dahil nawala ang post ko. After a month kasi ay nawala ang blog ko. Parang E-mail na pag di ka nag-login ay mawawala ang laman. Kainis!
Sumunod naman ay ang Livejournal. Dito medyo nagtagal ako. Hanggang ngayon nga ay buhay pa ang blog ko doon. Di ko na lang alam kung anu-ano ang pinaglalalagay ko doon.
Naghangad ako ng blog na pwede kong bagu-baguhin ang itsura. Dumating si Pitas sa buhay ko. Naging close kami at naikwento ko ang ilang parte ng buhay ko. Natutunan ko ang mag-ayos ng isang maliit na webbie na kunwari talagang magaling ako.
Then nakilala ko si Tabulas. Ito ang blog na maraming alam sa sikreto ko bukod kay Blogspot na ngayon ay Blogger na.
Kay Tabulas ko nakilala ang iba pang mga blogger. Naging magkaibigan kami online. Yung isa ay makata, ang ilan ay madaldal, iba naman sa kanila ay maangas, may cutie, may senti, may emo at may mga siraulo!
Ilang blog ang nagawa ko kay Tabulas. Naging kwentuhan ko siya sa mga panahong ako ay kinikilig, naiinis, natutuwa, at kung anu-ano pa. Nakwento ko din kay Tabulas ang ilang sama ng loob ko na nabasa ng nanay ko. Patay kang bata ka! Kagagawan ni Manong Google na chismoso.
Ang nangyari noon ay nakapagdelete ako ng madaming mahahalagang post ko doon dahil sa takot na mabunyag ang aking kalokohan. Medyo nagdamdam nga ang aking mother earth, sa palagay ko lang, dahil nasabi ko doon ang ilang hinaing ko sa buhay (naks!)
Di lang pala si Manong Google ang chismoso. Pati na din ang mga kaopisina ng nanay ko na nakahagilap ng nananahimik kong blog.
Dun ako nagsimulang mag-private ng blog. Magtago sa iba't ibang pangalan. Para akong bubuyog na kung saan-saan dumadapo para magiwan ng pollen grains. Kahit si Blogger ay di nakalagpas sa pagkabubuyog ko. Di ko na mabilang ang blog site ko sa kanya.
Si blogger ay naging daan din upang may makuha akong kapalit ng mga pinagkakapuyatan kong post. Minsan nakiki-kopya ako ng laman, bali-baligtad ng salita, (Presto!) may post na ako.
May blog din ako sa forum, ang M!, doon naging baliw baliw ako. Naging outlet ko ng pagkatopak ko na di ko maipost sa kung saan saan lang na blogging services. At home ako sa Mmmm... Yun nga lang di ito naging forever. Nawala ako dun, naitapon ko ang blog ko at muling binalik pero di na nabuksan hanggang mawala na lang at maging read-only.
Hanggang ngayon ay nagba-backup pa ako ng mga post ko doon. Kay Tabulas ko muna ito ipinagkakatiwala.
May Wordpress din ako pero pang-tustos ko yun para sa mga domain ko. Dun ako medyo nagpupundar ng pambili ng bahay at lupa, kotse, alahas, business (CHARING!!!!) Pambayad lang ng domain.
May ilang mga blogging services pa ako na tinry pero nalimutan ko na.
Ang Friendster at Multiply ay medyo inisnab ko ang blog dun, though may isang post ako sa Multiply kung bakit ako nagpost dun. After noon, wala na.
Masarap mag-blog lalo na kung may nagbabasa. Minsan di rin magandang may nagbabasa, lalo na kung masama ang ugali ng nagbabasa at lalaitin ka lang o walang magandang masabi kundi (kumusta ka? heheh nde kanta yun!) mga spam lang o kabastusan.
Ang blogger ay may kinakahiyangang mga Blog sites. Ako hiyang ako sa halos lahat. Di lang halata!
Bakit nakakatawa ang Bisaya?
Posted by: Klet Makulet, 4 commentsUna magpapasintabi muna ako dahil ayokong maging katulad ni Chip Tsao na naging sanhi ng pagtaas ng kilay at pagkagalit ng mga Pinoy sa iba't ibang panig ng mundo. Wala po akong masamang nais na ipahiwatig dito. Ito ay base lang sa karanasang minsan ay talagang di maiwasang nangyayari. Wag po sanang magalit sa akin ang kung sinumang Bisaya na makakabasa nito.
Bakit nakakatawa ang Bisya? Naisip ko ang tanong na ito kani-kanina lang dahil may isang sitwasyon na mula kahapon (April 13, Lunes) ay nakapagpa-isip sa akin ng bonggang-bongga.
Ikukwento ko pero wag na sanang makakarating sa kanya (Pramis?!). Eto ang kwento...Ito kasing "trainee" na unang napasabak sa aksyon dahil sa akin ay may pagka-bisaya ang pagbigkas ng ilan sa mga salita. Di ko naman siya minamaliit. Ang totoo nyan natutuwa pa nga ako sa kanya kasi madali siyang matuto at mabilis kumilos (Oi! Di ako naghuhugas kamay ha! Sabon please! hehe.)
So heto na nga at pinagbasa ko siya, ang "numerical" nya ay "numirikal" at ang "breakfast" nya ay "briykfast." Di naman nakakatawa talaga, nakaka-bother lang. Di ko rin alam kung bakit. Basta I'm sure naiintindihan nyo ako pag may naririnig kayo na taong hindi naman Bisaya pero nabibisaya, medyo nakakawindang pakinggan.
Noong una ay pinabayaan ko lang. Nakamasid at nakikinig lang ako sa kanya. Pero ang masama kasi niyan, ang nakakarinig sa kanya ay makikita mong napapakagat-labi sa pagpigil sa pagtawa, at ako naman itong si baliw na napapagaya din. Ayoko silang tingnan dahil ayokong mapahiya siya at ako at maging katawa-tawa ang sitwasyon dahil lang doon. (Pero pramis natatawa ako. Huhuhuh nakakahiya ako!)
Sa ikalawang babasahin nya, tinawag ko siya. Tinuro ko ang salitang "breakfast" at pinaulit ko sa kanya.
Klet: "Breakfast" ...
Trainee: breykfast...
Klet: "br-ek-fast" ...
Trainee: breakfast... (Ayun! Nakana mo!)
Bumalik siya at nagsimula na... unang banggit "breakfast" (Ayun!) Kulang na lang magtatalon ako sa tuwa (OA!) Ikalawang banggit "breykfast" Ampf! Parang muntik na ako malaglag sa kinauupuan ko.
Kanina lang... Unang banggit "breakfast" ... Aba! natuto din sa wakas (sabi ko sa sarili ko) ... ikalawang banggit... Breykf..... Di na nya natuloy kasi alam nyang mali na sya...at napakagat-labi na lang ako.
Bakit nga ba nakakatawa? Anong nakakatawa sa Bisaya? Tanong na ako mismo ay di masagot dahil aminado akong isa ako sa napapangisi pag nakakarinig ako sa matigas na pagbigkas ng salita. Aminado din ako na hindi rin ako nakakaligtas na mapabigkas ng ganun at kinu-correct ko ang sarili ko. Tinatawanan ko pa nga ang sarili ko (Ang bad!)
Naging mabentang forward sa text at maging basahin sa internet ang English speaking na si Inday. Ang mga mambabasa naman ay na-nosebleed sa pagbasa at pag-intindi dito. Di makapaniwalang may Inday na tinaob pa ang amo sa pagsasalita ng English.
Naging laman din ng mga text messages at kwentuhan ang mga istorya ng usapan ng mga Bisaya isama mo na din ang kwento ng ngo-ngo at mga Bumbay at kung anu-ano pang mga hindi natin nakasanayang marinig na "punto" o accent o dialect o intonation... anuman ang tawag dun.
Ano kaya ang pakiramdam nila na pinagtatawanan ang mga Bisaya? Yung maging tampulan ng tukso pag matigas ang pagsasalita nila lalo na ng English.
Ako man na taga-probinsya ay may punto o intonation din. Nagsi-sing-song kami na parang kumakanta ng kung ano tulad ng mga Kapampangan, Batangueno, Taga-Laguna, at kung saan-saan pa. Kahit nga mga Manilenyo ay may punto di lang talaga sila umaamin.
Pero di nga pala punto ang topic ko dito kundi ang pagkabisaya.
Naisip ko nga (ulit) Kapag ang Bisaya ay nagjoke ng pa-bisaya, matawa kaya ang mga Visayan listeners nya? Parang ang weird no? Siguro di yun bebenta. Pero ang isang Bisaya ay mag-joke na kunwari isa siyang Kapampangan o Batangueno, hagalpakan siguro ng tawa ang mga nakikinig sa kanya.
Siguro nasa nakasanayan na lang yun. Di naman talaga nakakatawa ang pagkakabisaya ng salita. Di lang talaga tayo ( ako, o kami) sanay sa ganun. Kumbaga, kakaiba sa pandinig, medyo nakakakiliti sa isip kaya napapangisi at napapatawa paminsan-minsan.
Paumanhin ulit sa mga Bisayang magbabasa nito. Ako man ay naging "Bisaya" din noong ako ay bata dahil sa lugar na aking kinalakhan noong ako ay super liit pa, ay Bisaya ang salitang gamit namin. Natuto ako noon ng kanilang dialect at nakakalungkot lang na ngayon ay di na ako sanay sa ganun.
Ito naman ay naitanong ko lang... Peace!
Fickle minded blogger
Posted by: Klet Makulet, 0 comments...I was like having second thoughts with my posts.
You see, I have this 5-day vacation from my work and lots of ideas in mind. As I go over with my dashboard I see a lot (I mean A LOT) of drafts hanging and waiting for me to finish each them and hit the "publish post" button.
The first and my real reason is I am running out of words and most especially I'm a trying hard English blogger (pero pwede naman ako mag-post ng Tagalog, maarte lang talaga ako hehehe.)
Also, there is this sudden change of thought or idea of what I'm going to post.
I'm a girl so that explains my fickle mindedness (Yeah! This is the first time I really say that I'm a girl...)Aside from the other reasons that I don't want to post here since I feel like I won't be able to post this entry again if I'm going to force myself listing it all.
So there are a lot of reasons why I can't post.
Wait, I have another reason in mind... lack of time... wait another one, I ... I forgot *tee hee*
So there. I have to publish this or add this to my draft posts hekhek.
Welcome back kuya Daya!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNaks! Where have you been? As if di tayo magka-chat ngayon.
Nice to chat with you again... tagal mong nawala... kala namin nagpakasal ka na hahaha.
Sayang di mo naabutan ang muks nung pasara na sya. Anyway members are still hoping that it'll be back soon.
Ayun lang... para may bagong post hahahah ... welcome back ulit! *hugs* uuuyy payat na! :P
My five-day Holy Week vacation
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI'm home. It'll not be a different Holy Week for me and my family.
We've been spending the five days vacation just to relax, sleeping, surfing the net (most of the time, for me), play Zuma for my mom and tito, take care of my nephew, cook for my family, and of course how can we forget... observe Holy Week in our own little way.
Too bad we didn't have "pasyon" or "pabasa." It has been 2 years now since my aunt went to California for my lola and never went back. I know that we should have the initiative to continue this. I don't have any reason to say.
Well at least we're able to follow the abstinence from meat. I've been trying to do fasting but I always end up eating more since I'm really starving. At least I tried.
I can't abstain myself from the internet... I just can't. Sorry Lord. (;_;)
The earth bag
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSa mga "suki" ng SM Supermarket, alam kong kilala nyo na ang earth bag na ito.
Alam ko din na alam nyo nang madami nang klase ng earth bag (kung ano man ang tawag dun basta earth bag kasi laging may "save the earth" thingy sila) Yun na yun.
Sa last post ko, sabi ko bumili ako ng earth bag. At since kuya Crez is asking for a picture of the bag, then here it is...
When not in use, you can fold it like this, so it looks like a purse.
When you open the bag, its size is approximately 16 (w) x 18 (h) inches. It comes in different colors like blue, pink and I forgot the other colors (hehe churi)
What's good in using it, it is handy, light and cool!
Ubos Biyaya
Posted by: Klet Makulet, 1 commentsAnother "ubos-biyaya" time for me since last week. Kahit broke na ako, buy pa rin!
I am a practical minded person, I try to get my money's worth, make use of the things I have but parang naging kakaiba ako ngayon.
Last week I bought 3 pairs of sandals and 1 bag and take note, hindi pa sale!
Yesterday, I got 3 tees and a pair of jeans.
Now I acquired 3 blouse, 1 earth saver bag, head band.
Aside from that, I spend a lot for food.
How's that?
Lalagnatin yata ako! Ha3x