Okay. It is now our second day of "no rice" meals but still, I cannot call it as a strict or a real "low carb diet" as my husband and I tried to eat a couple of servings of chicken macaroni pasta on the first day, and French fries today. However, we were able to have our usual intermittent fasting (16-8) and the no rice meals.
I know this will be a bit hard for both of us but it is better to start than never. I decided to ask my husband to join me in my #BalikAlindogProgram as I have been doing the LCIF before, nadapa lang. Meaning, I gained my lost pounds in 2019. Should I say, "pandemic made me do it!"
So, yeah, I am back on track pero hinay-hinay lang dahil iniiwasan ko ang dating naranasan ko. Kasi dati, on my third day na binigla ko ang sarili ko ay nagka-keto flu ako which is a big NO-NO lalo na ngayong may pandemya. Mahirap mag-isip kung Covid ba ito o keto flu lang.
Bakit LCIF? Basically, hindi strict LCIF but hoping na soon, maging strict din kami to keep ourselves healthy and syempre ma-hit din namin ang goal weight namin.
Healthy ba talaga? The answer is yes and no.
Yes, kasi less ang carbs and less ang sweets. No, dahil hindi namin maiiwasan yung high fat diet (sa ngayon).
Anong effect? Based on my experience before, ito ang ilan sa mga naging benefits:
- Nawala ang GERD (Gastro-Esophageal Reflux Disease) ko. Isa sa pinaka-ayaw kong naranasan ko noon ay ang magigising na lang na hindi makahinga dahil yung stomach acids ay nagbackflow na sa lalamunan ko hanggang ilong ko. Super hapdi sa ilong at lalamuna nun lalo na kung hindi naagapan. Andun yung parang akala mo mamamatay ka na dahil hindi mo alam paano ka hihinga nang may acid sa lalamunan mo at nakasara syempre ang daanan ng hininga mo.
- Naging regular ang menstruation. Although hindi ako officially sinabihan ng doctor ko na may PCOS ako but yung mga symptoms ay same sa akin, naisip ko na baka yun na nga ang nararanasan ko. Kasama na dito ang pag-itim ng batok (kahit nililinisan naman ito), pagtaba at hindi mabilis pumayat, 2-3 months na walang period etc.
- Less antukin and mas energetic at magaan ang pakiramdam. Bukod sa gumaan syempre ang timbang
- Mabilis na akong mabusog kahit one piece of meat pa lang ang kinakain ko.
- Less sakitin.
- Nawala ang back pain ko na parang may slip disc ako (sa sobrang bigat ng katawan ko ay hindi na kaya ng likod ko na i-support kaya sumasakit.
- Nakakainom na ako ng kape na hindi ako nangangasim
- Basta hindi ka maarte, makakatipid ka.
- Di ako magsisinungaling, pero minsan magsasawa ka din kahit na napakasarap madalas ng kakainin mo na parang di ka talaga nagdadiet. Ang nakakasawa kasi dito ay medyo may mga limits din talaga tulad ng hindi ka pwedeng mag-bread unless kailangan mo na low-carb bread.
- May mga certain food na dahil nga low carb ay medyo may kamahalan. So mag-stick ka na lang sa medyo mura. Pero sabi ko nga, kung hindi ka maarte at hindi ka naman mapaghanap sa pagkain, makakatipid ka din naman.
- Pag nadapa ka, meaning nakakain ka ng mataas ang carbs, back to zero ka uli. So either, mahirapan kang bumalik o mawawala ka sa focus.
- Masakit sa tyan pag kumain ka ng matamis. As in isusumpa mo ang asukal o kaya ang mga kakanin sa mga panahong ito. Parang karma mo na din dahil kumain ka ng bawal. Hahahaha.
- May pagkakataon na hindi ka makakain sa party dahil mataas sa carbs ang mga nakahanda.
- Napapagkamalan kang maarte kasi mapili ka sa food. O kaya mapagkakamalan kang diabetic kasi umiiwas ka sa asukal.
- Napapagalitan ka dahil akala ng mga kasama mo na ikaw ay namamapak lang ng ulam hehe.
- Mahirap mag-isip ng iba pang food lalo na kung strict ka din sa budget.
- Magbasa-basa ka muna. Anu ano ba ang dapat at hindi dapat sa ganitong klase ng diet.
- Pakiramdaman mo ang sarili mo at tanungin kung handa ka na ba? Handa ka na bang iwasan sina sugar, bread, at rice?
- Maganda din na may goal weight ka para may extra push para mamotivate ka lalo. Malaking tulong din na may nakikita kang mga pictures at mga testimonials ng mga nag-LCIF.
- Maganda din na talagang sumampalataya ka sa ginagawa mo dahil kung hindi, mawawala ka din sa focus.
- Ask a friend, your significant other or any member of your family to join you. Although kakayanin naman na mag-isa pero iba pa din kapag may ka-buddy ka o kasabay sa ginagawa mo dahil mas nakakapagfocus ka sa goal mo at may babatok sa iyo sakaling madapa ka.
- Ask your doctor lalo na kung may mga sakit ka na medyo nanganganib lalo na sa high fat (although may option ka na hindi ka mag-focus sa high fat kundi basta low carb lang talaga pero low din sa fat)
- Check your budget, hanggang anong klaseng meal plan ba ang kaya mo? So balik ka sa number 1 at magbasa-basa at manood ng mga videos. Siguraduhin lang na hindi katulad ng post ko na ito na medyo hindi strict ang diet na sinusunod.
- Wag mong asahan na bigla kang seseksi o papayat tulad ng iba. Iba't iba tayo ng katawan at kakayanan sa pag-lose ng weight. Maaaring mabilis o kaya naman ay mabagal ang maging results kaya huwag mawawalan ng loob kung sakaling matagal-tagal ang epekto.
Post a Comment