this on Facebook!

Baby is now OK

Posted by: Klet Makulet,

Sa wakas! Narelease na din si Baby Mav (my brother's baby boy)! After 6 days of confinement. Grabe!

Tomorrow he is scheduled for "suob" or "tawas" kasi daw baka may kung anong nakabati/galaw sa kanya. Lam nyo naman ang mga Pinoy but I think wala naman mawawala kung idadaan si MAv sa ganun since madami na ding instances na gumagaling yung ibang mga kakilala namin na super critical sa ospital pero nagagamot ng faith healing.

Sana nga ay tuloy-tuloy na ang paggaling nya. According kasi dun sa doctor na tumingin, Steven Johnsons daw yun... pero mukhang di naman ganun kalala. Since there are some symptoms that are not present and syempre yung itsura sa mga nareresearch namin is not the same as what appeared to baby's skin.


Yung naunang nabanggit ng doctor is Angioneurotic Edema, yun ang medyo kapareho pa ng symptoms and itsura. Ipinipilit na SJ yung sakit, muntik pa tuloy di macover ng Maxicare yung bill ng bata.

Gandang tulong na din talaga ang mga health cards dahil sa mga ganitong panahon ay ang laki ng natitipid. Imagine, sa halip na 24k ang bill, 2,250 na lang. Galing!

Bukas malalaman talaga namin kung may masamang hangin na naging dahilan ng sakit ng bata. Very sudden kasi eh. And the doctor looks like she's not sure about her diagnosis.

Than you po Lord ok na si Mav.


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com