this on Facebook!

Huling post

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

I don't want to explain why this will be my last post. i know everybody will understand.

Huling post ko na po ito.

Paalam.


Kalye of Death (repost ulit)

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Isang araw. Si Mario, naglalakad. 
May nakitang limang pisong barya sa daan, 
yumuko, pinulot ang barya. 
Sa isang iglap, si Mario, patay na.


Isang araw, si Ben ay nagmomotor.
Medyo nakainom, susuray-suray na sa pagmamaneho.
Mabilis. Napakatulin. Maya-maya, si Ben, nakabangga na.
Siya naman, sugatan, duguan, at nagkanda-bali na ang katawan.

Isang araw, si Nene, kasama ang kanyang mga kaibigan ay naglalaro ng habulan.
Masaya sila kahit na nangingitim na ang manipis pang mga balat at pinagpapawisan.
Bigla-bigla na lang, mula sa kanto, isang truck nawalan ng preno.
Animo lata lang silang sinagasaan.

Isang araw, doon sa kanto. Si Aling Matilda ay pauwi na.
Kitikitext pa ang lola sa bagong Blackberry nya.
Si Tonyo, na noon din sa kanto, sabog sa bato, na-ispatan si Aling Matilda.
Nawala na ang Blackberry nya, tagiliran nya ay butas pa.

Isang araw, sa tapat ng bahay ni Maria. Kakahatid lang ng boyfriend nya.
Isang grupo ng lalake ang biglang nang-trip.
Di agad makasigaw si Maria, halos himatayin sa nakita.
Ang boyfriend nya ay nag-aagaw-buhay na, pera't alahas nila, nanakaw pa.

Isang araw, sa buhay ng tao.
Sa Kalye of Death mami-meet ang iba't ibang klase ng tao.
Ang tinuran ay ilan lang sa mga karaniwang pangyayari.
Kahit anong ingat, agimat at pag-iwas, walang magagawa kung si kamatayan ay handa nang bumawi.



-----------------------------

Kanina pa naglalaro sa isip ko ang mga bagay na yan.
Walang magawa kaya utak ko ay biglang napatula.





---------------------------------------------------------------------------------------
Post ko ito noong ika-15 ng December 2009. Still, umaasang mapapansin ni Kasintahan (ni Gillboard) at si Gillboard mismo .... :P Hayok much? hahahha


Sa Jeep: Ang mga pasahero (repost)

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Araw-araw, gabi-gabi, iba't ibang tao ang nakakasabay ko sa iba't ibang jeep. Merong mukhang di makapatay ng lamok sa payat, merong halos kumain na ng pang-tatlong taong upuan ang isang pasahero, may nakakasilaw ang puti sa sobrang bleach, may durong (sobrang) itim na mas maputi pa ang anino, may mabango, may mabaho, may bagong gising, may kulang sa tulog, may A(H1N1) virus na carrier (mukha lang), mukhang addict, mukhang holdaper, mukhang rapist, bading, lesbian, manyak, exhibitionist (mga nagpapakita ng maseselang bahagi), matanda, bata, sanggol, malapit nang matepok, nakapatay, mahilig mag-1-2-3, may kuto, may uban (buhok na puti), may putok, may galis, may alipunga, amoy isda, amoy baka, amoy kambing, amoy tae, amoy alak, amoy pusali, amoy anghel, amoy bad breath, amoy baboy, korteng baboy, bungal, puro ngipin, maganda, pangit, uhugin, mukhang showbiz, newscaster sa local na telebisyon na di naman masyadong kilala pero feeling nya sikat sya wala naman pumapansin, may kulangot sa ilong na di napapansin, may muta, may bakas ng laway sa pisngi, may tinga pa sa ngipin (nakikita pag nagsasalita o ngumingisi), maitim ang singit (bubuka-bukaka kasi), may lalaking di mai-tiklop ang hita kasi mababasag ang egg.... na binili, may mukhang tao, mukhang hayop, mukhang pimple na tinubuan ng mukha, at mukhang pwet...iba't iba. Ilan diyan, malamang, nakasakay mo na.



I hate you Gillboard!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Dear Gillboard,

Yes, this is a hate blog post. I hate you.


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com