May mga ideas pero kulang sa facts. Masamang magkunwaring may alam. Pero ishe-share ko na din.
Habang naglilibot ako sa SM Supermarket, patingin-tingin ako sa presyo at sa calories ng mga pagkain. Syempre patingin-tingin. Painspect-inspect. Ilalagay sa basket at pag di swak sa budget ay ibabalik sa shelves.
Isa sa nakakuha ng pansin ko ay ang Del Monte Fit 'n Right.
Eto ang mga bagay na napansin ko at gustong i-share:
- Bukod sa 300mg ng L-Carnitine and B Vitamins 1, 6, and 1, ito ay may mababang calories PERO iba-iba ang number of calories per flavor.
- Ang Pineapple ang may pinakamataas na calorie content per serving at ito ay 100 calories.
- Ang iba ay (kung di ako nagkakamali) may 80 to 90 calories depende nga sa flavor. Ang pinakamababa ay ang bago nilang flavor na kulay violet ata yun (puro yata wehekhek!).
- Ang nakalagay sa packaging ibang flavor, lalo na ang mga naunang flavors like Pineapple, ay "with L-Carnitine that helps burn fat" pero sa iba, ay may naidagdag na word at ang nakalagay ay: "with L-Carnitine that MAY help burn fat."
- Kailangan mong magexercise para maging fit ka. Dahil kung laklak ka lang ng laklak ng fit 'n right, malamang walang mangyayari sayong himala.
- 3x a day ang recommended intake nito. Ibig sabihin, gagastos ka ng malaki para pumayat!
Ayun lang! Try ko balikan yung bagong flavor at nang maging matino naman yung info na binigay ko. Adios!
July 9, 2009 at 9:30 AM
-blight
July 9, 2009 at 9:13 PM
Post a Comment