Medyo gasgas na ito pero syempre gusto ko din alamin kung ano nga ba ang masasabi ng iba tungkol sa "Public Display of Affection" o PDA. Ano ba ang idea nila tungkol dito at hanggang anong level nila kayang sabihin na okay lang ito.
Sa ilang teens na nakausap ko, nagvavary ang sagot nila tungkol sa PDA. May ilan na open naman sa bagay na yun at may ilan na talagang diring diri (kuno) pag nakakakita ng nagpi-PDA.
Sakin kasi, hindi naman maiiwasan minsan talaga na makapag-PDA talaga ang magbf/gf. Yun nga lang dahil sa "pleasure" yun, nakakatempt din to go beyond the limit. Kaya kong i-tolerate yung HHWW (Holding Hands While Walking), akbay, smack (goodbye and hello kiss), pwede na din yung akbay at paminsan-minsang paghawak ng lalake o babae sa lap ng isa't isa (pwera massage action wehehe). Though ayoko na ako yung nasa sitwasyon na gagawa nun, carry kong makita sa harap ko ang simpleng PDA pero yung halos dun na sila gumawa ng kababalaghan ay parang gusto kong i-suggest na dun sila sa lugar na sila na lang para may privacy sila at syempre iwas kahihiyan na din at maging takaw-pansin.
Sorry ha medyo namulat lang ako na medyo may pagka-conservative pagdating sa bagay na yan pero nakakaintindi naman ako sa sitwasyon. Wag lang talagang $3x in public hahahaha.
Sabi nung iba, di daw nila kaya ang makakita ng magka-semi-yakap sa jeep o sa public place (yung isang kamay ng lalaki ay nakayakap sa katawan ng babae o parang akbay medyo mababa lang sa balikat mga bandang bewan o sa balakang na). Meron din na napapa-eww pag nagkiss in public kahit smack lang daw ay nakakahiya na.
Talagang iba-iba ang pananaw at pagtanggap ng tao about PDA. Kahit ako minsan nagbabago-bago din yun pananaw ko. Depende din kasi sa tao. Kung pano nila dalhin yung PDA nila. Meron kasi na parang kahit simpleng holding hands lang eh ang laswa na talagang tingnan. Bakit kaya? Kayo, anong masasabi nyo about this? Anong kaya nyong i-tolerate na makita at gawin?
creepsilog
5 years ago
August 1, 2009 at 3:48 PM
Ingat Klet!!
Post a Comment