this on Facebook!

Madaling-araw sa McDo

Posted by: Klet Makulet,

 Kahapon, nagutom ako. Madaling-araw yun kaya sabi ko sa asawa ko ay kumain kami sa labas. Mga 4 am yun. 

Dapat sa 7-11 kaya lang naisip namin na mapapamahal kami ng gastos kaya dumeretso kami sa 24/7 na McDo. Habang naghihintay kami ng order, biglang dumagsa ang mga kabataan (lakas maka-gurang ng tawag ko haha) na malamang galing sa bar or kung saan man. 

Napatanong ako sa isip ko. Hindi kaya sila hinahanap sa bahay nila? O alam kaya ng mga magulang nila na nasa labas sila at lasing kasama ang mga barkada. Ang ingay nila. Medyo nairita ng very light ang asawa ko kaya sabi ko "it comes with age." Madali na kami mairita sa konting ingay pero lalo na sa mga bagets na dumating na para bang hindi nila naririnig ang katabi nila at sumisigaw. 

Sabi ko sa asawa ko, kung sa dati kong work, baka nagtaray na ako sa kanila at maingay nga. Pero dahil naexpose na ako sa mga kabataan ng Maynila, parang nasanay na lang ako na ganyan na nga talaga ang mga teenagers ngayon. Parang kebs sa paligid. Pero hindi lahat ha. Alam ko na may mga bata pa din naman na disiplinado, may pakialam sa paligid, at may disiplina.

Teka, parang rant na ng tanders ang kwento ko. Grabe!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com