photo source: www.boiseweekly.com
Dapat sana ay wish list ang gagawin ko. Pero, dahil taghirap ngayon at medyo may kamahalan ang mga gusto ko, malamang ay walang mag-aaksaya ng pera para maibigay ang mga gusto ko. Pwera na lang kung dead na dead sa akin yung tao o mayaman lang talaga siya. Sosyal!
Heto ang mga gusto kong mabili ngayong taon na ito:
1. Printer
Unang-una ito sa listahan ko ngayon dahil kailangang-kailangan ko talaga ito para sa aking thesis. Mas makakatipid kasi ako kung sa akin na ang printer at gagamit na lang ako ng mga murang refill. Nakapaghanap na din ako ng kung anong klaseng printer--Epson Stylus NX300 All-in-One Printer(Print/Scan/Copy/Fax) for only $69.99. Pero dahil wala naman akong pangbabayad sa shipping, dito na lang ako sa 'Pinas bibili. Ganun din naman yun eh.
2. Digital Camera
Ayoko nung mga uber expensive na camera na akala mo photographer sa park. Una, di ko kaya ang amount at bigat nito. Ikalawa, masyadong malaki. Ikatlo, basta ayoko. Pero kung libre kong makukuha, bakit hindi? Wehehehe.
Kailangan ko lang na magkaroon ako ng sarili kong digicam para di naman ako yung hiram ng hiram sa iba. Minsan kailangan ko din mag-invest sa ilang mga kaartehang ganyan. Sayang lang kasi yung Canon na sale last summer. Nag-inarte pa kasi ako, ayun, last minute naubusan ako.
Kailangan ko lang naman ng pang-point-and-shoot para kung may magustuhan ako na lugar, itsura, at mga bagay-bagay ay may picture ako. Madadaan naman sa Photoshop ang lahat para magmukhang D40 ang gamit na camera. Sabi nga nila, it's not the camera, it's the photographer.
3. Wrist Watch
Dati kasi, nakakapagtyaga na ako sa mga second hand na relo ng kapatid o magulang ko. Syempre, wala pa akong pera na pangbili ng mga anik-anik ko sa buhay kaya tiis sa pinaglumaang gamit.
Nung gumraduate ako, isa sa regalo ko sa sarili ko ay wrist watch at syempre since regalo ko, pera ko ang ginamit ko. April 2002 pa yun, 9 years and 3 months na ang nakakalilipas at hanggang ngayon ay yun pa ding binili kong Swatch Irony (Happy Joe) ang gamit ko (parang pang-boys yata ito pero ok lang cute naman).
Pero okay lang, at least original at expensive (noong panahon na yun) ang relo ko. Yun lang ang maipagmamayabang ko hehe.
4. Cellphone
Namaalam na ako ng tuluyan kay Nokia 3650 na tumagal ng 5 years sa akin at etong si Sony Ericsson T8 ay nagpaparamdam na din na malapit na siyang kunin ni Kamatayan, makikijoin din kay Nokia 6600 (Garsh! Lahat ay lumang unit na!) Isang phone na lang ang natitira at sira pa ang keypad.
Kailangan ko muna ngayon ng cellphone na mura, yung pang-text and call lang talaga. May nakita na ako sa SM Php1,600 lang na Nokia. Di lang kasi ako marunong tumingin at baka ilang buwan lang sira na. Iipon muna din ako.
Pero nangangarap at umaasa ako na minsan makakabili din ako tulad ng iPhone masaya na ako. Ayoko ng Blackberry di ako sanay sa qwerty na keypad parang yung 3650 na nakakanginig pag baguhan, di sanay.
5. Speaker
Isang maliit na speaker para sa mp3 player ko or para sa computer ko para naman di ako nagtya-tyaga sa mahinang sounds o kaya ay ear phone. Minsan ay titingin ako sa CD-R King. Basta maganda yun tunog, okay na ako dun.
6. Lan Cable
Sabi ko nga, madalas nagtyatyaga ako sa pinaglumaan o hiram lang. Itong ginagamit kong lan cable ay hiram ko pa sa pinsan ko. Pinagtyagaan kong ayusin ang sirang cable para lang makapag-internet dito sa room ko. Mura lang naman daw yung 10 meters na cable sa CD-R King.
7. Notebook
Oo. Kalabisan nga ang bumili pa ng isang computer kung may laptop na. Pero, di ba ang sarap lang naman na may naitatago kang maliit na computer sa bag at pwedeng gamitin anytime na gugustuhin mo? Parang camera din na madaling gamitin pag kailangan mo. Laptop kasi medyo mabigat. Saka mas cute. Kahit mumurahin lang basta notebook at makakapaginternet ako masaya na ako. Hekhek.
Sana manalo din ako sa raffle tulad ng kapatid ko. (Pray ala-Santino)
8. Portable HD
Kailangan ko ito. Promise. Sa lalaki na ng mga files ngayon, kulang na ang HD para mai-save lahat ng gusto kong itabi. Kung dati, diskette lang ay kaya nang mag-store ng files na kailangan sa isang report, ngayon, 4gig na ang thumb drive, kulang pa din!
Iniisip ko lang kung WD o Seagate ba ang kukunin ko. Pero sabi nga nila Seagate na lang na 1T sobra-sobra na. Medyo mahal nga lang.
Ilan lang yan sa gusto kong mabili. Pero kung itototal ko ang gagastusin, kulang ang sampung taon para mabili ko lahat. Kaya isa-isa lang. Di rin naman masama na i-target ko siya at the end of the year. Baka lang kasi may maghimala.
Puro pangarap pa lang ang lahat ng yan. Uunahin ko muna siguro yung printer since kailangan ko na talaga yun for my research. At least isa man lang sa walo ay may natupad ako.
Kailangan ko lang ng puspusang pag-iipon mula sa napakaliit na perang natatanggap ko para maisakatuparan ang lahat ng luho ko na ito.
Ayoko namang umasa sa ginie at baka hingan ako ng isang bagay bilang kapalit tapos sa huli sasabihan lang ako na..."Ang tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa din sa genie?!"
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
July 23, 2009 at 1:54 AM
Ako rin, maraming gustong bilhin. Kaso walang pera. :'(
July 23, 2009 at 8:24 PM
Post a Comment