this on Facebook!

LCIF update after 5 years

Posted by: Klet Makulet,

 Nung June 14 2021, nagblog ako tungkol sa Low Carb, Intermittent Fasting o tinatawah na LCIF.

Ano ang nangyari? Effective ba?

Ang sagot, OO. Super effective. Pero mahirap isustain kung walang masayadong suporta sa paligid. Kaya dinamay ko ang asawa ko sa lifestyle change. Tulad ko, pumayat din sya. Yun nga lang, dala ng tukso at nang nalipat kami ng bahay, napabayaan namin ang aming sarili at bumalik sa regular eating habits namin. Sabi nga sa kanta ng The Teeth na Laklak, "nagsimula sa patikim-tikim" ng sweets at rice. Hindi namin pinilit na gustuhin kasi talagang nasabik kami sa carbs. Hanggang "bisyo'y nagsimulang lumalim. Kaya ngayon ang hirap tanggalin." Kinanta mo ano? Haha.

Dahil nga nagbago ang setup namin nung lumipat kami ng bahay, madalang kami na makapagprepare ng sarili naming food at nakaasa kami sa outside food. Yes, madami naman na dirty low-carb pero dirty pa din. Nakakadagdag pa din yun sa carbs. Kwento ko lang, LBM ang kalaban namin sa LCIF. Pag kumain ng high carb, sigurado sakit ng tyan at pururot talaga! Namaintain naman namin ang fasting, most of the time TMAD (two meals a day) or minsan pag talagang tinamad magluto o lumabas ay OMAD (one meal a day). Ang problema namin sa OMAD, sa samgyup kami nauuwi hahah.

Oh well. Downside, dumoble size namin. Pero ang masasabi ko, kaya naman kung may disiplina. Ngayon naman ay sasamahan na namin ng portion or calorie counting. Hindi deficit kung hindi counting. Hindi rin biglaan kung hindi yung saktuhan lang. Hindi naman kami nagmamadali. Ang gusto namin ay maenjoy lang. 

Kayo, kamusta ang lifestyle nyo? In or out? 


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com