Naiintriga ako at kating-kati na sa kung anong title nung kantang paulit-ulit kong naririnig sa radyo tuwing umaga... Nasa album pala ito ni Gloc9 na Matrikula.
Nalaman ko na "Upuan" ito na kinanta ni Gloc9 feat. Jeazel of Zelle.Astig! Parang kanta ng Kamikazee sa Long Time Noisy na "Wala." May kwento, may dating at malaman.
Syempre maaaring para sa mga mayayaman ito o sa mga nasa puwesto sa gobyernong ayaw umalis sa kinaluluklukan. Sana madami pang ganitong mga klase ng kanta na di lang puro ngawa pero may kabuluhan.
Sa nais mapakinggan ang kanta...
photo source: glocnine.multiply.com
Eto ang lyrics...UPUAN
Gloc 9 featuring: Jeanzell of Zelle
Jeazell Vocals:
Jeazell:
Kayo po na nakaupo
subukan nyo namang tumayo
baka matanaw
at baka matanaw ninyo
ang tunay na kalagayan ko
Gloc:
(ganito kasi un eh)
tao po nandyan po ba kayo sa loob
ng malaking bahay at malawak ng bakuran
mataas na pader pinapaligiran
at nakapilang mga mamahaling sasakyan
mga bantay laging bulong ng bulong
wala namang kasal pero marami ang nakabarong
lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
at ang kanin ay 'sing puti ng gatas na nasa kahon
at kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
ang sarap siguro manirahan sa bahay na ganyan
sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
na pag may pagkakatao'y pinag aagawan
kaya naman hindi nya pinakakawalan
kung makikita ko lamang sya
ay aking sisigawan
Jeazell:
Kayo po na nakaupo
subukan nyo namang tumayo
at baka matanaw
at baka matanaw ninyo
ang tunay na kalagayan ko
Gloc:
mawalang galang na po
sa taong nakaupo
alam nyo bang pagtakal ng bigas namin
ay di puno
ang dingding ng bahay namin
ay pinagtag-tagping yero
sa gabi ay sobrang init
na tumutunaw ng yelo
na di kayang bilihin
pag niligay sa inumin
pinakulung tubig sa
lumang takuring uling-uling
gamit na pangatong
na inanod lamang sa estero
na nagsisilbing kusina
sa umaga ay aking banyo
ang aking ina'y na ma'y
kayamanang isang kaldero
na nagagamit lang
pag ang aking ama ay sumweldo
pero kulang na kulang parin
ulam na tuyo't asin
an sikwenta pesos
sa maghapo'y pagkakasyahin
di ko alam kung talagang maraming harang
o mataas lang ang bakod
o nagbubulag-bulagan lamang po kayo
kahit sa dami ng pera nyo
walang duktor na makapagpapalinaw ng mata nyo
kaya
Jeazell:
Wag ka masyadong halata
bato bato sa langit
ang matamaa'y wag magalit
bato bato bato sa langit
ang matamaan ay
wag masyadong halata
wag kang masyadong halata
wag kang masyadong halata
wag kang masyadong halata
wag kang masyadong halata...
Jeazell Vocals.... until fade...
Isa pang nagustuhan ko dito sa album na ito ay ang "Bayad Ko" feat. Noel Cabangon na nagpasikat ng kantang "Kanlungan".
Galing!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
July 23, 2009 at 12:41 PM
-blight
July 23, 2009 at 8:23 PM
Post a Comment