Tapos ko na ang chapter 1 ng thesis ko. Makakapagpahinga ako habang di pa naibibigay sa akin ang resulta ng pang-ookray ng adviser ko. Lampas isang linggo din akong parang zombie dahil sa kulang sa tulog. Tuwing tanghali ay minamadali ko ang lunch ko para lang makasingit ng 30 minutes beauty sleep. Para akong baliw na kinakausap nila. Walang kwenta.
May fire and earthquake drill kami kanina. Andaming bloopers. May mga kunwari ay reporter tapos kumpul-kumpol naman sila. Ang mga tao ay nasa gilid gilid at wala sa gitna ng field. Kung totoong may earthquake malamang naguhuan na ang lahat. Saka kung ako yun, uuwi na lang ako sa amin.
Yung sunog naman, wala na nung dumating ang bumbero. Nalubog pa sa putik ang gulong. Patay kayo kay sister!
May kuha akong video ng kasama ko. Feel na feel nya yung drill. Mula sa earthquake hanggang sa sunog. May pagtago pa siya sa ilalim ng maliit na table at talagang nataranta siya kunwari.
Nagpunta ako sa SM. Kami pala. Sabi ko wala akong pera bukod syempre sa kaka-withdraw ko na pera na di naman pwedeng galawin dahil ibubudget ko pa. Pero nakabili ako ng dalawang compact mirror na wala naman akong paggagamitan. Baboy kasi yung itsura kaya binili ko. Tsk tsk.
Kapag sinabihan ako ng kung ano ang ulam. Aasahan ko talaga na yun ang ulam. Pipilitin kong umuwi ng maaga kahit na ano pa ang aking mga pupuntahan na meeting o gawain. Basta di ako kakain ng kahit na ano dahil nga naka-set ang utak ko sa ulam na pinangako. Tapos uuwi ako na gutom na gutom at malalaman ko na lang na iba pala ang ulam. Grrr.
May mga botohan. Wala lang nakiboto ako kasi sabi bumoto daw ako. Hahaha! Wala favor lang mula sa friend. Ayos lang. Kaso di ko kilala yun binoto ko. Ni hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanila. Yun pala death row na. Hahaha! Joke!
Yun lang!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
July 29, 2009 at 5:57 AM
ako pag sinabihan ng ulam... usually, pagdating ko sa bahay, lulutuin pa lang.. nakakainit ng ulo.. hehe
July 29, 2009 at 3:55 PM
ang sakit nun. :(
-blight
July 29, 2009 at 9:45 PM
salamat sa goodluck. kailangan ko talaga yan.
Nakow. Mas matindi pagdating mo ay wala na! badtrip yun ganun hahaha.
@blight
oo sobrang sakit sa sikmura. inisnab ko ang lahat ng fastfood sa SM tapos biglang di rin pala worth yung pangiisnab ko.
Post a Comment