this on Facebook!

Matagal, mabagal at magulo

Posted by: Klet Makulet,

Kung hindi ko lang talaga kailangan ang magtapos ng pag-aaral, sana, hindi na ako nagtyatyaga sa school na pinapasukan ko ngayon.

Para lang makapag-enroll ka, kailangan na lumipat lipat ka sa iba't ibang windows na halos iisa lang din naman ang nagrereceive ng papers mo.

example:

Staff1: Sa window no. 21

Student: (lipat sa window no. 21 at si Staff1 din ang tumanggap)

Staff1: (may babasahin. may ibang uunahing gawin. pipirma. tatak.)

Student: Sir yung paper ko po?

Staff1: Alin yun?

Student: Yun pong inabot ko sa inyo kanina para po mageenroll

Staff1: (hahanapin ang papel. Iikot sa kabilang table. papasok sa isang booth. kakausapin mula doon sa booth ang katabi nya kanina sa table nya. Ikot. Ikot) Sa Window no. 1

Student: (punta sa window no. 1. Abot ng papers kay Staff1 na pinirmahan ni Staff1)

Staff2: (may kung anong itinype sa computer. Nagsulat sa papel. calculator. sulat ulit) 5,000 pesos

Student: (nagabot ng bayad)

Staff2: Window no. 10

Student: (punta naman sa window no. 10)

Staff2: (inabot ang resibo with his pirma and all)



Grabeh! Babayad lang ang dami-daming dinadaanan at pinupuntahan! Ang tagal! Ang bagal! Ang gulo!

Kanina nga lang may isang estudyante na nagulat sa kanyang babayadan. Dapat daw ay 4,500 pesos lang ang babayadan nya pero biglang nadagdagan nang halos 1,000 pesosesoses. Paikot-ikot lang yung staff at babalik sa estudyante at magbibigay ng reason na di makatotohanan. New student daw kasi siya kaya may dagdag. What?! Okay, ipagpalagat nang new student. Para ano yun? Kahit nga kami last time, kahit old student kami biglang new student daw kami kaya mas malaki ang bayad namin. Tapos kahuli-hulihan ang dinahilan nila ay late daw kami nag-enroll. 750 pesos din ang nawala sa amin nun!

Ganyan din kapag magrerequest ng mga credentials tulad ng Transcript or copy of grades o kaya kahit evaluation. Paaabutin pa ng 3 linggo minsan lampas pa ng isang buwan dahil di nila agad naaasikaso. Pag bumalik ka sa binigay nilang date, saka lang nila gagawin ang trabaho. Magtatype. Magpapapirma. Magsiseal. Ang masama pa, wala ang signatory!

Kadalasan, kapag lalapit ka sa window nila ay parang mga bingi na di ka papansinin kahit tinawag mo na ang kanilang pansin. Kunwari busy-busyhan ang effect. Nakatutok sa ginagawa nila kahit dapat ay inuuna nila ang mga client nila. Kulang ang kalahating araw para sa isang simpleng bagay na wala namang pila. As in ikaw lang ang client pero parang ang daming inaasikasong tao.

Eto ang matindi! Ang mahal na nga ng tuition fee dagdag mo pa ang pagkaginto-gintong miscellaneous fee na ang pangit naman ng service tapos andami pang extra na babayadan. Ngayon lang ako nakaranas na nag-thethesis na may bayad ang panelist at adviser kahit sa undergraduate lang! Pati statistician ay ginto ang bayad! Que Barbaridad!

Tapos, makikita mo na lang na ang kanilang facilities at services ay di man lang maayos at kapaki-pakinabang. Library na nga lang nila parang mall sa laki pero ilang area lang naman ang may laman. At eto pa ha. Library na may nagseseminar! Paano kang makakapagfocus sa binabasa mo o iniisip mo kung ang library na dapat ay tahimik ay merong seminar na pagkalakas-lakas ng speaker na parang wala ka talaga sa library nila.

Kapag naman sa klase. Ni hindi mo mahanap ang professor mo dahil ang dami-dami niyang sideline. Dean ng ganito. Officer ng ganito. Principal ng ganito. Presidente sa ganito. May pinuntahang ganito. Hanuba!!!!

Maaaring sasabihin sa akin na bakit ako nagtyatyaga. Dahil itong school lang naman na ito ang nag-ooffer ng course na kailangan ko. Dito ko din kasi ako nagsimula. Sayang ang tuition ko noon. Di naman ako sustentado ng magulang ko o nang kung sino man. Isa pa, ito lang ang malapit. Kaya ang magagawa ko na lang ay ang magtiis at magreklamo sa blog na ito.

Pagkadami-daming kaekekan!

Clue: Itong school na ito ay may pangalan ng dating presidente ng Pilipinas at dating gobernador ng isang probinsya. Kung di nyo kilala, wag nang alamin wala din namang kwenta!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com