this on Facebook!

Trip to Puerto Galera

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Nakawala nanaman ako sa hawla at napadpad ako sa Puerto Galera.

Halu-halo ang experience dahil may masaya, kakaiba, nakakapagod, nakakagutom, nakakaubos ng pera, nakakainis, nakakapuyat, nakakasuka at kung anu-ano pang pakiramdam at karanasan ang nagsama-sama at nagsabay-sabay.

DAY 1
Ang mga Activities na naranasan ko dito ay ang trekking na suuuuuuper nakakapagod at halos malagutan ako ng katinuan dahil sa hirap ng pag-akyat at nadisappoint sa inaasam namin na Aninuan Falls. I do understand, may El Niño but we were not informed that the volume of water falling is not as what they've shown on their sample pictures. Talagang umasa kami na ma-eentertain at mag-eenjoy sa makikita. Kokonti lang ang bumabagsak na tubig. When a friend saw our pictures akala nya kanal lang yung falls.

Medyo bumawi naman ng konti sa amin ang activity na ito as we were able to have our pictures as the sun set. Ang gandang tingnan ng araw sa tuktok ng inakyat namin (siguro burol na mataas yun pinuntahan namin o halos bundok na din.) Our first day was very tiring.

DAY 2
Second day, nag-snorkeling kami. Even without the aid of the boat na-enjoy ko ang aking pakikisalamuha sa mga isa na iba't iba ang kulay, laki, taba, at itsura. May starfish na kulay blue violet, corals na red at violet, malamig na tubig sa ilalim at mainit sa ibabaw, malinaw na tubig at marami pang iba.

After snorkeling, may bumabahang food kaso kinulang kami sa water.

Nag-stop over din kami sa isa pang isla at nagpicture taking with our costumes on., May pirates, hawaiian/tahitian, at kung anu-ano pa. Ang gulu-gulo namin habang kanya kanya kami ng kuhaan ng pictures. Iniisip ko ang itsura ko dun sa hawaiian dress na yun, kung kita ba ang katabaan ko o ano.

Hindi na kami sumama sa rock climbing at sa underwater picture taking pati fish feeding dahil di rin naman namin alam ng ka-grupo ko kung saan at kelan yun nangyari.

Midnight of second day was fun, may group presentation kami. pinagpalit namin ng role ang lalake at babae. Dinamitan namin ng male pirates ang mga babae at ang lalake naman ay hawaiian dress at lady dress with matching make up. It was fun! Aundience impact pa lang panalo na kami. Kami nga pala ang champion sa group presentation. Php 3,000 is divided to each and everyone so may tig-150 kami bawat isa.


DAY 3
Last day namin ay medyo naispend namin sa pamimili but before that, mga 6 a.m. pa alng ay nagbabad na kami ng kasama ko sa dagat while a lot of fish were playing around us. Nakakatuwa dahil nakikita ko sila sa tabi ng paa ko and I even call one little fish at OTEP dahil mukha siyang NEMO pero iba ang kulay (black with rainbow stripes) umiikot-ikot sya sa akin at di natatakot na hulihin ko sya.

Naubos yata ang pera ko sa pakikipagtawaran. kahit pa-sampu-sampu at tatlo isang daang souvenirs ay halos libo din ang total.

Mabilis ang byahe pauwi gamit ang malaking bangkang may katig. Natagalan lang kami sa paghihintay ng bus at sa kabagalan nitong umandar.


-----
Sa aming tour guides (Barcode Team), I know its a bit frustrating dahil magulo ang group namin and magulo din ang plans ninyo. We were entertained a bit pero we do hope that next time, be ready with big groups. Siguro hindi pa kayo sanay sa 150 persons. Umasa kami sa magandang service most especially sa food pero marami ang kinulang at yung iba ay di pa kagandahan ang lasa at amoy. But thank you pa din. If ever I will be back, I'll still try your service dahil based naman sa mga reviews ng small groups na nagbakasyon sa Galera with you ay positive naman and result. Thanks again!


Patikim

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

May kung ano na bumubuhay sa aking tamemeng pagkatao. Hinahalukay ang aking isipan at pinaparanas ang pait, tamis, asim, alat, at linamnam ng buhay. Ang matindi pa ay ang di mapaknit na lasa ng bawat salita na patuloy na naglalaro sa isipan.


Ang "Patikim" ni Makoy ay isang di malilimutang paglasap sa kanyang pagkatao. Masarap, malinamnam at halu-halo ang lasa.

Mula sa pagtikim ay patuloy na nagnanais na makaisa pa.

--------------------

Ito ang mga naglalarong mga salita sa aking isip nung natanggap at nabasa ko ang "Patikim" ni Mark Angeles. Isang blogero at manunulat.

Nalimutan ko nang i-post sa blog ko ito dahil sa kawalan ng oras pero nai-type ko sa cellphone ko at sa wakas, nailagay ko na din sa site.

Para sa kaalaman ng lahat, ang "Patikim" ay isang libro ng mga tula ni Mark Angeles. Matagal bago nailimbag ngunit sulit naman nang natapos. Sa mga nais na makakuha ng kopya mag-email lang sa akosimakoy@gmail.com o i-message ako, ako mismo ang tutulong na mapasakamay nyo ang libro. (Murang mura lang)




Nagkita na kami ni Makoy. Salamat at napaunlakan ang aming pag-imbita. Sana sa susunod maka-toma din kita (bahala na) Hanggang sa muling pagkikita. Patikim ka naman!


Eleksyon 2010: Pila Balde

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Uy! Bumoto ka ba ba? Habang may panahon pa, i-exercise mo ang karapatan mo.

Bumoto para sa pagbabago. Kung hindi ka boboto, parang sinabi mo na din na wala kang pakialam sa kinabukasan mo at ng pamilya mo.

~Klet Makulet


Kaninang alas-nuebe sa school na pagbobotohan namin, sandamakmak na papel ang sumalubong sa amin--sample ballot, pamaypay, calendaryo at mga sulat na sinasabi na disqualified si ganito at ganoon.

At sa loob na mismo ng school, hindi magkamayaw ang mga tao. Paano ba naman, bukod sa pagkuha ng precinct number ay kailangan pang pumila ulit para sa panibagong number para makaboto. Dati, pila lang tapos na.Lalo tuloy tumagal.

May singitera pang nagpa-imbyerna ng umaga ko. Tsk. Ayos lang din kasi nakarma din naman sila after noon, kasi di sila binigyan ng number dahil kulang yung info na binigay nila.

Yaiks! Ika-417 daw ako.Goodness gracious naman! halos 10a.m. na pero 100+ pa lang ang nakakaboto, anong oras pa kami? Dahil sayang ang pamasahe at mainit na din naman, tumambay na lang kami ng nanay ko sa gymnasium nung school at naghintay ng turn namin.

Garsh! So matagal ha! At dahil may kakilala si mother dear, sinabing senior na sya at pinasama ako. Nakaboto din kami after halos 4 hours na pagtambay.

Akala ko ganun lang kadali ang mag-shade. Tsk! Pasmado yata ang kamay ko, muntik pa lumampas ang paglalagay ko ng shade. Kinakabahan din ako na baka di tanggapin ng PCOS machine ang balota ko. Buti na lang di iniluwa. Yey!!! Masaklap lang at yung sa nanay ko ang di tinanggap. Ang sabi ko na lang, may binoto kasi siya na di karapat-dapat (nagkamali kasi siya ng na-shade, magkapangalan kasi) heheheh.

Ang sarap sa pakiramdam na nakaboto ako lalo pa at tinanggap ang balota ko.

Tip lang sa mga di pa bumoboto:

1. Ilista na sa kapirasong papel ang iboboto.
2. Alamin ang number ng pulitikong iboboto.
3. Mas maganda kung pagsusunod-sunorin ang number para madaling kopyahin.
4. Wag diinan ang pagshe-shade.
5. Wag ding tagalan ang pagshe-shade dahil lalagpas na ang ink sa bilog na hugis itlog.
6. Iwasang magkaroon ng dumi o marka ang balota (dahil maarte ang PCOS machine, ayaw ng dirty ang papel)
7. Iwasan ding matupi ang balota.
8. Wag manghula, baka mapatapat ang boto sa corrupt na kandidato. (yung iba, ilan lang ang pinipili nila kung di talaga nila kilala ang pulitiko. Di ko lang sure kung advisable ito.)
9. Magdasal na tanggapin ang balota ng makinang bibilang sa boto.
10. Apat na beses pwedeng i-try kung inilalabas ng makina ang balota, ipa-check sa mga guro doon kung may pagkakamali, wag hahayaan na lalagyan agad ng reject. Kapag talagang di tinanggap, better luck next time...at least you tried!

CONGRATULATIONS!

Ipagdasal natin na maging maganda ang resulta ng botohan. Wala sanang mangyaring dayaan. At sana, karapat-dapat ang mga mananalo.

God bless the Philippines!


Ang nanay kong echosera

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Bago ang lahat ay Happy Mother's Day muna sa lahat ng mga nanay sa buong mundo.

Sigurado ko na madaming kwento nanaman tungkol sa kani-kanilang mga nanay at isa na ako sa makiki-sali sa mga magkukwento tungkol sa nanay kong echusera.


Ano ba ang echosera? Mula sa salitang "echos" na ang ibig sabihin ay kasinungalingan.

Ang nanay ko naman ay di chismosa, echosera lang. Yun bang tinalo pa ang ABS-CBN News at GMA News sa pagbalalita ng kasinungalingan. Echos lang.

Madalas kasi nauuna pa siya sa balita. Minsan nga habang nasa trabaho ako ay tumawag siya:

Mama: Hello, patay na daw si Dyogi!

Ako: Ha?

Mama: Oo sabi ni Mariel. Si Dyogi patay na. Panoorin mo.

Eksakto naman at nasa akin ang TV phone ng kanyang boyfriend (echos lang!)

Ako: Mama naman eh! Di patay si Dyogi, Condolence daw at namatayan si Dyogi!

Mama: Eh bakit naka-itim na damit si Mariel?

Ako: Naku naman mother, nakikiramay lang yan. Tatawa ba naman si Mariel kung si Dyogi ang namatay?

Mama: Ganun?

Ako: Wala naman po balita eh.

Naisip ko, di lang pala echosera ang nanay ko, makulit din.

Echosera siya dahil exaggerated kung magkwento. Tulad noong isang taon yata yon noong umuwi sila sa probinsya ng Nueva Ecija at nagkaroon ng aksidente. Tumawag siya sa akin.

Mama: Hello ang tito mo nasunog ang kamay! Nagliyab kasi yung aircon!

Ako: (Sa isip ko bat liliyab yun di ba dapat magbuga yun ng yelo? pero alam ko baka nagmalfunction) Ano?! Nasan na? Kumusta? Nadala ba sa ospital?!! (nagpanic naman ako)

Mama: Hindi. Okay naman siya, nasunog lang ang balahibo.

Ako: Nge. Echos nanaman siguro yan.

Mama: Hindi. Totoo yun!

Ako: Sige na nga po. Titingnan ko na lang yung nasunog pag-uwi nyo (sabay ngisi)

Minsan naman, sa ka-excited-an sa mga natatanggap na benepisyo sa trabaho, umeechos na agad kung magkano ang makukubra nya sa atm card nya.

May thousand-thousand pesosesoses daw sya sa kanyang atm na makukuha. Nagpapa-withdraw ng pera sa akin kaya pilit pinapakuha ang card nya.

Syempre mag-eeffort ako na pumunta sa mall o sa kabayanan para lang makapag-withdraw at para lang makita ko na ang pinagmamalaki nyang libu-libo ay singko-singko lang pala at di mai-wiwithdraw. Hmp!

Sasabihin na lang sa akin. "Ah! Baka di pa naipapadala, yun sa opismate ko kasi meron na."

Eto pa ang matindi, di siya papayag na matatauban (madadaig) siya sa mga kwentuhan namin. Kahit sa sakit!

Ako: Ma, ang sakit ng ulo ko.

Mama: Ako nga din masakit ang ulo ko kanina pa.

Ako: Masakit nga din ang katawan ko, nangalay yata.

Mama: Yung kamay at paa ko di ko na maigalaw sa sakit (ipapakita sa akin ang mga kamay at paa nya) Sakit din ng likod ko.

Ako: (Nakakahalata na sa pakikipagparamihan ng masakit) Masakit ang dibdib ko di ako makahinga. Saka masakit din ang kuko ko pati yung buhok ko masakit pati yung ano ko masakit din!

Mama: Ako din!

Ako: Hmp! Gaya-gaya ka naman eh!

At maraaaaaaaami pang ka-echosan sa buhay. Pero kahit na echosera ang nanay ko, mahal ko siya. Minsan nga kahit ineechos na nya ako, pinapatulan ko na din para matigil na at alam ko naman na gusto lang nya ng konting lambing.

Ganun lang naman ang mga nanay eh. Konting lambing lang pawi na ang mga sakit sakit nila.

Muli Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay lalo na sa aking mother dear. Pasensya na at walang datung ang anak nyo wala akong cake na maibibigay sa iyo ngayon (dadalawahin ko na lang next year :P)


Limang araw ko'y tapos na

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

Ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon lang ako nagpaalam tapos isang pikit ko pa lang ay tapos na ang limang araw kong paglayo sa kalungsuran.


Taunan kami kung umuwi sa bayang sinilangan ng nanay at kapatid ko--ang Nueva Ecija.

Limang araw ang inilaan namin ngayon di tulad dati na apat lang. At sa limang araw na ito, parang kulang pa, parang gusto ko pa pero ayaw ko na din (ang gulo n0?)

Okay payn! Gusto ko pa kasi, ayoko pang bumalik s lungsod. Gusto ko pang i-enjoy ang barriotic life ko dito pero ayoko nang makipag-friends sa mga kulisap sa paligid at hayaan silang sirain ang matagal ko nang sirang skin.

Ano nga ba ang napala ko sa limang araw ko dito sa Barrio Cabucbucan?

Chichabog...
Kumbaga sa adik, sabog na sabog na kami kakachicha. Ilang fiestahan din kasi ang sinugod namin.

Di pa man kami nagtatagal pagdating sa bahay ng lolo at lola namin ay umalis na agad kami papunta ng Estrella para lumamon sa bahay ng pinsan ko na may sofa na may puso (ayon sa pamangkin ko na tinalo pa si Ondoy at Pepeng sa hangin.) At di pa man nalulusaw ang pinaghalu-halong kaning baboy sa tiyan ko ay dumapo na ang pamilya namin sa kabilang ibayo at chumibog nanaman kami. At sa kasamaang palad, nagoyo kami ng kapatid ko at napakain ng mehehe (eew!)

kinabukasan at mga kasunod pang mga araw hanggang ngayon, parang walang katapusan na ang lamunan.

Kati-kati...
Eto lang ang ayaw ko dito. Dati na kasi akong nabiktima ng mga di nakikitang nilalang ni Bro--surot, niknik, hanip atbp., at ngayon ay rumeresbak nanaman sila. Ang mga napuruhan ay ang kapatid ko at asawa nya. Tadtad ang katawan sa butol butol. As usual, di namin alam kung sino ang salarin. Siguro dala na rin ng init.

Napudot...
Mainit! Sobra! Ikaw na ang magkabahay sa kabukiran. Walang shade at di uso ang kisame habang tinatamad ang hangin na dumating. Kahit taun-taon na namin itong reklamo, babalik at babalik kami.


Sagana sa tubig...
Kahit mainit, may pambawi naman ang lugar na ito. Walang el niño dito. Sagana sa hydrogen two oxygen ang lugar na ito. Pozo ang gamit at although mahirap din magpump, libre ang water at mayaman sa tubig deepwell ang bahay ni wowa.


Malayo man, malapit din...
Graveyshus sa layo at tagal. More or less 30km ang nilakbay namin. Mga dalawang oras lang naman na travel sa rough road paakyat at pababa ng bundok para lang makapaligo sa swimming pool.

Aktwali, malapit lang talaga yun. Inikot lang namin ang kabilang mga bayan dahil sa nasira ang tulay ni Ondoy.

Simple Life resort sa Tugatog, Bongabon, Nueva Ecija ang lugar na pinuntahan namin. Simple ang cottage pero di ang pool.

Rain, rain go away...
Walang katapusang ulan (meron pala). Madalas lang. Kaya sira ang negosyo sa peryahan at ang mga palabas sa plaza. Pero okay na din, at least lumalamig ang paligid.

Marami pang kwento kaso mahirap magtype sa cellphone ng blog at least napakinagbangan ko ang unlimited mobile internet ng Sun. Tenchu!


Limot

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ano ba yan?! Kung kailan may panahon, saka naman nawawala sa isip ko ang dapat kong i-post.

Andaaaaami dami kong idea pero pag0nline ko, limot na.

Hirap nang gumaganda, nakakalim0t lim0t na. He3


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com